Chapter 27

1.5K 82 7
                                    

R18+

Wala parin siya. Hindi rin siya pumapasok dahil araw-araw akong nakatambay sa floor ng C.E at kulang na lang talaga ay matulog na ako doon. Tatlong araw na simula nang malaman kung wala siya at mukhang lumalayo rin sina Kasen at Orvyn sa akin kung tinatanong ko sila tungkol kay Yakob. Naiinis ako at nagagalit sa ginawa niyang paglaho na wala man lang dahilan ngunit mas natatakot at nagaalala ako kung okay ba siya o hindi. Kung maayos ba ang kalagayan niya o hindi.

Papunta na ako sa library dahil may research plates kaming gagawin at nauna na sina Hannah at Luigi doon. May binalikan kasi ako sa room na gamit kaya pinauna ko na sila. Paakyat na ako sa library ng biglang may humawak sa aking braso pagtingin ko rito si Natasha.

"Follow me." Diretsong sabi nito at seryosong nakatingin sa akin. "This is all about Yakob."

Hindi na sana ako sasama pa sakanya dahil baka awayin niya ako o may gawin siyang masama ngunit ng marinig ko ang pangalan ni Yakob ay sumama na ako rito. Dinala niya ako sa likod ng gymnasium. Walang katao tao at mga puno at halaman lang ang nandoon.

"Bakit? Anong nagyare kay Yakob?" Agad kong tanong rito. Humarap siya sa akin na nakahalukipkip ang kamay nito sa kanyang dibdib.

"Hindi niya ba sinabi sayo?" Mataray niyang wika at tumaas ang kanyang kilay.

"Ang alin?" Taka kung tanong dahil wala akong kaideideya kung anong pinagsasabi niya.

"How insensitive you are?" She smirked at me and I see the disgust in her face. "Tinakwil siya ng pamilya niya dahil sayo."  Turo niya sa akin. At nabigla ako sa rebelasyon na sinambit niya.

"Hindi kita maintindihan?" Naguguluhan kung sabi dahil gusto kung sabihin niya na joke lang ito ngunit seryoso lang itong nakatingin sa akin. Dumaloy na rin ang nerbyos sa aking katawan at umaasang sinasabi niya lang ito para sirain kami ni Yakob.

"Huwag ka nga tanga dyan. When tita knows na may relasyon kayo he immediatley confront Yakob. Mukhang malakas ang gayuma mo at ang nakapagtataka bakit mas pinili ka niya kaysa sa pamilya niya." Tumagilid ang ulo niya sa akin at masamang inirapan ako. Bumigay na rin ang dibdib ko dahil sa naririnig ko ngayon.

"Hindi magagawa ni Yakob yan." Tila pipi kung sabi.

"Fuck! Hindi mo ba nakikita. He was nowhere to find and god knows where he is and it's all because of you fag!" Sigaw niya sa akin at napakuyom na lang ako sa aking kamao.

"Bakit mo ito sinasabi sa akin?" Mapanghamon kung sabi rito. "Para ba sirain kami ni Yakob."

"No! I'm stating the truth dahil concern lang ako." Pagtanggi nito sa binigay kung akusasyon "I came here to give you a choice and that is to break with Yakob or you will see him suffer."

"Aalis na ako." Wika ko dahil wala na akong balak pang makinig sa kanya. Ngunit bago pa ako makalayo nagsalita ulit siya na nagpatigil sa akin.

"Remember, you are the cause of this mess. Sana huwag kang selfish."

Iniwan ko si Natasha doon ngunit ang bigat ng aking puso dahil sa mga nalaman ko. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba ang mga ito o hindi ngunit mukhang nagsasabi naman ng totoo itong si Natasha. Dumiretso ako sa library ngunit wala rin akong ganang gumawa ng plates ko ngayon dahil doon. Nasa isip ko lang ngayon ay kailangan kung hanapin si Yakob kahit ano pang mangyare.

Hindi ko alam kung gawa ng arki student ang plates na ito basta ang mahalaga ay si Yakob. Pinapass ko na lang ang gawa ko kina Hannah at kinuha ang gamit sa room para pumunta kina Kasen at Orvyn dahil mukhang may alam sila.

Eksaktong labasan na ng ibang estudyante kaya madali lang mahanap sina Orvyn at Kasen. Hindi nga ako nagkamali dahil naglalakad na sila palabas. Nakatalikod sila sa akin at hindi nila namalayan ang pagharang ko sa daan nila.

Flower and Cigarette (Notorious BL #1) boyxboyWhere stories live. Discover now