FF#11: Lavender's aching heart.

61 19 29
                                    

3rd Person's POV

' I love you '

Paulit-ulit nakakakiliti, napakasarap sa tenga. Ngunit hindi iyon ang nararamdaman ni Lavender ng mga sandaling ito. Pakiramdam niya ay isa iyong bulong na pumapasok sa kalamnan niya para pasakitan siya.

Nagbalik sa kanya ang alaala habang kasama pa ito.

"I Love you," wika ng binata habang nilalantakan ng halik ang kaliwa niyang pisngi.

Napangiti si Lavender sa tinuran ng kanyang nobyo.

"Kung mahal mo ako dapat pakasalan mo ako."

"Gusto mo ngayon na? Halika na at magpalista na tayo!" Excited na wika nito.

"Loko hindi pa nga ako nakakatapos ng pag-aaral."

" Ikaw eh, alam mo naman na pangarap ko ibigay ang apilyedo ko sa iyo."

Hindi na lamang umimik si Lav dahil sa kinikilig siya sa sinabi ng nobyo. Kapag kinikilig siya ay pinipili niya na lang na huwag ipahalata. Hindi kasi siya sanay sa mga cringe na harutan.

Napatitig siya sa larawan nila, katabi ng kanyang kama. Pinangarap niya noon na magamit ang apelyedo nito ngunit madamot ang tadhana.

Walang patid ang pagtulo ng kanyang luha. Nasasaktan pa rin siya, sobrang mahal niya si Kyo, yet kinuha ito sa kanya ng biglaan. Wala man lang indikasyon na iyon na pala ang huling araw na makakasama niya ang nobyo. Walang indikasyon na sa ganoong paraan lang binawi ng dyos ang buhay nito.

Sa bawat araw ay kasama niya sa kanyang pagtulog ang isang masayang panaginip. Isang masaklap na realidad naman ang kanyang namulatan. Isinandal na lamang niya ang kanyang likod sa cupboard sabay dinampot ang larawang katabi. Marahang hinaplos at muling hinikbian. Matapang  at patuloy na lumalaban sa buhay ngunit sa loob-loob ay pinaglalamayan na.

Ibang klase ng sakit ang dulot ng pagkawala ng kanyang nobyo. Nawalan siya ng kaisa-isang sinasandalan.

"Kyo, I'm not happy. Please come back to me." Nakiusap siya sa hangin dahil alam naman niyang kahit ilang beses siyang makiusap at mag-alay ng dasal ay hindi na maibabalik ang taong lumisan na panghabam-buhay.

Kailan man ay hindi na babalik ang buhay ng isang namayapa. Hindi na ito maibabalik gaya ng katotohanan na hindi magbabalik ang kamay ng orasan para bumalik sa dating panahon.

Ilang oras din bago siya nagdesisyon na lumabas ng silid. Maigi pa na maghanda na lamang ng almusal nang sa gayon ay mapawi ang pangungulila na parating gumigising sa kanya.

"Morning," bati ni Clyde.

"Morning, pakiset ng dining."

"Sure," masayang tugon ni Clyde.

Sunod naman si Zae. Tinap nito ang balikat nina Lavender at ni Clyde, sabay dumiritso na sa rest room.

"Morning, labs!" Bungad ni Sofia.

"Morning," sabay na pagbati ni Lavender at Clyde.

"Wait! Gisingin ko na si bruha," saad ni Sofia.

Sabay-sabay silang dumulog sa hapag, nanalangin muna bago magsimulang kumain.

"Hindi pa rin ba sinasabi ni lady boss kung kelan sisimulan ang misyon?" usisa ni Lavender.

"Wala namang nabanggit si mommy," sagot naman ni Kely.

Si Kely ang pinakamalapit sa boss nila dahil 9 na taon pa lang ito ay kinupkop ng ginang ang dalaga mula sa pagkakakidnap. Kaya naman malaki ang utang na loob nito sa tinuturing niyang ina. Gayundin naman silang natitira ay sobrang laki ng utang na loob kay boss.

"Siya nga pala magkita na lang tayo mamaya sa simbahan," wika ni Lavender.

May importante na pupuntahan si Lavender. Gayunpaman ay sisikapin niya na makapagsimba kahit pa may panahong sinisisi niya ang diyos. Sa diyos niya itinapon lahat ng mga kamalasan at kasawian sa buhay. Ngunit kahit anong pagdududa niya sa kabusilakan ng panginoon ay higit na marami siyang dapat ipagpasalamat sa diyos.

Matapos magsimba ay tumungo si Lavender sa kanyang naging paboritong lugar. Bitbit ang mababango at bagong pitas na bulaklak ay binagtas niya ang daan patungo sa kanya. Ilang minuto rin siyang nakatayo, nakatitig, pinipigilang mapatid na naman ang mga luhang nagbabadyang pumatak.

Nagtagpo ang mga mata nila ng isang binata. Hindi niya maunawaan kung bakit nag aapoy ang mata ng binatang ito. Samantalang wala naman siyang nagawang mali. Huminga muna siya nang malalim bago lumuhod, inilapag niya sa puntod ang basket na naglalaman ng paborito ng binata— puting rosas.

"Are you coming on his death anniversary?" Wika ni Flame, ang binatang kanina lang ay nagtapon ng masamang tingin sa kanya.

Umiling ang dalaga sabay na natulala sa puntod ng lalaking sinadya niyang dalawin.

"I can't come. Not until justice on his death is granted."

Magkakilala sila ng kanyang guro ngunit matagal nang nagkalayo anc loob nila at hindi inaasahan na sa Mirai rin niya ito makikita.

Sadyang umaarte lang si Lav na limot na niya kung sino ito. Ngunit ngayong nagkita ulit sila pagkatapos ng mahabang taon ay hindi niya maikakaila na kilala niya pa rin ito.

Ito ang unang beses na nagpangabot sila sa puntod ng yumaong boyfriend niya.

Biglang nanghina at napahagulhol na lamang si Lavender. Naramdaman niya ang bahagyang pagyakap ni Flame.

Natunaw ng kusa ang galit ni Flame sa dalaga. Niyakap niya ito nang bahagya. Lalo namang napahagulhol ng iyak si Lav. Matapos matuyo ang luha sa mga mata ni Lavender ay nanumbalik na naman ang matapang nitong anyo, ngunit di maikakailang malungkot ang pares ng kanyang malamlam na mata.

Nauna nang maglakad palayo ang dalaga, samantalang naiwan naman sa puntod si Flame. Kinakausap ang namayapa na animo'y sasagot.

May galit siya sa dalaga ngunit mas nanaig sa kanya ang damdamin na nag-aalala. Ang binata lamang ang nakakakita ng fragile na side ng dalaga. Sanay siya na lagi itong matapang. Noon pa man gusto na niyang alagaan si Lavender ngunit hindi na maaari.

Hindi na maibabalik ang ano mang mayroon sila noon. May mga bagay talaga na hindi na maaring ipagpatuloy, hanggang doon na lamang.

Malungkot niyang nilisan ang puntod. Alam naman niya na sa lugar lamang na ito sila nagiging malapit ulit sa isa't -isa.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Flame sa kawalan bago tuluyang magmaneho paalis sa lugar na pinaghihimlayan ng mga katawang nakabaon sa ilalim ng lupa. Mga abong nakakulong sa porselanang garapon ngunit nanatiling humahalo sa hangin ang presensya ng bawat isa at nagpaparamdam sa mga taong naiwanan.

Fearless flowers (Mafia S1)Where stories live. Discover now