Chapter 8

2.9K 138 13
                                    

Nasa gym kami ngayon dahil P.E subject namin. Naririnig ko ang mga tilian ng mga babae sa tabi ko at pati na rin ang mga manonood dahil nagprapractice ng basketball ang varsity team ngayon sa kabilang court kasama na doon si Yakob.

"Ang gwapo ni Yakob!" Kinikilig na sabi ng classmate ko habang hinihila ang kasama niya.

"Ang hot niya kahit ang sungit sungit niya." Sabi pa nung isa. Namewang lang ako at tumingin kay Yakob. Gwapo nga siya at hindi iyon maipagkakaila. Matangos ang ilong at makapal ang kilay. Hindi siya maputi dahil tan ang kulay nito. At sobrang ganda ng hubog ng kanyang mukha dahil sa jawbone nito at mata niyang nakakaakit. Nakashoot si Yakob sa court at ang mga babae ay naghiyawan na naman. Pawisan na siya kaya pinunasan niya ang kanyang mukha gamit ang laylayan ng kanyang damit at bumungad ang walong abs nito. Namewang siya at nakipagapiran sa barkada niya. As usual tumili nanaman ang mga higad!

"Laway natin dyan?" Biglang salita ni Hannah sa tabi ko.

"Huh?" Taka kung tanong rito at tinignan siya.

"Bakla ka! Kung makatingin ka parang pinagnanasaan mo si Yakob!" Mahalay na sabi nito at sinage sage pa niya ako gamit ang kanyang katawan. I feel ashamed because of what she said. I am that obvious enough. Eww! Bakit ko pagnanasaan ang anak ni satanas!

"Che! Manahimik ka nga!" Sita ko sa kanya at inilayo ang katawan ko.

"Hindi naman kita masisi, masarap nga naman si Yakob." Dugtong pa niya.

"Hannah yang bunganga mo!" Sigaw ko sa kanya at baka may makarinig pa sa amin.

"Anong pinaguusapan niyo dyan?" Biglang lumitaw si Luigi kaya napatingin kami ni Hannah sa kanya.

"Isa pang masarap." Wala sa huwisyo na sabi ni Hannah at tinakpan ko na lang ang bunganga niya.

"Anong masarap?" Takang tanong ni Luigi sa akin.

"Yung adobo HAHAHA kasi nagloto si Mama." Palusot kung sabi at tinanggal ang kamay ko sa bunganga niya.

"Okay."

"Magpractice na tayo?" Kumbinsi ko sa kanila at pumunta na kami sa may gilid para magpractice ng Arnis. Combative sports kasi ang pinagaaralan namin. Binigyan kami ng prof namin ng oras para magensayo para sa practical exam namin at malapit na rin ang midterm exam.

Matapos magensayo ay umupo na kami at uminom lang ako sa aking baon na bottled water. I-lalapag ko na sana ito ng biglang may kumuha sa aking kamay. Tumingin ako kung sino ang kumuha at nagulat na lang ako na nasa likod ko si Yakob at uminom siya rito. Naramdaman ko din na mukhang nagulat si Hannah at nagtaka naman si Luigi. Iyong iba rin ay nagbulong bulongan na rin. At ang isang ito akala mo naman feeling close kung lumapit sa akin!

"Here." Abot niya sa bottled water ko na naubos na niya. Nakatunganga lang ako dahil hindi ko alam na lalapit siya sa akin.

"Hindi mo ba kukunin." Sabi niya at kinuha ko agad ito.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya dahil hindi naman kami masyadong nagpapansinan sa school.

"Well, I'm thirsty kaya ako nandito." Palusot na sabi niya at umalis na rin.

"Bakla! Ano iyon? Close kayo? Kailan pa?" Sunod sunod na tanong ni Hannah sa akin. Oo nga pala, hindi ko pala nasabi sa kanya. Tumingin ako kay Luigi at seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Kasi..." Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang deal namin sa isa't isa ngunit no choice na ako eh! Baka hindi nila ako pansin kapag hindi ko sinabi sa kanila. Sinabi ko lahat habang nakikinig sila sa akin. Na siya ang nakapulot sa akin I.D ko at hanggang sa personal assistant. Hindi ko na sinabi na pumunta ako sa condo niya at sa bar. Baka kung ano pa ang isipin nila sa akin. Hindi ako pokpok!

Flower and Cigarette (Notorious BL #1) boyxboyWhere stories live. Discover now