Chapter 37

3.9K 116 103
                                    

Hindi ko na lang pinansin ang text na iyon. I just deleted it at bumalik na lang sa kama. Hindi naman nabawasan nun ang pagmamahal ko kay Yakob at pinagkakatiwalaan ko naman siya. That's the only thing I can do it for now, to trust him.

Pagkatapos nun ay bumalik na kami ng Pilipinas at hindi na kami nakapagpaalam pa kay Luigi dahil pumunta sila sa Europe for their honeymoon. Kasalukuyan, nasa site kami ngayon sa bahay ni Kasen.

"Yow yow yow!" Bati sa amin ni Kasen na ngayon ko lang yata nakita na pumunta dito para tignan ang bahay na pinapatayo niya.

"May balak ka palang bisitahin ang bahay mo?" Ani ko sa kanya at meron ng mga posteng itinatayo rito.

"Sorry." Ani niya at tumawa ng malakas saka bumaling kay Yakob na nasa tabi ko.

"Tol, nagiinvite si Orvyn na mag-inuman daw?" Napatampal na lang ako sa noo ko dahil kala ko pumunta siya rito para tanungin ang bahay niya ngunit nandito pala siya para imbetahin si Yakob ng inuman. Pambihira talaga ang lalakeng ito.

"Ayaw ko." Pagtanggi ni Yakob at binaleng ang tingin nito sa akin.

"Sige na. Ngayon ulit tayo magkakasama oh! Meron din yung kabatch natin nung college parang reunion na rin." Pagkumbinsi ni Kasen kay Yakob.

"No." Pagtanggi ulit niya at mukhang hindi madadaan ni Kasen si Yakob ng ganon ganon lang kaya bumaling na siya sa akin at bumalandra ang malawak nitong ngiti para humingi ng tulong.

"Cloy, pilitin mo naman siyang sumama sa amin oh! Ngayon lang naman." Pagmamakaawa ni Kasen sa akin. Hindi na man ako tumututol sa sinasabi ni Kasen at besides reunion na nila ito kaya sino ba naman ako para piggilan siya.

"Sige na sumama kana sa mga kaibigan mo." Wika ko kay Yakob at si Kasen na man ngiting aso na.

"You sure?" Hindi kumbinsidong sabi ni Yakob sa akin.

"Oo nga! sige na! Have fun." Ngiti ko rito.

"Yuh oh! Mamayang 7 text ko sayo kung saan." May pagsuntok pa siyang nalalaman at tinapik ang balikat ni Yakob.

"Okay."

"Kamusta ang bahay?" Pagtanong ni Kasen sa aming dalawa

"So ito nga..." naputol ang sasabihin ko ng pumagitna na naman siya.

"Shhh basta alam ko okay na. Bye guys!" Napakamot na lang ako sa sinabi niya at iniwan na kami dito ni Yakob.

"Ang weird talaga ng kaibigan mung 'yun." Tinawanan lang ako ni Yakob dahil sa sinabi ko. Naalala ko may presentation kami mamayang after lunch kaya nagpaalam na ako kay Yakob para umalis.

"Bye. See you." Paalam ko rito at humalik ako sa labi niya.

"Can you stay for a bit?" Malungkot na sabi niya sa akin at parang batang lumabi pa.

"I wish I could ngunit kailangan ako sa office ngayon." Ani ko sa kanya at kinuha ang susi ng sasakyan ko.

"Ito na man parang matagal akong aalis magkikita naman tayo palagi. Just enjoy with your friends tonight." At pinasadahan ko ang buhok niya.

"Okay." Malungkot nitong sabi.

"Hayaan mo babawi ako sa'yo." Bulong ko sa kanya at mukhang nakuha nito ang sinabi ko.

"Sabi mo ah. Can't wait." Ngiting manyakis na sabi niya sa akin.

"Tsk!" Naglakad na ako paalis at pumunta na sa opisina para sa presentation ng design.

Pagdating ko sa firm ay inayos lang namin ang presentation namin at kunting practice na rin sa pagsasalita. Kahit ilaw beses ko ng ginawa ang pagpresent ng design ay kinakabahan pa rin ako parang kasing mag-te-thesis defense ulit ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Flower and Cigarette (Notorious BL #1) boyxboyWhere stories live. Discover now