FF#1: Mirai University

274 38 211
                                    

Chapter one: Mirai university.

3rd Person's POV

Kinuhanan ni Lavender ng larawan ang mismong gate ng bagong papasukan nilang unibersidad. Hindi para i-post sa social media kundi para i-email sa kanilang boss, patunay na simula na ang operasyon. Mamaya pa ay sabay-sabay silang lima na nakatanggap ng mensahe mula sa kanilang boss.

'Keep your eyes open and guard your selves...your mission will start next month'

As soon as possible kailangan na nilang simulan ang bagay na sadya nila sa impyernong ito. Bukod pa sa kanilang misyon ang bawat isa ay may ibig tuklasin at isiwalat. Hindi na yata nila mahihintay pa ang susunod na buwan.

"Woooaah this is it pansit! Sana color violet yung room ko," excited na wika ni Kely.

"Yuck dapat red and black," ganting sagot ni Lavender. Sa isip ng dalaga ay kadiri talaga itong likes ni Kely.

"Tara na saloon. Para malibot natin who knows may nakaabang na agad na adventure," wika ni Clyde sabay kindat.

"Tss mauna na ako hahanapin ko agad ang library," wika ni Sof; ang pinakamatalino sa kanilang lima.

"Zae?" sabay-sabay nilang tawag sa bestfriend.

"Tengene nauna na ang poqpoq," bulong ni Lavender.

Paano ba naman wala na pala sa likod nila naunahan pa silang pumasok. Pagkapasok nilang apat sa loob ay sinalubong sila ng normal lamang na unibersidad. Wala namang kakaiba kung susuriin ang Mirai (Japanese word for "future").

Hindi nila malaman kung bakit dito sila pinatapon ng kanilang boss. Hindi rin talaga lubos maisip ni Lavender kung bakit pilit siyang pinalalayo ng taong pinahahalagahan niya, bago pa mangyari ang...

Napapikit na lang si Lavender sa tuwing may naaalala siyang hindi na dapat pang balikan. Pero hindi niya pwedeng kalimutan at ipagsawalang bahala ang nakaraan.

'Kailangan ko makuha iyon....ngunit mas higit niyang kailangan ang bagay na iyon. Sisiguraduhin kong matapos ang taon na ito, kasabay ng diploma ay maibibigay ko rin ang nararapat na mapasakanya,' aniya ng tinig na maliit mula sa isip ni Lavender.

"Sorry....sorry ...sorry."

Nakarinig sila ng komosyon sa bandang kaliwa. Agad silang lumakad patungo sa kumpol ng limang mean girls. Akmang sasabunutan ng isa ang kawawang babae.

"Haven't you heard her sorry?" Sumingit na talaga si Lavender. Malumanay lamang ang pagkakasabi nito.

Kahit saang school talaga hindi nawawala ang mga punyetang bullies. Wala man lang ginawa ang mga dumaraan at mukhang takot pa sila sa mga clown na ito. Ang mga walang silbing guro ni hindi man lang nagtapon ng tingin.

"Back off b*tch hindi mo kilala binabangga mo," anas ng babae sa mataray na tinig. Ang babaeng may bungangang daig pa ang nakagat ng bubuyog.

"Obviously bumangga ako sa pader,"diritsahan na pasabi ni Lav. Totoo naman kasing wala itong dede in short flat ang gaga.

"tss arte pa wala namang dede!" Pahabol pa ni Lav kaya lalong umusok ang ilong nito.

"Hindi mo ba alam na dapat inaayon sa laki ng dibdib ang tapang?" Nakapameywang na dugtong ni Lav. Syempre charot niya lang iyon, gusto lang niyang asarin ang babaeng kaharap niya na halos sasabog na sa galit.

"Haven't you heard bawal sa school ko ang highschool student?" Mataray na pambawi ng kaaway ni Lav.

"Okay lang na isipin mong highschool student ako, hindi ako pikon. Maliit man ako bawi naman sa mukha, atleast ako may dede. HAHAHAHAHAHAHAHA" natatawang bwelta ni Lav.

Fearless flowers (Mafia S1)Where stories live. Discover now