FF#43: Truth is nowhere near

Start bij het begin
                                    

'Totoo naman hindi ba? Boring ka naman talaga'

Bakit ba nangingialam ang kanyang utak at talagang sang-ayon pa ito. Eh ano kung boring siya?

'Bakit ba masyado mo dinidibdib ang sinabi niyang boring ka?'

Sinaway niya ang sarili dahil baka nagmumukha na siyang engot kakakausap sa sarili. Binalot ng katahimikan ang paligid napansin niyang malalim ang iniisip ng guro.

Sa kabilang banda ay hindi alam ng guro ang kanyang gagawin. Maatim ba niyang sabihin na kilala niya ang sinasabi nitong bf. Makakaya ba niyang sabihin na may tinatagong lihim ang taong iyon? Ang totoo alam niyang may koneksyon iyon sa tiwaling tauhan ng pulisya.

Hindi lang basta koneksyon sigurado siyang nagtatrabaho ang taong iyon sa taong hinahanap mismo ng dalaga. Delikado at mahirap kalabanin ang mataas na posisyong gaya ng taong iyon Paano niya iiwas ang dalaga sa ganoong klase ng tao. Paano niya ilalayo ng hindi nasasaktan ang feelings nito.

"Sir? Ayos ka lang ba?"

Bumalik sa realidad ang naiwang diwa ng guro.

"Sinasabi ko sa inyo 'wag niyong masyadong seryosohin ang pakikipagrelasyon," ani Tristan.

"Huwag mo nga akong itulad sa iyo. Mabuti na lang at hindi gaya mo si Gian."

"Paano mo naman nasabi? Kilala mo na ba siya ng sobra? Hindi ba bago lang kayo nagkakilala?"

"Alam mo ikaw huwag mo ngang ginagaya sa iyo ang mga lalaki."

"Hindi lang ito tungkol sa pagiging womanizer ko."

"Aba at talagang proud ka pa!"

"Sigurado ka ba na mabuting tao siya?"

Natahimik ang dalaga, tinamaan siya sa sinabi nito.

Naisip niya na iyon matagal na pero sumugal siya kay Gian.

"Ikaw naman huwag mo seryosohin mahilig lang ako magduda sa mga tao. Mabuti pa ipaghahanda kita ng kape."

Tumayo ang binata at tumungo sa bahagi ng opsina na nagsilbing kusina para sa kanilang department. Samantala natigil sa pag-aayos ng documents ang dalaga , naiwan itong tulala at malalim ang iniisip.

Pagkatapos nga nilang magkape ay nagligpit na rin sila ng gamit at nagsiuwi na sa kanilang tahanan. Ngunit hindi maalis sa isip ni Sof ang sinabi ng kanyang gurong si Tristan. Mula ng araw ng pag-uusap na iyon ay hindi maiwasan ni Sof na pag-isipan ng masama ang kanyang kasintahan. Alam niyang mali na husgahan ito pero bakit ba nagpapatalo siya sa kutob. Hindi niya dapat pinagduduhan ang taong mahal niya.

Lumipas na ang isang linggo ngunit dala niya pa rin  ang agam-agam na iyon. Katunayan ay kumakain sila sa labas ngunit ang isip niya ay lumilipad.

"Sof? Anong iniisip mo?" Wika ni Gian na siyang nagpapitlag kay Sofia.

"Naisip ko lang wala akong alam tungkol sa pamilya mo hindi mo naman kasi binabanggit sa akin."

"Gusto mo na ba silang makilala?"

Napangiti siya sa ideya na ipakikilala na siya ng binata sa wakas. Hindi ba dapat noong bago pa sila maging official ay ipinakilala na siya. Nakakatampo isipin kung hindi ba niya nabanggit ang tungkol sa magulang nito ay walang balak na ipakilala man lang sya.

Fearless flowers (Mafia S1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu