Chapter 1

5.7K 167 18
                                    

Shit!

Late na ako!

Nagtatakbo akong pumasok sa campus dahil late na akong nagising. Sabi ko sa sarili ko ay iidlip lang ako saglit ngunit tila napasarap yata ang pag-idlip ko. Buong gabi kasi akong gumawa ng plates kaya madaling araw na rin akong natapos.

Tagaktak na ang pawis ko sa aking noo at kailangan kung makapunta sa room bago magcheck ng attendance si Sir kundi drop na ako sa kanya. Ang strikto pa naman niya sa attendance.

Paakyat na ako sa seventh floor ng may hindi ako sinasadyang mabangga. Kung minalas ka naman talaga oh!

"Sorry." Wika ko rito at yumuko sa kanya upang humingi ng tawad.

"Minsan tumingin ka sa dinadaanan mo." Matapang nitong sabi at ng tignan ko kung sino ito ay ganon na lang ang gulat ko. Shit! I think I would be dead.

"Hindi ko sinasadya." Mabilis kung tugon rito. Ayaw kung mapaaway sa kanya. Nakakatakot kasi baka suntukin niya ako sa mukha o ipahiya pa niya ako dito.

"Umalis kana nga sa harapan ko." Ani nito sa akin at wala pang segundo ay tumakbo na ako paalis sa kanya. Muntikan na akong madali doon ah! Hindi yata makakayanan ng ganda ko kung pag-initan pa ako ng lalakeng 'yun.

Nakarating ako ng room namin at buti na lang dahil wala pa si Sir doon kaya medyo nakahinga din ako ng maluwag. Umupo na ako sa bandang likod katabi si Hannah, kaibigan ko.

"Pagod ka yata?" Biglang tanong nito sa akin at tumingin lang ako sa kanya at tumango. Pinunasan ko ang aking pawis at humingang malalim. Iyong puso ko ang bilis ng tibok.

"Alam mo muntik na akong mapunta sa hukay." Ani ko rito at saka uminom sa baon kung tubig dahil nanunuyo na ang aking lalamunan.

"Bakit naman?"

"Hindi ko sinasadya ngunit nabangga ko si Yakob. That bad boy Yakob!" Ani ko rito at nilapag ang bottled water at kinuha ang papel sa aking canister, lalagyan ng mga drawing. Inayos ko lang ang ipapass kung drawing dahil due date niya na ngayon.

"Talaga? Buti hindi ka sinuntok nun?" Manghang sabi nito sa akin.

"Buti nga." Wika ko rito. Kilala kasi si Yakob Alcuzar dito sa campus namin na isang basagulero at matinding kalaban ng mga teacher. Hindi naman siya maexpelled-expelled dito kasi maimpluwensya ang kanyang pamilya kaya siguro ganon. Malakas din siyang mantrip at kung nagustuhan ka niyang paglaruan siguradong lagot ka. Pumasok na ang instructor namin kaya nagsipagtahimik na rin ang mga iba kung kaklase.

I'm a first-year BS Architecture student. Masaya naman ako sa kinuha kung kurso dahil simula pa lang nung elementary ako ito na ang gusto kung kunin. I'm also a gay ngunit hindi ako cross dresser at hindi rin marunong magmakeup or maganik-anik. I just enjoy may feminine side.

"Okay, ito nga pala ang gagawin niyo sa araw na ito." Tumingin lang ako sa blackboard upang tignan ang instruction sa gagawing plates. Matapos nitong sabihin ay umalis na iyong intstructor namin. Kanina pa itong nararamdaman ko na may naiwan o nawala sa akin ngunit isinawalang bahala ko na lang.

"Huy! Yung I.D mo?" Tanong sa akin ni Hannah out of nowhere.

Kinapa ko ang aking dibdib para pakiramdaman kung meron ngunit wala akong nakapa na lace. Shocks! Buti hindi napansin ni Sir kanina kundi lagot ako sa kanya. Alam ko meron lang sa dibdib ko kanina iyon dahil nakapasok pa ako sa gate. Tinignan ko si Hannah at tinulungan akong kalkalin ang bag ko ngunit wala talaga doon. Jusmeyo! Pati ang I.D ko problema na rin.

"Hanapin na lang natin mamaya." Suhestyon nito sa akin kaya tumango na lang ako kaysa sa magpanick dito at saka may plates pa akong kailangang tapusin.

Flower and Cigarette (Notorious BL #1) boyxboyDär berättelser lever. Upptäck nu