Chapter 26

1.5K 76 2
                                    

Sobrang sariwa ng hangin na dumadampi sa aking balat at mukhang naibsan nito ang bigat sa aking dibdib. Kanina pa kami nandito ni Yakob. Walang imikan at nakatingin lang ako sa lawa habang iniilawan ito ng mga lampost at mga ilaw na pumapalibot dito. Nandito kami sa park kung saan kami unang nagkita at nakaupo lang kami sa isa sa mga bench.

"Bakit?" Tanong ni Yakob "Ano ba ang nangyare?"

"Bumalik ang tatay ko." Ani ko ngunit parang nagbabadya na naman ang luha sa aking mata pagkasabi ko nun. Pakiramdam ko napakahina ko ngayon. "Sabi ko okay na ang lahat, na napatawad ko na siya but all this time nagsisinungaling lang pala ako sa sarili ko." Inis kung sabi at napakagat na lang sa aking labi para pigilan ang aking paghikbi.

"Halika nga dito." Hinila niya ako at kinulong sa kanyang braso. "It's okay to feel that Cloy. Tao ka lang." Ngiti nito.

"Nung nakita ko siya bumalik lahat sa akin yung hirap ni Mama para buhayin ako at ang sarili niya." Puno ng sakit at kirot na sabi ko kay Yakob.

"Sige lang. Iyak mo lahat ng yan. Nandito lang ako. Makikinig sa'yo." Hinaplos nito ang aking buhok at ang aking likod.

Nilabas ko lahat kay Yakob ang aking galit, pighati at pagkadismaya sa aking sarili pati sa ama ko. Buti na lang talaga meron siya sa tabi ko ngayon at hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag wala siya ngayon sa oras na mga ganito.

"Okay ka na?" Tanong nito matapos punasan ang luha na lumandas sa aking mata gamit ang laylayan ng kanyang damit.

"Okay na." Ani ko at suminghot pa.

"Salamat dahil nandyan ka." Mahina kung sabi

"Walang ano man." Ngiti nito. "Para sa'yo." At kinirot nito ang aking pisnge.

"So anong balak mo?" Takang tanong nito.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam Yakob. Natatakot ako na baka iwanan pa rin niya kami gaya noon."  Naguguluhan kung sabi sakanya dahil sa ngayon ang nakikita ko lang ay galit.

"Ang importante naman ngayon ay yung ngayon." Matalinghaga nitong sabi.

"Sabagay"

"Hayaan mo. Malalaman mo naman kung talagang nagbago na siya kapag pinakita niya ito sa gawa."

Pinatong ko ang ulo ko sa kanyang balikat at pinulupot ang aking braso sa kanya.

"Salamat." Bulong ko ulit sa'kanya.

"Kanina ka pa nagpapasalamat ah. Para naman sobrang bait ko nyan." Pagbibiro nito at tumingin sa langit. Napangiti na lang ako.

"Ang ganda ng mga bituin." Tumingala ako at nakita ko nga ang mga maliliit na bato sa kalangitan na kumikislap sa kanilang sariling ilaw.

"Kapag ba sinabi kung magtanan tayo sasama ka?" Napatingin ako kay Yakob dahil sa tanong nito, nakatingin parin siya sa kalangitan. Kumunot ang aking noo.

"Bakit?" Lito kung sabi sa kanya.

"Wala lang." Bumuntong hininga ito at yumoko. "Natanong ko lang. Sasama ka ba kung sakali?" Gumilid ang kanyang ulo sa aking direksyon at tinapunan ako ng tingin.

Hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Ang daming possibilidad na tumatakbo sa isip ko na pwede mangyare kung sasagot ako ng "oo". Ang bata pa namin kung sakaling gagawin namin yun at wala pa kaming napapatunayan sa buhay. Humiwalay ako sa pagkakapit kay Yakob at tinukod ang kamay sa upuan.

"Hindi ko alam." Walang kasiguraduhan na sabi ko. Tumango na lang ito at bumuntong hininga na naman, ramdam ko ang bigat nito.

"May problema ba Yakob?" Tanong ko rito dahil tila may mali sa galaw niya.

Flower and Cigarette (Notorious BL #1) boyxboyWhere stories live. Discover now