Chapter 16

2.4K 103 9
                                    

Buong gabi hindi ako makapagfocus sa binabasa ko at wala ring pumapasok sa utak ko. Kahit ilang basa at ilang highlight ang gawin ko hindi umuubra. Iniisip ko parin ang nangyaring sagutan namin ni Yakob.

Pumasok ako na walang tulog at inaantok dahil kailangan kung magreview. Pinilit ko na lang ang sarili ko na i-review ang mga notes ko kagabi na sana kahit papaano may matira sa utak ko.

"Uy! Mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa sa mukha mo." Wika ni Hannah sa akin habang nagrereview siya ng notes niya. Inirapan ko na lang siya at umupo. Ang dami kasing tumatakbo sa isip ko dahil sa Yakob na 'yun.

"Paano ba malaman na gusto mo yung isang tao?" Out of nowhere kung tanong sa kanya. Kumunot ang noo niya at tinignan niya ako na parang iniimbestigahan ang aking reaksyon.

"Bakit mo na tanong?" Tumingin na lang siya sa notes niya at naghiglight ng words.

"Wala lang." Pagdadahilan ko rito dahil naguguluhan rin ako sa sarili ko. Tumingin ito sa akin at ang seryoso ng ekspresyon niya.

"Paano mo malalaman kung gusto mo siya. Marahil yung kahit naiinis ka sa kanya ay nagagawa ka parin niyang pakiligin. 'Yung tipong isumpa mo na siya ngunit at the end he makes you happy and yung puso mo tumitibok in the way na hindi mo maipaliwanag."

"Ganon ba yun?" Hindi ko alam ang dapat sabihin dahil bago rin sa akin ito. Oo nagkacrush ako ngunit madali lang naman makalimot kapag crush lang and hindi ganitong level.

"Bakit in love ka ba?"

"Hindi ah!" Mabilis kung sabi na parang kriminal na tinatanong ng mga pulis.

"Sus! Itong baklang toh! Basta balitaan mo ako kung may nagugustahan ka na." Tumingin siya sa akin at nginitian ako ng nakakaloko.

"Che! Manahimik ka!" Ani ko at nilabas ko na lang ang mga notes ko para magreview.

"Good morning!" Bati sa amin ni Luigi na kakapasok lang at tumango lang kami. Nagsimula ang exam at buti na lang kahit papaano may nasagot ako sa mga tanong.

"Uwi na ako." Paalam ko sa kanila and hindi sasabay sa akin si Luigi dahil may pupuntahan daw muna siya. Nauna na itong lumabas ng school kaysa sa amin ni Hannah.

"Sige ingat ka! Sa gate 5 ako dadaan eh!" Pagpaalam ni Hannah sa akin.

"Sige."

Naglakad na ako papuntang main gate ng hindi ko sinasadyang makasalubong si Yakob. Tumingin ako sa kanya at tumingin rin ito sa direksyon ko. Binawi ko agad ang tingin ko at dali-daling naglakad paalis sa kanya. Hindi ko alam ngunit parang ang awkward at nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko nung kagabi.

Nasa labas na ako ng gate nang biglang may humablot sa akin. Pagharap ko ay nakita ko si Yakob na seryosong nakatingin sa akin.

"B-bakit?" Utal kung sabi.

"We need to talk?" Wika niya ngunit ayaw ko munang makausap ito dahil nga sa hiya ko. Kunting distansya muna sa aming dalawa.

"Aalis na ako." Ani ko at tinanggal ang kamay nito sa aking braso ngunit hinawakan ulit niya ako.

"Please!" Tumingin ako sa mata nito at kita ko ang pagsumamo niya na kausapin ko siya.

"S-sige." Pagpayag ko rito at dahil na rin sa awa na nakikita ko sa kanya.

Sinundan ko siya at dinala niya ako sa likod ng SEA building. Umupo siya sa may bench. Nakatayo lang ako sa tabi niya. Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin ngunit hindi ko rin magawang basagin ito. Wala rin na mang akong masabi.

"I'm sorry." Mahinang sabi nito at sinuklay ang buhok niya. Iniba ko ang direksyon nang aking tingin at napakagat sa aking labi.

"Hindi na kailangan. Assumera lang talaga ako." Ani ko at totoo naman lahat yun. Maybe I'm expecting something from him.

Flower and Cigarette (Notorious BL #1) boyxboyWhere stories live. Discover now