Chapter 6

2.9K 147 16
                                    

Huminto kami sa isang bar dahil sa nakapaskil na pangalan nito sa itaas ng isang gusali habang umiilaw ito sa dilim. Marami ring nagyoyosi sa labas at mga babaeng nakikipagusap sa mga lalake. Meron ding mga naglalaplapan at naglalandian lang sa gilid.
Anong ginagawa namin dito?

"Bakit tayo nandito?" Tanong ko kay Yakob. Hinubad ko ang helmet ko at inabot sa kanya. Kinuha niya ito at itinali sa kanyang motor. Hindi pa rin niya ako sinasagot. Naglakad na siya papunta sa entrance at hindi niya man lang ako nilingon. Aba! Bakit ang cold niya? Bakit hindi niya ako kinikibuan? Napansin niya yatang hindi ako sumunod kay nilingon niya ako. Tumaas ang kilay niya at namewang.

"Tutunganga ka na lang ba dyan?" Masungit na sabi nito. Inirapan ko siya ngunit hindi ako nagpatinag. Tumayo lang ako habang nakahalukikip ang braso ko sa aking dibdib. Iginilid nito ang kanyang ulo ay sinuksok sa gilid ang kanyang dila. Naglakad siya papalapit sa akin at hinawakan ang aking kamay. Hinatak niya ako papasok sa bar.

Pinapasok agad siya ng mga bouncer dahil nilagpasan namin iyong mga nakapila. Wow! VIP ang kuya niyo! Madalas yata siya rito para ganong ang treatment sa'kanya.

Pumasok kami sa hallway na hawak parin niya ang aking kamay at mayamaya ay bumungad na sa amin ang magulo at maingay na bar. Binabalot ito ng mga ilaw na sumasayaw sa iba't ibang direksyon at ang amoy ng alak at yosi ang lugar. Binawi ko ang kamay ko sakanya at tumingin sa akin si Yakob.

"Ano?" Sigaw ko sa kanya dahil masama ang tingin nito sa akin. Nasa may gilid kami ng entrance ng biglang may kinausap siyang waiter doon.

"Tara!" Wika nito sa akin at sinundan ang kanyang likod. Dumaan kami sa gilid para hindi hassle baka mawala pa ako dito dahil sa dami ng tao.

Umupo kami sa isang couch at ang lawak nito para sa aming dalawa. Magkabilaan kami at nakaharap siya sa akin. Nakatitig lang ako kay Yakob habang nag-oorder siya ng drinks. Matapos nitong sabihin ang order niya ay tumingin siya sa akin.

"Isang juice na lang sa kanya at yakult." Sabi nito sa waiter. Pinagloloko ba ako ng taong ito. Kahit malakas ang music dinig ko parin siya no! Anong akala niya sa akin bata! Napangiwi na lang ako dahil sa inorder nitong inumin sa akin sabagay wala naman ako sa kundisyon para uminom ngayon.

Umalis na yung waiter at tumingin ako ng masama kay Yakob. Tumingin siya sa akin at komportableng sumandal sa coach habang nakaspread ang kanyang kamay.

"Anong ginagawa na'tin dito?" Seryosong sabi ko sa kanya dahil hindi ko maintindihan bakit niya ako dinala sa lugar na ito at ilang beses ko na ring tinanong ito sa kanya. Sana naman sumagot na siya ng matino!

"To have fun!" Sigaw niya at ngumisi sa akin.

"Have fun mo mukha mo." Inis kung sabi sa kanya at sumandal na lang sa sofa. Dumating narin ang order namin at nilapag ni kuyang waiter ang isang baso ng juice at isang yakult doon. Siguro natatawa na ito dahil sa inorder ni Yakob para sa akin. Habang siya naman ay Bacardi at Black Label. Wow! Masunog sana ang liver mo! Tumagay siya rito at sinamsam ang lasa ng alak, hindi man lang siya napangiwi halatang sanay na. Nako! Kung malasing man ang gongong na ito paano na kami uuwi.

"Hoy! Huwag kang masyadong uminom. Uuwi pa tayo!" Sigaw ko sa kanya at mukhang narinig din niya ako.

"Basta inumin mo na lang yan." Turo ni Yakob sa juice na nasa harapan ko at kinuha ko ito at tinikman.

Uminom si Yakob mag-isa at ako tinitigan lang siya. May problema ba ang mokong na ito at dinala yata lang ako dito para panoorin siya paano uminom. Bored na ako dahil wala rin akong ginagawa at tinext ko na lang si Mama na late ako uuwi at kasama ko si Hannah para maging palusot sa kanya.

Mayamaya pa ay may lumapit na babae kay Yakob. Hindi isa ngunit dalawa. Umupo silang magkabilaan sa tabi niya at nagharutan sila sa harapan ko. Hindi ko alam kung naging invisible na ako sa harapan nila or lasing na itong si Yakob.

Flower and Cigarette (Notorious BL #1) boyxboyWhere stories live. Discover now