Chapter 28

1.7K 98 36
                                    

1 Corinthians 13:4-8

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails.

Nung nasa simbahan ako nang marinig ko ang kasabihinang iyan na hango sa biblya. Bawat salitang binanggit dito ay tila pumukaw sa akin at sa pagkakataong iyon ay tila luminaw ang persipsyon ko sa pag-ibig. Ang pag-ibig ay isang kumplikadong bagay sapagkat kung nagmamahal ka handa kang masaktan, magparaya, at handa kang tumayo sa sarili mung paa at kalimutan ang lahat.

Para siyang magandang tula na kailangan mung isaulo dahil sa gusto nitong iparating. Sabi ng pastor na nagsesermon sa araw na iyon na kung ikaw ay nagagalit at nawawalan nang gana sa pag-ibig palitan mo ang 'love' ng pangalan mo dahil ito raw ang magpapaalala sayo kung ano ang dapat mung gawin.

Cloy is patient, Cloy is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Cloy does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Cloy never fails.

Sa ngayon ito ang naiisip ko habang patungo sa office ng Mama ni Yakob. Maybe or somehow if we will be together then let the fate works, I need to be patient and kind to him and to his family. Hindi ako magagalit dahil alam ko sa sarili ko na ang pamilya niya ang mas may karapatan sa kanya at hindi ako. I will trust the process and I'm ready to hurt him just to gave the best for him. Tama nga si Natasha walang puwang dito ang pagiging madamot kung ang isang tao ang nahihirapan. I will sacrifice my love, my happines and my everything just to see him soar in his dreams. Tanda ko pa ang sinabi niya sa aking nung nasa Siargao kami.

"Kaya mag-aaral ako ng mabuti Cloy. So that you will be proud of me na hindi ako balahurang tao."

Ayaw kung mawala ito sa kanya dahil lang sa akin. Ayaw kung balang araw ay magsisi siya na bakit hindi niya natupad ang pangarap niya sa sarili niya at sa amin. Hindi ko yata kaya makita siyang mamuhay na puno ng pagsisisi.

Kinalikot ko ang aking mga daliri habang nakayoko. Nandito ako ngayon sa opisina ni Mrs. Alcuzar at nasa harapan ko siya habang nakaupo kami sa sofa.

"So, what do you want to talk to?" Sumisim siya sa kape niya at samantalang ako ay kinakain ng takot at hindi ko alam kung saan magsisimula. "Ano? Tatahimik ka lang dyan?" Agad akong napatingin sa kanya at tinaasan ako ng kilay. Nilapag niya ang kanyang kape at pinagtagpo ang kanyang kamay. Pinatong nito ang kanyang baba at walang emosyong tinignan ako. Napalunok na lang ako dahil tila may bumabara sa aking lalamunan.

"Ano po bang dapat kung gawin para tanggapin niyo ulit si Yakob?" Dahan dahang kung sabi at nakita ko sa reaksyon niya na interesado ito sa sinabi ko. Tila hinihintay ang opportunidad na ito para magawa niya ang kanyang nais.

"I'm a business woman so hindi na ako magpatupik-tupik pa. Break my son and leave him alone." Marahan ako napapikit at napakuyom ang aking kamo. Inaasahan ko naman na ganito ang gusto niyang sabihin ngunit parang hindi ko yata kaya.

"Is it okay or not. Kasi kung hindi mo naman kaya you can leave my office now. The door is widely open for you." Mapanghamon nitong sabi at tinuro pa ang pintuan palabas.

"Bakit?" Tumingin ako sa kanyang mata at nilakasan ang loob para itanong ito sakanya. "Bakit ganon na lang ang galit niyo sa relasyon namin ni Yakob?"

"Are you kidding me kid?" Hindi makapaniwalang sabi niya at tumawa ito, tawang nangiinsulto.

"Hindi ko pinalaki ang anak ko para lang magkagusto sa isang baklang gaya mo. He supposed to marry a woman and have a family in the future. Ikaw bakla ka na nga wala ka pang matres para bigyan ako ng apo." She smirked and brush her hair using her hand. "So, I would rather tear your relationship than mingle with a womanish wannabe." Tila isang punyal ang mga salitang binato niya sa akin at unti unti akong pinapatay nito. Ganon na lang ba ang galit at pangdidiri nito sa akin.

Flower and Cigarette (Notorious BL #1) boyxboyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ