Chapter 20

2.7K 92 38
                                    

Pagkagising ko ay nakangiti lang ako at daig ko pa ang taong naka-energy drink. May pasayaw sayaw pa ako at pakanta-kanta. Kakatapos ko lang maligo at magbihis. Ganito pala feeling na mainlove sobrang saya at ang gaan ng pakiramdam para kang dinuduyan sa alapaap. Tumunog ang phone ko at nagtext pala si Yakob sa akin.

From: The Demon
Sunduin kita.

To: The Demon
Sure ka

From: The Demon
Oo naman. Malakas ka sa akin eh!

Hindi na ako nagreply pa at tinapos ko na lang ang paglagay ng gamit sa bag ko.

Bumaba na ako at pumunta sa may kusina. Naghahain na ng makakain si Mama at yumakap lang ako sa kanya at hinalikan ang pisnge niya.

"Ma mahal kita." Sabi ko rito at kinapa niya ang noo ko. Tila naguguluhan kung bakit bigla-bigla na lang akong nagsasabi ng ganito sa kanya.

"May sakit ka ba?"

"Wala." Pagtanggi ko dito at tinanggal ang pagyakap sa kanya.

"Bakit ka ganyan?"

"Bakit bawal bang sabihing mahal kita."

"Hay nako Cloy, kilala kita. Inlove ka ba. Si Yakob?" Nagulat ako sa sinabi niya at kinilatis niya kung ano ang magiging reaksyon ko.

"Yakob? Hindi noh!" Pagtanggi ko dahil nahihiya parin akong sabihin sa kanya na nililigawan na ako ni Yakob.

"Ewan ko sayo. Siya umupo kana at kumain na."

Umupo na ako at naglagay ng makakain ng sa aking pinggan. Kumain na rin kaming sabay ni mama. Nagring ang phone ko at dali-dali ko itong sinagot.

"Nandito na ako." Wika ni Yakob sa kabilang linya.

"Sige." Eksakto at tapos na akong kumain. Humalik ako sa pisnge ni Mama at nagpaalam na sakanya na aalis na ako.

"Bakit excited kang lumabas?"

"Lahat na lang Ma may meaning sayo!" Sinukbit ko na lang ang bag ko sa aking balikat at hindi na lang pinansin ang mapangkilatis na titig ni Mama sa akin.

Pagbukas ko ng gate ay bumungad sa akin ang likod ni Yakob at ng humarap siya ay kita ko ang dala niyang bulalak.

"Flowers." Wika niya at inabot sa akin ang mga iyon. Isang dosena yun ng mga rosas na kulay pula at puti.

"First day ng panliligaw ko sa'yo." Inamoy ko lang ang bulaklak at daig ko na naman ang mga bulate na kiligin.

"Salamat." Hinaplos na lang niya ang ulo ko at ngumiti.

"Sakay na." Pinauna niya muna akong sumakay at umikot na ito papunta sa driver seat.

"Talagang pinanindigan mo ha." Wika ko rito ng makaupo na siya. Tinignan niya ako tsaka kinindatan.

"Syempre, yan ang gusto ng mahal ko." Uminit na naman yata ang pisnge ko dahil sa banat niya. Tumawa lang siya ng mapansin na hindi ako kumikibo.

"Magdrive ka na lang."

Inistart na niya ang sasakyan at lumarga na kami. Nakatingin lang ako sa daan at ng biglang may tumawag sa kanya.

"Cloy sagutin mo nga?" Ani niya sa akin kaya kinuha ko ang phone niya sa may tabi ng clutch. Si Orvyn pala tumatawag, sasagutin ko na sana ngunit pinatay niya na ito.

"Pinatay na niya."

"Sige."

Ibabalik ko na sana ng makita ko ang mukha ko sa lockscreen niya. Mahimbing akong natutulog habang nakabuka pa ang bibig ko ng kunti. Ang picture na yun ay nung nasa beach kami.

Flower and Cigarette (Notorious BL #1) boyxboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon