Chapter 7

2.9K 136 37
                                    

"Bakla ka!" Sigaw sa akin ni Lollipop ng pumasok ako sa salon namin. Siya si Lollipop, bading din siya at isa sa mga head sa salon namin dahil minsan wala si Mama at sabado ngayon as usual kaya ako nandito.

Lumapit lang ako sa kanya at yumakap dito. Close naman kami ngunit huwag na huwag ko daw babanggitin ang tunay niyang pangalan. Ang pangalan niya kasi ay Dominador Juarez Jr, masyado daw mabaho ang pangalan niya kaya Lollipop na lang. Cross dresser siya at makapal na naman ang make up niya ngayong araw. Siya na ang naging tita-titahan ko kasi malaking tulong din si Lollipop sa naging buhay namin ni Mama.

"Kamusta." Bati ko rito at ngumiti.

"Okay lang, ikaw may bf kana?" Malesyosong tanong nito sa akin ngunit tinawanan ko na lang. Alam din niya na kauri niya ako.

"Wala." Tipid kung sabi at pumunta sa counter at nilapag ang bag ko.

"Alam mo kung ganyan lang ang mukha ko lalandi talaga ako." Matinis na wika niya at hinawakan ang aking mukha.

"Che! Kung ano-ano na namang kalandian ang sinasabi mo sa akin. Magtrabaho kana kaya madam." Taboy ko sa kaniya para hindi na lumalim pa ang usapan namin at para hindi mapunta sa kamanyakan. Lumakad siya papalayo sa akin kaya inayos kuna ang mg listahan at mga gamit sa counter. Maya-maya ay nagsidatingan na rin ang mga kustomer at naging abala na ako sa pagentertain sa kanila.

Hapon na at magsasara na rin kami, pagkatapos maglock ng salon ay umuwi na rin ako. Dumating ako sa bahay medyo gabi na at nandoon na rin si Mama nagluluto ng makakain. Kinamusta niya lang ako at iyong salon at sinabing maayos lang. Umakyat na ako sa aking room at humiga sa aking kama.

Nakatingin lang ako sa kisame ng biglang mag ring ang phone ko. Kinuha ko ito sa aking bulsa at tinignan kung sino ang tumatawag. Kumunot ang noo ko ng makita ang pangalan na nakaregister dito.

The Demon is calling...

"Oh?" Sagot ko sa kanya matapos i-swipe ang accept button.

"Hello?" Wika ko dahil walang sumasagot tinignan ko ang screen baka pinatay niya na ngunit hindi naman.

"Kung may sasabihin ka. Sabihin muna." Iritang kung sabi rito ngunit narinig ko na lang na pinatay niya ang tawag. Weird talaga ang lalakeng 'yun. Tatawag tapos walang sasabihin. Nantritrip na naman siya siguro.

Tinawag na ako ni Mama para kumain. Pagkatapos kumain ay umakyat na rin ako. I do my night time routine at dahil parang pagod ang katawan ko ay nakatulog din ako ng maaga.

Kinabukasan, nagsimba kami ni Mama, nagsuot lang ako ng polo at pants match with my white addidas shoes at as usual kumain na rin kami sa labas. Mga ala una na ng hapon ng makauwi kami sa bahay. Umalis din si Mama agad dahil pupunta siya sa grocery store namin.

From: The Demon.

Come to my condo.

Basa ko sa text ni Yakob sa akin. Ano na man ipapagawa nitong hayop na'to sa akin at bigla bigla na lang siyang magtetext ng ganito.

To: Yakob

Ayoko nga!

Reply ko rito with exclamation point para alam niyang ayaw kung pumunta sa condo niya.

From: The Demon
I don't have patience! So you better come here or I will drag you out in your fucking house!

Kairita siya! Tinatakot na naman ako ng ulopong na ito.

To: Yakob
Okey! Saan?

He texted me his address at nagbook lang ako ng grab papunta sa unit niya. Bumaba ako sa sinabing niting address at building. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang floor kung nasaan siya nakatira, 7th floor. Nang makarating ako sa floor niya ay pumunta na ako sa room nito. Nasa tapat na ako ng pintuan niya at pinindot ang door bell nito.

Flower and Cigarette (Notorious BL #1) boyxboyWhere stories live. Discover now