Nasa kotse kami at nasa labas ng headquarter ng gang.

Ngayong araw sasabihin ni Dad na ako ang papalit. Ngayong araw, ako na ang hahalili sa posisyon ni Dad. Ngayong araw ipapakita ko ang ginawa ko sa loob ng apat na taon.

Sa apat na taon na nawala ako maraming nangyari.

I was trained physically. I was trained to hold different types of weapons. I was trained to battle. I was trained to make my body strong. I studied my enemy. I studied things inside and outside of the gang. I memorized our enemies and targets. I studied their strengths and weaknesses.

Kahit na magulo parin ang puso ko. Buo pa ang isip ko. I can still manage my body.

Nginitian ko si kuya at lumabas ng kotse na nakataas ang noo.

Kung makikita mo sa labas ay mukha itong sira-sirang bahay. Kumbaga isang langaw na lang ang dadapo at babagsak na ito.

Ganito ang itsura niya dahil ayaw ni Dad na agaw pansin ang headquarter ng gang.

Pinindot ni Kuya Florenti ang bell button ng sira-sirang bahay at lumabas ang isang pindutan doon ng pin code at iba pang uri ng security data.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng bahay at nang pumasok kami roon ay bumukas ang sahig at naroon ang isang daan pababa. Bumaba kami roon at isang makipot na daan ang dinaanan namin at sa dulo noon ang isang pinto ng elevator na pababa sa headquarter.Pumasok kami sa loob ng elevator at nang pindutin ni Kuya Florenti ang letter "H" sa pinakababa ng pindutan ng elevator ay dumoble ang kaba ko.

Makikita ko siya ngayon dahil kailangan naroon ang lahat ng miyembro ng gang.

Pagkatpos ng ilang taon ay makikita ko na ulit ang mukha niya.

Ang mga mata niya na nagpatibok ng puso ko.

Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Kaba.

Takot.

Saya.

Lungkot.

Mga emosyon na mahirap pangalanan.

Naramdaman ko naman na humawak si Kuya Florenti sa balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"It's gonna be okay.You're gonna be the queen now. Held your chin up. This is gonna be your kingdom now. I'm not pressuring you but don't let them see a weak queen. Make them feel scared, intimidated and make them feel that they are just the servants a queen has."pagpapagaan ni Kuya ng loob ko na kahit papaano ay nagpaalala sakin na kaya ako nagpakahirap ng apat na taon at para dito. Ayoko na masayang lang ang lahat ng isinakripisyo ko para mapatunayan na karapat-dapat ako sa puwesto ko. Kuya Florenti's right. I'm the queen of this kingdom. I'm the boss of my employees. I should give them a powerful aura that a queen has.

Inayos ko ang tindig ko. Tinanggal ko ang anumang bahid ng pagiging mahina ko, katulad ng ilang taong nakakaraan. I'm not weak anymore. I'm stronger and powerful now. I have the power to bring my enemies down. I looked straight at the hallway with my intimidating look which I am.

I am a Koslov after all. A powerful and a independent woman everyone wouldn't expect me to be.

I'll show them what am I capable of.

"Are you ready?"Kuya asked.

"The moment I came with you 4 years ago is already the answer to your question,Kuya."I said. Tumango lang siya at binuksan ang pinto ng conference hall ng HQ. Kahit hindi pa ako nakakapasok sa loob ng HQ ay alam ko na ang pasikot-sikot dito dahil isa iyon sa inaral ko.

Napatigil ang usapan sa loob ng hall nang pumasok si Kuya. Nasa likuran niya ako at maayos ang tindig na tila ba ay hindi natitinag.

"Everyone, Let's all welcome the heiress and the new handler of the gang, Ms. Izumi Koslov."anunsyo ni Kuya and that's the cue na papasok na ako.

Pagkapasok ko ay nagpalakpakan ang mga tao sa hall.

Narito ang dating miyembro ng gang, mga supporter ng gang at mga nasa matataas na ranggo ng gang.

"Nice to meet you, Ms. Koslov."sabi ni Kazimir at lumapit saakin at kinuha ang kamay ko at hinalikan ang likod noon. TIningnan ko siya at kaunting nginitian.

"Let's start the meeting."sabi ko sa pantay at halos walang emosyong boses.

Hindi ko ipagkakaila na hinanap siya ng mga mata ko nang makarating ako sa harapan.

And there, I saw him.

I saw him with someone.

Biglang may kumirot sa puso ko.

Kilala ko kung sino ang kasama niya.

Lilian Voksvi.Ruslan's ex girlfriend.

Member siya dito o former member?

I can't stop my heart from crushing into pieces.

Magkasama ba sila?

Sila na ba ulit?

Did he forgot his promise to me?

Napaparanoid na ako sa napakaraming tanong sa isip ko pero kailangan kong maging matatag at hindi ipakita sa mga taong ito na mahina ang reyna nila. No way, I'll let that happen.

"Okay. Let's start with the basics."panimula ko sa meeting.

----

Natapos ang meeting at halos lahat ay umalis na maliban sa mga miyembro ng gang nila Kuya Florenti.

"Congratulations!"sabi ni Kazimir at pumalakpak pa.

Naglalakad sila sa direksyon ko,sa harapan. Nasa likuran nila na nakasunod si Ruslan katabi si Lilian. Hindi ko siya tiningnan manlang dahil nasasaktan ako.

Nasasaktan ako kasi nakikita ko siya na may kasamang iba.

Nasasaktan ako kasi umaasa ako.

Umaasa na baka may naghihintay sa akin.

Na sana, may naghihintay sa pagbalik ko.

Pero mukhang nainip na siya kakahintay.

"Congratulations!"bati ni Kazimir nang makalapit siya sa amin at pumapalakpak.

"Ang laki mo na. Ilang taon ka nga noong huli kitang nakita?"sabi ni Kazimir. Marunong narin siyang mag-tagalog kaso halata ang accent niya.

TIningnan ko lang naman siya.

"You we're 19 back then."sabi nito at umakto pa na nagiisip.

"You're 23 by now."sabi nito at tiningnan si Ruslan. "and you're 2-" natigil si Kazimir nang magsalita si Kuya Florenti.

"Dad wants you to have dinner in our mansion"sabi niya. Tiningnan ko naman siya ng masama. At tiningnan naman niya ako na parang gustong sabihin na "manahimik ka at wag kang mag-react"totoo naman ang sinabi niya.

"Yes. Dad told us to invite you over dinner for a celebration. I know it's too much."tiningnan ko naman sa peripheral vision ko si Ruslan na nakatingin kay Lilian at mukhang naguusap sila.

"But if you're busy and you don't want to come, It's fine."habol ko pa.

"No. It would be an honor to come.Right, Ruslan."sabi ni Gennadi at lahat sila ay nakatingin kay Ruslan habang ako ay nakatalikod sa kanila at hindi sila tinitingnan.

"Y-Yeah."sabi ni Ruslan. I knew it. naghe-hesitate siya na sumagot,meaning may iba siyang gagawin. Baka may date sila ni Lilian. What?! Pakialam ko ba?

"Well then."tiningnan ni Kuya Florenti ang relo niya.

'It's past six pm. We should get going."sabi ni Kuya Florenti at isa-isa naman kaming lumabas ng HQ at pumunta sa kani-kaniyang sasakyan pero bago pa ako makapasok sa kotse ay nakita kong pumasok si Lilian sa passenger seat ng kotse na sinakyan ni Ruslan.

"Hey. Baka matunaw sila diyan."sabi ni Kuya na tinutukoy ay sila Ruslan. Hindi ko namalayan ang masama kong titig sakanila. Mabilis naman akong sumakay ng kotse bago iyon pinaandar ni Kuya papunta sa mansyon.

------------

I FELL INLOVE WITH MY KUYA-KUYAHAN Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora