Chapter 22

2.1K 83 16
                                    

Masaya lahat nang nagdaang araw para sa amin ni Yakob. He never get tired of showing his love to me at ganon din ako sa kanya. We celebrate our monthsary together sa isang hillside outside our city. Hindi talaga siya nawawalan ng mga pakulo sa buhay. Kung i-trato niya ako para akong babae sa paningin niya. Hindi rin ako nagdududa sa intensyon niya sa akin dahil pinapakita niya naman ito sa gawa. He always saying 'I love you' and never get tired of fetching me on school knowing that ang layo ng kanyang tinitirhan na condominium. Kahit sinabi ko na sa kanya na huwag na niya akong i-hatid sundo sa school but he always insist kesyo daw duty niya daw yun as my boyfriend. Sabi pa niya he want to spend more hours, minutes and seconds with me kung pwede lang daw kahit buong linggo na. Tungkol naman sa sex life naming dalawa it was smooth, I guess, dalawang beses lang namin ginawa yun nung gabing na basa kami ng ulan and when we are on monthsary date.

Malapit na rin ang finals tsaka bakasyon. Ilang weeks na lang yun. Naging busy rin ako sa mga plates ko lately dahil magsesecond semester na. Si Yakob din naging busy narin sa ginagawa nila sa school at pati na rin basketball.

Pinakilala rin ako ni Yakob kila Orvyn at Kasen na boyfriend niya and thank god dahil tanggap kami ng dalawa. Tinawanan nga nila si Yakob dahil torpe daw siya at buti napasagot niya daw ako.

"Maganda ba ito?" Tanong ni Mama sa akin sa blouse na kulay puti. Nasa mall kami ngayon at naglalakwatsa lang.

"Ito Ma mas maganda ito." Kinuha ko ang isa pang blouse na may mga pattern. "Mas bagay sa'yo to."

"Sure ka?" Tinignan niya ang kinuha kung blouse at yung hawak niya.

"Oo." Wika ko rito at inabot sa kanya ang damit.

"Ito na lang." Pagtaas niya sa kanyang hawak na damit at hindi tinanggap ang pinili ko.

Pinapili pa ako ng nanay ko kung hindi naman pala niya paniniwalaan ang opinyo ko. Binalik ko na lang ang damit at nagtingtingin na rin baka may magustuhan akong pang porma. Oo nga pala, kailangan kong bumili ng film para sa instax ko.

"Ma bili lang ako ng film." Paalam ko rito at tumango lang siya sa akin.

Lumabas na ako sa shop at pumunta sa third floor ng mall dahil dun ung bilihan ng mga gadgets at may mga stall doon for photography.

Naglalakad lang ako ng biglang may tumawag sa aking pangalan.

"Kuya Cloy!" Sigaw ng isang batang babae sa akin. Paglingon ko namilog ang mata ko dahil kay Akisha. Nagtatakbong lumapit ito sa akin at yumakap at yinakap ko rin siya. Tumuhod lang ako sa kanya para magpantay kami ng laki.

"Hi! Kamusta na Akisha?" Bati ko rito at kinurot ang pisnge niya.

"Okay lang po." Magalang niyang sabi sa akin at may hawak pa siyang doll. "Thank you Kuya Cloy for making my kuya happy." Ngiti nito sa akin.

"Bakit naman?"

"He always talk about you and I always find him smilling."

"Ang kuya mo talaga." Ngumiti ako rito and I pat her head.

"Akisha, did I tell you not to roam around if you're alone." Tumingin ako sa babaeng nagsalita at nagulat na lang ako ng makita ang nanay ni Yakob dito. Agad akong tumayo at binati siya.

"Hello po." Naiilang kung sabi. She is so intimidating dahil sa itsura at pati ang aura niya. She was sophisticated and full of authority.

"Who are you?" Kinilatis niya ang mukha ko at tila minumukhaan. Napalunok na lang ako sa sarili kung laway dahil sa kaba.

"Cloy po." Magalang kung sabi rito.

"Oh! Cloy. That guy." Tinignan niya ako pataas gaya ng pagtingin niya sa akin nung una ko siyang nakita. Hinila niya si Akisha papunta sa kanyang likuran at matalim na tumingin sa akin.

Flower and Cigarette (Notorious BL #1) boyxboyWhere stories live. Discover now