Prologue

8K 194 11
                                    

"Here's the plan of the house" inabot ni Sir. Magdayo sa akin ang plano, Head of the Architecture Department. Kinuha ko ang folder na itim at binuklat ito. Pinagmasdan ko ang plano kung may nabago ba sa design ngunit kunti lang naman ang naiba, kunting adjustment lang ang ginawa.

Ako ang gumawa ng design na ito at pinacorporate na rin sa isang Engineer para malaman kung magkano ang gagamitin sa konstraksyon at kung paano gagawin ang bahay.

"You need to go to the site para i-check na rin ang itatayong bahay and to meet our new Head of Engineering Department" Tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Oo nga pala, nagresign na si Eng. Claro dahil sa katandaan na rin. Lumabas na ako dala ang folder at bumaba sa parking lot ng building.

Maaga pa kaya walang pang traffic sa daan at papunta na ako sa isang beach house na ipapatayo sa Bataan at medyo malayo pa ang byahe.

Nakarating ako doon ng medyo tanghali na at mainit na rin sa balat ang araw kaya nagsuot lang ako ng cap na white at sinuot ang shades ko.

I parked my car sa gilid ng daan and then lumabas na ako sa aking sasakyan. Lumakad lang ako ng kunti at nakita ko na ang mga trabahador at ang isang gusali na ipapatayo pa lamang.

Nakita ko ang kulay asul na tent kaya dumiretso na ako doon. Marahil nandoon ang mga engineer at mga assistant architect. Nahirapan akong pumunta dahil narin mabuhangin ang daan kaya paika-ika akong lumakad.

Pumasok ako ngunit walang akong nadatnan na tao. Marahil kumain sila sa labas o hindi kaya'y may pinuntahan lang. Tatalikod na sana ako ngunit napaatras ako ng lakad dahil tumama ang katawan ko sa didib ng isang lalake. When I looked to that person I was bump in tila kumawala ang puso ko dahil sa tibok nito at umagos ang nerbyos sa aking katawan.

He glared at me intensively na parang hinuhukay ang aking kaluluwa at ang pabango nitong humahalik sa aking ilong na tila ba hinahanap ang mga ito. Ganon parin ang pabango niya. Nakakaadik at nakakabaliw.

"Nice to meet you Ar. Cloy Linel Martinez." Magalang na sabi nito sa akin. Hindi ko napansin ang paglahad ng kanyang kamay dahil nakatingin lang ako sa kanyang mukha. He looked like a professional now sabagay Engineer na siya. At lalo yata siyang naging-gwapo.

"N-nice to meet you Eng. Yakob Alcuzar." Aligaga kung sabi at tinanggap ang kanyang kamay.

Hindi ako makapaniwala na nandito siya sa harapan ko. And I'm not prepared to meet him this way.

Flower and Cigarette (Notorious BL #1) boyxboyWhere stories live. Discover now