FF#29: Saving clyde

42 10 21
                                    

3rd Person's POV

"I have to go, I had so much fun today and kindly keep my things. I'll promise to get it sooner."

Nagmamadali niyang pamamaalam kay Gian na hindi na nagawa pang makapagsalita pa.  Hindi na rin ito nag abala pang habulin ang dalaga na nawala agad sa kanyang paningin. Maganda na rin na nasa kanya pa ang mga pinamili nitong libro may dahilan pa para kitain siya ni Sofia.

Sinigurado na muna ng dalaga na hindi nakasunod sa kanya ang binata bago ito dumiritso ng hide out at nagpalit ng anyo gamit ang wax na korteng mukha ng tao ay mag-iiba na ang mukha ng nagsusuot.

Mahalaga na hindi mabunyag ang identity nila para ito sa kaligtasan ng bawat isa dahil hindi nila kilala kung sino ang kampi at sino ang kaaway dapat patas lang ang laban hindi rin dapat sila makilala ng mga ito.

Agad niyang inactivate ang microchip upang mahanap ang eksaktong lokasyon ng kanyang kasamahan. Kitang-kita sa ang pulang ilaw ay mabilis ang pag galaw marahil ay nagmamaneho ang mga ito ang ipanagtataka niya ay dalawa lamang ang nakikita niya nasan ang iba pa?

Binilisan niya pa lalo ang pagmamaneho upang mabilis makahabol sa mga ito hahanap sya ng short cut upang salubungin ang kung ano mang hinahabol nila ayon sa huling pagkakarinig niya nasa loob ng puting van si Clyde.

Anong ginagawa niya sa loob?

Nagpapakamatay ba ang kaibigan nila bakit ito sumugod mag-isa.

Nag-aalala sya para sa kaibigan kahit pa alam niyang magaling ito sa pakikipagbuno ay hindi dapat makampante dahil may tinatawag pa rin tayong malas at swerte. Paniguradong pagtinamaan ng malas ang kaibigan hindi na niya alam kung ano pa ang iisipin pinasasakit lamang nito ang kanyang ulo at pinabibigat ang kalooban.

Masyadong mahaba ang habulan malayo na ang nararating nila katunayan ay wala na sila sa urbanisadong kalakhan mapuno na halos ang nadadaaanan. Sa wakas isang full blast na paandar ay naabutan din niya ang mga kasama nagkatinginan silang tatlo at sabay na nagsignal ng 'Go' sa pamamagitan lamang ng pagtango.

Dahil wala na halos dumadaan ay pinaglaruan na nila ang kahabaan ng kalsada naunang rumitsada si Lav, matapang na hinarangan niya ang puting van sabay pinaundayan ng bala na kayang agad bumutas ng gulong ng sasakyan.

Mabuti na lamang at nakapaghanda sya ng sandata di gaya nina Lav na agad sumugod sa paghabol marahil ay natatakot ang mga ito na baka mawaglit sa paningin ang van. Mabuti na lamang at mabilis umaksyon sina lav kundi hindi na nila aabutan ang van.

Napahinto at hindi na makapagmaneho ang van tuloy tuloy ito hanggang sa dumaosdos ito pababa at bumunggo sa puno. Agad naman nila itong nasundan bumaba sila sa motor upang buksan ang van.

Sinalubong sila ng anim na armadong lalaki mabuti na lamang at mabilis sila kundi tinamaan na sila ng bala.

Nagpangbuno sila, tatlo laban sa lima. Nawalan ng malay ang lima matapos ang engkwentro agad naman nilang binuksan ang van tumambad sa kanila ang apat na babae, isa roon si Clyde na nakabusal at wala pa ring malay.

Ang natitirang mga babae ay kapwa nasa menor de edad pa.

"Clyde! Gising!" Tapik ni Lav.

Hindi magising ang mga ito mukhang may ininject sa bawat isa. Pinasya nilang paaminin muna ang mga nahuli bago nila ito isuko sa pulisya. Sa totoo lang labas na sila sa usaping ito ngunit dinawit nila si Clyde karapatan nilang malaman kung sino ang tao sa likod ng kabalbalan na ito.

"Sino ang nag-utos sa inyo?" Tanong ni Kely.

Kahit anong pilit ay ayaw kumanta ng mga bugok. Pinatunog ni Lav ang kamao nito sabay sinuot ang bakal na kamao o ang brass knuckle. Nanlaki sa takot ang mga mata ng mga ito dahil siguradong basag ang bungo nila oras na lumapat ang kamao ng dalaga.

Fearless flowers (Mafia S1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon