◇CHAPTER 3◆

536 30 5
                                    


SUPERHUNTERS
the Beginning





-Dawn

"Nandito na ba lahat?"tanong ni Misso matapos nito ipasok sa loob ng store ang isang matanda.Tumingin ako sa mga taong niligtas namin.

"Hindi ako sigurado"sagot ko sa kanya.

Lahat sila takot na tumingin sa labas.Malaki at gawa kasi sa glass wall ang store kaya nakikita namin ang mga Galvor sa labas na lumalapit papunta dito.

Humarap sa mga si Misso.

"Lahat kayo makinig, isarado niyo lahat ng bintana at gumawa kayo ng harang sa Pinto, siguraduhin niyo na Hindi sila makakapasok"

Sumunod naman ang lahat kaya naghanap ang mga ito ng gamit na magagamit nila para gumawa ng harang, ang ilan sa kanila ay tinakpan ang mga bintana. Lumabas kami ni Misso sa Store at hinarap sila.

"Hindi sila titigil hangga't Hindi nila nakukuha ang gusto ni Bahrin, walang silbi kung mananatili tayo dito, masasaktan lang natin sila"

"Kapag umalis tayo dito,paano ang mga tao?"tanong ko sa kanya.

"Na sa atin ang alas Dawn,pwede natin gamitin iyon laban kay Bahrin"

"Anong tinutukoy mo?"

Tinignan niya ko"ang kristal,iyon ang importante kay Bahrin,kapag wala iyon hindi niya madadala ang mga tao sa kabilang mundo kaya hindi lang ang mga tao ang kailangan niya kasama na rin ang kristal,kailangan lang natin gumawa ng paraan upang hindi niya makuha ito pareho"paliwanag nito.

"Kung ganun,dito ka na muna,babalik lang ako"sabi ko sa kanya at mabilis na lumipad papunta sa bahay ni Gilbert.

**********

Years Ago

CLOPTANIA

20 years later

-Bahrin

Mula dito sa terasa ng kwarto ko, Kasalukuyan ako nakatingin sa nangyayari sa labas, maraming karwahe ang dumarating dahil sa malaking piging na gaganapin ngayong gabi, kaarawan ngayon ni Israb at lahat ng mamayan ng cloptania ay inimbitahan ni Ama at ilan sa kanila ay kabilang sa matataas na hanay ng pamilya.sigurado ako na masaya si Israb ngayon dahil gusto nito na pinupuri siya. Sa gara ng handa malamang ay hindi na ito makapaghintay na makita ang mga bisita niya.

"Kamahalan, mag-uumpisa na ang piging"tumingin ako sa kanya, yumuko ito at umalis sa kwarto ko.

Bumuntong hininga ako, sa katunayan hindi ako sanay sa ganito. Mula noong bata hanggang ngayon ay malimit lang ako lumalabas sa palasyo, ayoko din ng maraming tao, hindi rin karamihan ang mga kaibigan ko at kung pupunta man kami sa bayan, hindi ako sumasama dahil hindi naman ako kailangan nila makita kundi ang Hari at ang prinsipe. Naranasan ko na kasi ang lumayo sa mga tao dahil sa kung ano ang meron ako. Habang tumatagal lalo ko nararamdaman ang kakaibang pakiramdam at ayoko na ilabas iyon dahil alam ko na may masasaktan ako.

Naisipan ko bumaba at dumaan sa kabilang hagdan tapos lumapit sa Hari at Reyna, nakaupo sila sa trono nila. Tumingin ang dalawa sa Akin, ngumiti sa Akin si Ama habang ang Reyna naman ay tipid Lang.

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Where stories live. Discover now