Chapter 21

2.2K 96 37
                                    

R18+

Pagkatapos ng gabing 'yun ay lalong lumalim ang pagmamahal ko kay Yakob. Mas lalo kung nakita ang totoo niyang ugali at kung sino talaga siya. He was not a bad guy at all, it was just a facade of his self kumbaga parang defense mechanism niya sa sarili niya. But if you really get to know Yakob he was full of humor and clingy at the same time. He used to laugh and I always love to see him smiling. Yung ngiting alam mo na sa'yo lang siya ngingiti.

"Hoy bakla ka! Kuwento muna." Pabungad agad ni Hannah sa akin pagpasok ko. Hindi pa ako nakakaupo ay agaran na niya akong binulabog.

"Pwede umupo muna." Ani ko rito at inirapan siya.

"Sorry naman atat na ako." Halata nga dahil namimilog pa ang  mata nito at hindi mapakali.

Umupo na ako sa aking upuan at sinundan niya ako. Pinatong niya ang kamay niya sa aking table at tinignan ako ng masinsinan.

"So?" Wika niya.

Wala naman akong choice kaya kinuwento ko na sa kanya ang lahat lahat. Simula nung hinalikan niya ako at hanggang sa nag aminan kami ng feelings pati sa rooftop na date namin.

"Nagkiss kayo?" Manghang sabi nito sa akin at may pabilog pa ng bibig.

"Paulit-ulit."

"Sana all."

Natawa na lang ako dahil suportado niya kami ni Yakob. She never put a judgemental face kaya kaibigan ko itong babaeng to eh because she was an open minded person.

Natigil kami sa paguusap ng biglang dumating sina Luigi at Fred. Pareho silang nagbabangayan kaya napatingin kami sakanila.

"What was that?" Sabi ni Fred rito habang masungit na nakatingin sa ibang direksyon. Ayaw niyang tignan si Luigi.

"Hindi ko sinasadya?" Wika naman ni Luigi sa kanya.

"Really? Kasi it doesn't look like that."

Padabog na umupo na lang sa upuan nitong si Fred at si Luigi na man ay napakamot na lang sa kanyang buhok. Tumingin kami ni Hannah dito.

"Bakit anong nagyare?" Curious naming sabi rito dahil mukhang nagaaway tung dalawang ito.

"Ihing-ihi na kasi ako at hindi ko alam na sira pala ung door ng cr sa pinakadulo kaya pumasok ako doon and nandoon pala siya."

Napatawa na lang kami dahil sa pagkuwento ni Luigi. Kaya naman pala bad trip si Fred dahil feeling niya nabastos siya ni Luigi.

"Bakit nakita niya ba yung birdy mo?" Pangaasar ni Hannah sa kanya at may pataas kilay pa ito.

"Hindi no! Muntikan lang." Pagtanggi ni Luigi rito at natawa na ulit kami dahil ang cute ng reaksyon ni Luigi.

"Can you please shut up I can hear you here." Tumingin kami kay Fred at nagpeace sign na lang kami rito. Tung bunganga kasi ni Hannah apakalakas.

"Kasalan mo to eh!" Ani ko kay Hannah at nagsibalikan na lang kami sa upuan. Nakikita ko rin ang pagsulyap ni Luigi kay Fred at tung si Fred naman iniirapan lang si Luigi. Mukhang may nabubuong ugnayan ang dalawang ito.

Natapos na ang klase at patungo na ako sa parking lot dahil doon na lang daw kami magkikita ni Yakob. Nang nasa parking lot na ako ay nabigla ako sa nakita ko. Si Natasha at Yakob magkasama. Tumigil ako at nagtago sa may poste.

"So what's the catch between the two of you? Balita ko you're dating HIM" Madiing sabi ni Natasha kay Yakob.

"It's none of your business Natasha."

"Oh come on! Tell me so that I know what to say when Tita ask me about the two of you."

Hindi ko alam ngunit para akong nenerbyos dito. Minatyagan ko na lang silang dalawa.

Flower and Cigarette (Notorious BL #1) boyxboyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang