Chapter 14

2.4K 119 3
                                    

"Hoy! Bakit tulala ka anakish?" Pagbulabog sa akin ni Lollipop at sabado ngayon. Hindi parin mawala-wala sa isip ko ang paghalik sa akin ni Yakob. Nung nakaraang araw hindi ko siya nakita at hindi rin siya nagparamdam sa akin matapos ang pangyayareng yun ngunit mas umiibabaw parin ang pagalala ko sa kalagayan niya. Okay na kaya siya? Baka kung ano-ano na naman ang ginawa niya sa buhay niya.

"Wala lang." Ani ko at ngumiti sa kanya.

"May problema ba?" Tanong niya. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo, tutal mas ramdam niya naman ako kasi pareho kami.

"Mukhang matamlay ka?"

"Uhm, may friend kasi ako." Panimula ko at mukhang nakuha ko ang atensyon nito kaya pinatong niya ang kayang kamay sa may counter at tinignan ako na may pagtanong.

"Bakit? Anong nagyare sa friend mo?" Usisa niya rito.

"Kinuwento kasi niya na hinalikan siya ng lalake." Hindi ko alam kung ano ang reaksyon na nababasa ko sa mukha ni Lollipop dahil blanko lang ito. Nakikinig lang siya.

"Oh? Tapos?"

"Tapos yung lalake hindi na nagpakita o nagparamdam."

"Ai naghost si bakla!" Hiyaw niya kaya ang mga customer ay napatingin sa amin.

"Bunganga mo." Suway ko rito at nagsorry lang siya.

"Yang bang friend mo babae o lalake?" Tanong niya sa akin.

"Lalake."

"Ai barbie sabi ko na." Kanta niya at napatawa lang ako.

"Naguguluhan siya kasi bakit siya hahalikan nito eh magkaaway sila." Pagpatuloy ko at tinignan ako ni Lollipop na tila namangha pa yata sa sinabi kung halik. May pahawak pa sa kanyang dibdib na parang siya ang hinalikan.

"Marahil gusto ka niya?" Hindi sure na sabi nito sa akin.

"Ngunit straight siya at mas straight pa yata siya kaysa sa buhok mo." Napatawa si Lollipop dahil sa sinabi ko at binilog lang niya ang kanyang mata. Mayamaya at sumeryoso ang kanyang ekspresyon.

"Anak ang pag-ibig walang pinipili yan. Kahit ano ka, kahit sino ka pa,  tatamaan at tamaan ka. Ngunit magingat ka kasi sa ating mga bakla ang pag-ibig ay sobrang nakakatakot. Nakakatakot sumugal dahil hindi natin alam kung magtatagal ba o panandalian lang or worst trip trip lang nila." Natameme ako sa sinabi niya. Hindi ko lubos maisip kung saan niya hinugot ang mga sinabi niya sa akin ngunit may punto ito. Nakakatakot nga na mahalin ang isang Yakob. Wait! Hindi ko naman siya mahal no!

"Lollipop ready na siyang gupitan!" Tawag sa kanya ng isa sa tauhan namin. Tumingin siya rito at sinenyasan na susunod ito.

"Kaya ikaw magingat ka sa kanya." Para akong nahulog sa upuan ko dahil sa sinabi niya. May sinabi ba 'ko na ako 'yun.

"Hindi ako yun, yung kaibigan ko!" Pagtanggi ko at alanganing ngumiti sa kanya.

"Sinong niloko mung bakla ka." Tawa niya at umalis na para daluhan ang naghihintay na customer. Napatunganga na lang ako dahil sa mga tanong na dumadaloy sa aking isip. Inabala ko na lang ang sarili ko buong maghapon para hindi sumasagi sa isip ko si Yakob.

Nakahilata na lang ako sa aking kama at nagcecellphone lang. Tamang nood lang sa Youtube ng mga sikat na vlogger. Gabi na rin at kakatapos lang naming magdinner ni mama ng may biglang tumawag sa phone ko.

Nagulat ako dahil tumatawag si Yakob at sa sandaling 'yun hindi ko alam kung sasagutin ko ba. Baka ano na man sasabihin niya or ipapagawa sa akin. Iniisip rin kaya niya ang pagnakaw nito ng halik sa akin.

"Hello." Sagot ko rito at bumungad ang malakas na tunog ng musika habang rinig din ang mga malalakas na sigawan. Nasa bar ba sila?

"Hello."

Flower and Cigarette (Notorious BL #1) boyxboyWhere stories live. Discover now