Chapter 29

1.7K 96 12
                                    

Napatingin ako sa kamay naming dalawa at agad kung binawi ito. Hindi na lang ako kumibo at iniwas ang tingin sa kanya. Dahil sa ginawa ko kumunot ang kanyang noo at gumilid ang kanyang dila sa ilalim ng kanyang pisnge. Ang bilis din ng tibok ng puso ko na siyang lang ang nakakagawa sa akin.

"Uhmm nasan yung mga iba?" Naiilang kung sabi. Nilagpasan niya ako at pumunta siya sa kanyang desk.

"They go for a lunch. Kumain ka na?" Casual na tanong nito sa akin habang busy siyang naghahalungkat sa mga gamit niya. Nang makita niya na ito ay tumingin ito sa aking gawi.

Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko ngayon, hindi ba siya galit sa akin. Hindi ba niya ako kokompruntahin at tatanungin.

"H-huwag na. Bibisita lang ako sa site." Ani ko at hinubad ang hat para palitan ng hard hat na meron sa mga gilid. Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya at lumabas na ako.

8 years since the day I left him. Ang laki ng pinagbago niya. He bacame more mature and intimidating. He's oozing to much authority and professionalism. Napangiti na lang ako because I see him now a successful man and that's enough for me. It shows that my decision was on the right track. And the way he treat me now, mukhang nakamove on na siya.

May mangilan ngilan pang mga trabahador na nagtratrabaho pagpunta ko sa building at yung iba ay nasa gilid nagpapahinga at kumakain na. Nilibot ko ang aking paningin sa structural form ng bahay at isang tropical architecture ang hango nang design na ito.

“So what do you think?” Nagulat ako sa boses ni Yakob at pagtingin ko ay nasa tabi ko na siya. Lumibot din ang tingin niya sa mga materyales ng building na itatayo.

“anong ginagawa mo  dito?” taka kung tanong dahil ang alam ko paalis na rin siya.

“i’m the engineer assigned here and it’s my job to secure my subordinates.” Malalim na sabi niya at tumingin sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay at napalunok na lang ako.

“o-okay” hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na lang ako habang nagiinspect sa lugar. Mukhang pulido naman ang gawa at maganda rin yung mga posisyong ng materyales. Buti na lang hindi na siya sumama pa sa akin.

Nang matapos ko ang paglilibot ay dumiretso na ako sa tent at kinuha ang hat ko. Wala na rin si Yakob at mukhang iniwan niya na ako. Mas magandang ganon na lang dahil hindi ko kayang makasama siya ng matagal.

Naglakad na lang ako papunta sa sasakyan at umalis na sa lugar. Habang nasa byahe ako, napangiti na lang ako ng mapakla.

Nung lumipat kami sa amerika ginawa ko lahat para makalimutan siya. Tinuon ko ang atensyon ko sa pag-aaral at tumulong din ako sa company ni Papa para kahit paano maging busy ako. Tinanggal ko lahat ng koneksyon ko dito sa Pilipinas ngunit pagsapit ng gabi doon bumabalik lahat nang nangyare sa amin ni Yakob. Gabi gabing nilalamon ako ng pagdududa at konsensya sa pag-iwan ko kay Yakob.

Pagkatapos kung magtake ng board exam at naging licensyado na akong arkitekto at lumuwas na ako dito sa pilipinas. Mahigit walong buwan na ako dito at ngayong araw ko lang siya nakita. Magsisinungaling lang ako sa sarili ko kung sasabihin kung hindi ko siya namiss dahil miss na miss ko na siya ngunit hindi ko alam kung may babalikan pa ako o wala. Sa estado namin siguro wala na. Tinapos ko na iyon matagal na at kailangan kung itatak sa kukuti ko ang katotohanan.

Pagdating ko sa opisina ng Maharlika Firm. Sinalubong agad ako ni Yuhan, isa sa mga nakaclose ko nung unang araw ko pa lang dito. Bubbly siya at parating nagpapatawa kaya maraming kasundo sa trabaho.

"Uy! May welcome party daw mamaya para sa Head ng Engineering department. Punta tayo." Masigla nitong sabi at umupo ako sa aking desk. Hinubad ko ang sumbrero pati na rin ang shades ko.

Flower and Cigarette (Notorious BL #1) boyxboyWhere stories live. Discover now