Chapter 4

3.3K 144 51
                                    

"Be my personal assistant."

Tumingin ako sa kanyang mga mata at nakita ko ang malalim na titig niya sa akin at ang seryoso nitong mukha. Kumabog bigla ang puso ko, dahil ba ito sa kaba or sa nerbyos. Kung ano ano kasing pinagsasabi sa akin. Gagang Yakob na ito? Siguro nang go-good time lang ang gago.

"Joke ito no?" Tanong ko sa kanya ngunit hindi parin matanggal ang seryosong ekspresyon niya. Ganon parin malalim at nanghuhugot.

"Did you think I'm joking here Cloy?" Seryosong sabi niya. Napahawak ako sa aking bibig. Hala siya! Hindi ito joke at hindi rin ito prank. He lick his lips at tumingin na naman siya sa akin ng seryoso.

"At kung umayaw ako?"

Since may choice naman ako 'di ba. I have rights also and this is a democratic country after all.

"If you will decline my offer. Well, pasensyahan tayo Cloy, you will experience hell in your entire college life hanggang nandito ako." Tunog bad boy at tunog demonyo. Demonyo talaga ang putang inang ito! How dare him to deprive my rights! Tinatakot ba niya ako dahil pwes umuubra. We all know Yakob for pete's sake. He will ruin you and tear you whenever he likes it or not. Ilan na ba ang umiyak sa kanya dahil sa ugali niya.

"May kar-" I was cut off dahil nagsalita agad siya at hindi man lang niya akong pinatapos sa sasabihin ko. How rude!

"Well, that's the consequence of your action."

Umalis na siya sa harapan ko at ako nakatingin lang sa pigura nito na paalis at sumama sa mga nagbabasketball. Binatukan rin siya ng mga barkada niya at mukhang inaasar rin siya ng mga ito.

Lumakad na ako paalis dahil parang hindi yata ako makahinga sa sinabi niya. Assistant ako! Ang ganda ko namang assistant niya 'di ba! Ang yaman niya tapos kukunin niya akong assistant! Katulong lang ang peg!

Bumalik nako sa room at eksaktong dismissal na. Pinasa na pala ni Hannah ang ginawa ko.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong sa akin ni Hannah ngunit wala akong ganang pagusapan pa ang nangyare kanina at mukhang halata rin niya na ayaw ko itong ikuwento sa kanya.

"Ano kain tayo sa labas?" Ani ni Hannah at tumango lang ako.

Wait! Si Luigi, tumingin ako sa tabi ko at lumapit kay Luigi na nag-aayos ng gamit niya.

"Luigi, may kasabay kang bang kumain?" Tanong ko rito at tumingin siya sa akin at ngumiti. Bigla yatang gumaan ang pakiramdam ko. Mukhang masayahin at mabait talaga itong si Luigi.

"Wala." Matipid na sabi nito at pinasok sa kanyang bag ang ruler na ginamit niya.

"Sabay kana sa amin?" Alok ko rito at umaliwalas ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko.

"Sure!" Excited na sabi niya at napagdesisyunan namin na kumain na lang sa karenderya.

"Anong sa'yo?" Tanong sa akin ni Luigi habang si Hannah ay nasa cashier para magbayad.

"Ito na lang sweet and sour tapos gulay." Sabi ko sa kanya at sinabi kay ate 'yung order ko. Nagbayad na ako at umupo na rin sa tabi ni Hannah. Hinintay lang namin saglit si Luigi at ng dumating siya umupo siya sa harapan ko at sinimulan na naming kumain.

"Bakit kayo pala lumipat?" Tanong ko rito kay Luigi dahil tapos na rin akong kumain at pati rin siya. Si Hannah lang talaga ang matagal kumain sa amin parang ninanamnam niya ang bawat nguya niya sa pagkain.

"Ah! Nadistino kasi si Dad dito sa kompanyang pinagtratrabahuan niya. And malaki ding opportunity iyon kaya kinuha na niya." Pagpapaliwanag nito sa akin.

"Anong trabaho ng Mama mo?" Tanong ni Hannah kay Luigi. Hindi man lang mag-excuse, naguusap kami.

"Well, isa siyang lawyer."

Flower and Cigarette (Notorious BL #1) boyxboyWhere stories live. Discover now