FF#49: Getting used to it (Zae)

20 7 6
                                    

3rd Person's POV

Umaga pa lang ay aburido na ang ulo ni Zae. Paano ba naman ay may baliw na nag-iwan ng chocolate at love letter sa kaniya.

Kung sino man ang taong iyon ano bang iniisip nito?

'Akala ba niya nasa junior highschool pa rin kami? Chocolate and love letter? Tsss seriously doesn't he have balls to confess in person?'

Tinapon niya ang letter na hindi man lang binasa.

Nakakatamad magbasa ng letter kung magsasabi sa personal ang may-ari ng sulat baka sakaling pakinggan pa niya, pero pwede rin namang hindi.

"Ibang klase tinapon mo yung letter pero yung chocolate tinanggap mo." Napailing ang kanyang guro samantalang nakapoker face pa rin si Zae.

"Bakit makakain mo ba yung letter?" pabulong na wika ng dalaga. Napangiwi ito ng maisip bakit nga ba siya nakikipagusap sa guro. Nakakainis napakapakealamero nang gurang na ito.

"Good morning sir!"

Mabuti naman at may dumating na hindi na siguro siya kakausapin ng guro.

"Ang aga niyo lagi dumating sa klase dapat siguro bigyan ko kayo ng award."

"Ilibre niyo na lang kami, sir!"

Hindi niya nariring ang sinasabi ng mga ito dahil nakaearphone siya at wala siyang balak makisali sa kanila. Dumarami na ang mga nagsisidatingan dahil 10minutes na lang umpisa na ang klase.

"Since umpisa na ang second sem we have to change sit plan."

Nalipat siya ng upuan sa harap pa rin ngunit sa gitnang bahagi naman katapat pa talaga ang mesa ng guro. Katabi niya ang presidente ng kanilang block. Iyong werdo na nakasama niya sa team building.

Napansin niyang nagngitian ang kaniyang guro at ang kanyang katabi.

Malas dalawang werdo ang nasa paligid niya. Mukhang kailangan niya ng mahabang pasensya sa sobrang daldal ng mga ito hindi siya magugulat kung bigla niyang mabusalan ang mga ito.

Sa araw-araw ay nasanay na siya sa daldal ng kanyang katabi. Halos isang linggo, araw-araw rin na may nakapatong sa kanyang lamesa o di kaya sa kanyang locker. Tinatapon niya lagi ang letter at ang tinatanggap lang niya ay ang pagkain na kasama ng letter.

"Hindi mo man lang ba babasahin kahit isa lang?"

Bakit ba lagi na lang sumusulpot ang epal na ito. Nagsisimula na tuloy siya magduda sa kilos ng guro.

"Ano bang paki mo kung babasahin ko o hindi? Bakit sayo ba galing ang mga ito? Parang kating-kati ka na basahin ko."

"Huh? Ano hindi sakin galing yan." Lumikot ang mga mata ng guro.

"Pero kilala ko kung kanino galing ang mga yan," Wika ni Marc.

"tss." Sabay tumalikod na siya wala naman siyang pakialam kung sino man iyon. Nakakailang hakbang pa lang siya ng biglang magsalita ulit ang kanyang guro.

"Hindi mo man lang ba aalamin?"

"Wala akong panahon sa mga duwag." Walang ganang wika ni Zae.

Hindi siya makapaniwala bakit ba nagaaksaya siya ng panahon makipag-usap pwede namang hindi niya pansinin ang guro. Gaya ng dati sanay naman siya na invisible lang.

Ang mahalaga ay nageexist siya sa tinuturing niyang pamilya—sina Lavender.

Hindi naman siya nadismaya nang makitang walang letter at pagkain ang iniwan para sa kanya. Natuwa pa nga siya mukhang sumuko na kung sino man siya.

Fearless flowers (Mafia S1)Where stories live. Discover now