Chapter 12

2.7K 108 16
                                    

"Kumakain ka ba nito?" Lapag ni Mama sa luto niyang pinakbet. Ang signature dish niya, ang sobrang sarap na pinakbet dahil rin sa luto niyang pinakbet kaya gustong-gusto kung kumain ng gulay ngunit kapag ibang luto na ng gulay ayaw ko nang kainin.

"Opo." Magalang na sabi ni Yakob kay Mama at tinignan ang pinakbet na nakahain sa lapag. Alam ko ang tingin na 'yun hindi niya alam kung ano ito. Anak alta kasi! Baka puro meat at imported lang kinakain niya.

"Pinakbet yan." Ani ko at tumango lang siya.

Nasa may dining area kami ngayon dahil inaya ni Mama na dito na lang kumain si Yakob at tung lalakeng ito pumayag naman. Nakakahiya daw kay TITA! Nasa may left side kami ng table samantala si Mama ay nasa left side na nakaharap sa amin. Naglapag pa ng makakain si Mama at umupo na rin.

"Let's pray." Sabi ni Mama at nagsambit ng dasal pagkatapos ay sinimulan na rin namin ang pagkain.

"Anong ginagawa niyo sa kwarto?" Bigla akong nabulunan dahil sa tanong ni Mama at buti inabot agad ni Yakob yung tubig. Kala ko hindi na siya magtatanong tungkol doon. Baka ano na namang kabaliwan ang iniisip niya.

"Ma!" Sita ko sa kanya at ngumiti lang ito sa akin.

"Ginamot lang po ni Cloy 'yung sugat ko." Mahinahon na sabi ni Yakob at ako rito parang nahihiya na dahil sa tanong ni Mama.

"Ah, kala ko kung ano na?" Sabi niya at sumubo ng kanin.

"Ma!" Sita ko ulit. Talaga tung nanay ko pasmado ang bibig.

"Anong nangyare ba sa mukha mo?" Tanong ni Mama kay Yakob. Bigla akong kinabahan dahil sa tanong niya.

"Nadapa po kasi ako nung praktis namin ng basketball." Pagsisinungaling ni Yakob at hindi na ako umangal pa baka kasi pagsabihan kami ni Mama kapag sinabi namin ang totoo at mukhang convincing naman ang sinabi ni Yakob at tumango tango lang si Mama.

"Basketball player ka pala."

"Opo"

"Yan yung mga type ni Cloy." At sa pangalawang pagkakataon nasamid na naman ako at pinadilatan si Mama. Ang bunganga niya hindi mapigilan. Kailan ko pa sinabing type ko ang mga basketball player eh ang alam lang nila ay magpaikot ng bola.

"Talaga ba?" Gulat na sabi ni Yakob at tumingin sa akin at ngumisi. Alam mo yung ngisi niyang meron siyang nalaman na sikreto tungkol sayo.

"Hindi no!" Madiin kung tanggi sa paratang ni Mama. Hindi ako makakain ng husto dahil sa pinagsasabi ng nanay ko at nang tumingin ako kay Mama tumatawa lang siya.

"Ito kumain kapa." Kumuha ng pinakbet si Mama at pinunta sa plato ni Yakob. Kinain niya ito at biglang ngumiti kay Mama.

"Ang sarap po." Masiglang sabi niya at tila ginanahan kumain. Inirapan ko na lang sila at pinagpatuloy ang pagkain.

"Wala bang nagloloto sayo?" Tanong ni Mama kay Yakob at napahinto ito sa pagsubo.

"Wala po kasi hindi po ako sa bahay namin nakatira."

"Saan naman?"

Pinapakinggan ko na lang sila sa paguusap at tumuloy lang ako sa pagkain.

"Condo po."

"Ah"

"Ano bang trabaho ng parents mo?"

"Pareho po silang nasa business."

At tumigil na rin magtanong si Mama ng kung ano-ano para hindi na rin maging awkward pa ang sitwasyon namin.

Natapos ang dinner at ako ang maghuhugas ng pinggan ngayon. Natural na ganon ang routine namin ni Mama kung sino ang nagluto ung isa ang maghuhugas.

Flower and Cigarette (Notorious BL #1) boyxboyWhere stories live. Discover now