◇CHAPTER 3◆

2.3K 88 37
                                    


SUPERHUNTERS
‡•The Beginning•‡








-Dawn




"Ang pangalan niya ay Gavin Narcisco,19 years old at kapatid siya ni Nilo,pumunta siya dito para humingi ng tulong tungkol sa kapatid niya"sabi ni Tito habang pinapanood namin si Gavin sa loob ng isang kwarto mula dito sa tinted glass wall,kasalukuyan siyang tinatanong ng isa sa mga imbestigador nila dito sa police station.

"sa nangyayari ngayon,wala akong pagpipilian kundi ang ibigay sayo ang desisyon na makikipagtulungan ka sa amin"

nilingon ko si Tito George sa sinabi niya.

"Alam ko na napakabilis ng pangyayari pero salamat at hindi ka nagdalawang isip na pagkatiwalaan ako"

"Sinagip mo ang buhay ko,sapat na kasagutan na yun para pagkatiwalaan kita.."

"You know,your Dad is very kind and understanding person,saan mo nakuha ang pagka-arogante mo?"pagsisingit ni Gilbert.

sinamaan lang siya ng tingin ni Shawn at tumingin na'rin sa nangyayari sa loob.

"Anong gagawin na'tin sa kanya?"pag-iiwas ni Shawn sa usapan.

"We have to take his blood sample as soon as posible"sagot ni Gilbert.

"Hindi na muna sa ngayon,kailangan ko siya makausap,may kailangan lang ako malaman tungkol sa kanya at sa kapatid niya"sabi ko

ilang sandali lang,tumayo ang lalaki at nakita namin itong lumabas sa kwarto,seryoso ang tingin na pinuntahan niya kami.

"Kamusta ang pag-uusap niyo?"tanong ni Tito George.

tinignan muna niya si Gavin bago sinagot si Tito.

"Wala siyang alam sa nangyayari sa kapatid niya,maliit lang ang impormasyon na nakuha ko sa kanya,pero may isa ako nakitang impormasyon na sigurado ako na interesado kayong malaman"

nagkatinginan kaming lahat sa huling sinabi niya.

"ano yun?"

"pwede na'tin siya magamit laban kay Nilo,if we can take him as a bait,maaring kumagat si Nilo at sumuko sa atin"

"was that a plan?are we some kind of evil villain na gustong kunin ang bida,is this kind of joke?"pagsisingit ulit ni Gilbert.

tumingin sa kanya ang imbestigador"see it as a joke, but this is the only way we can capture Nilo at isa pa,sino ba kayo para komontra sa desisyon namin?"

"Ronald,mag-usap na lang tayo mamaya tungkol dito,salamat,ako na ang bahala"si Tito George na ang pumagitna sa kanilang dalawa kaya walang nagawa ang lalaki kundi ang tumango lang at tinapunan kami ng seryosong tingin bago siya umalis sa harap namin.

hinintay muna ni Tito na makalayo ang lalaki bago siya nagsalita.

"maaring tama si Ronald,si Gavin lang ang makakuha ng atensiyon ni Nilo,kapag ginamit na'tin siya maaring magpakita sa atin si Nilo"

"hindi ko pa naiisip iyon Tito,kailangan ko muna siya makausap"

"sigurado ka ba?"

tumango lang ako kay Tito.

"Sasama kami"nilingon ko si Shawn sa sinabi niya at sinenyasan siya na tumigil.

"Mas makakabuti kung ako lang ang kakausap sa kanya,susubukan ko siyang kumbinsihin na tulungan tayo para makuha si Nilo"

pumunta si Tito sa pintuan ng kwarto at binuksan iyon,tumango lang ako sa kanila bago pumasok sa loob at hinarap si Gavin.

tumingin siya sa akin,bahagya ako ngumiti habang lumalapit sa kanya.umupo ako sa harap nito.

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Where stories live. Discover now