◇CHAPTER 3◆

3.4K 167 4
                                    

- Shawn

Bigla akong napadilat mula sa pagkakatulog nang marinig ko ang tunog ng bell.

Agad namang lumabas ang mga kaklase ko.Hinablot ko na ang bag ko at agad ring lumabas..

"Shawn! Sandali"boses ni Dawn ang narinig ko kaya nilingon ko siya..

"Oh Ano?"nayayamot kong sabi sa kanya..bigla naman itong tumingin sa loob ng Room.

"Diba uwian niyo nah?"tanong nito..

"Hindi ba halata?kasi alam ko kapag lumabas lahat ng mga estudyante sa isang kwarto tawag doon uwian"sarkastikong sabi ko..

"basta sa akin Oo na ang sagot don....pupuntahan ko ngayon ang paaralan ni Jared para narin makaalam ng impormasyon tungkol sa kanya...pwede mo ba akong samahan?"tanong nito na parang wala lang sa kanya ang pagiging sarkastiko ko.

"huwag na para kasing sumakit ang ulo ko sa kakatingin sa pagmumukha mo..si James na lang mukha kasing tuwang-tuwa ka makipaglandian sa kanya, sige nah umalis ka na,uwi na ko"sabi ko at agad nang lumakad papalayo sa kanya..

Pambawi ko na lang toh sa ginawa niya kanina na pagtatanggol sa matabang yun..

"Oo o Hindi lang naman ang isasagot mo"pahabol na sabi pa nito.

Nilingon ko siya..Nakita kong tumalikod ito at nagumpisa nang maglakad..

"Hoy!! Akala mo nakakalimutan ko na ang deal natin!! Umuwi ka nang maaga, utos ko yan sayo!!.."sigaw ko sa kanya...Lumingon ito sa akin at nagtatakang tinignan ako.

"Huwag kang mag-isip na nag-aalala ako sayo,mapapagalitan ako ni Mom kapag hinayaan kitang magpagabi sa paguwi "sabi ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Huwag siyang assuming...

------------------------------------------------------

-Dawn

"Ganun ba siya ipinanganak? May galit na kasama"sabi ko sa sarili ko habang naglalakad na papunta kay James na ngayon ay naghihintay sa akin habang nakasandal ito sa sasakyan niya..

Nakita ko itong ngumingiti sa mga babaeng dumadaan na para bang kilala niya ang mga ito.

Napatingin naman ito sa akin ng makalapit ako sa kanya,ngumiti ito habang binubuksan ang pinto ng sasakyan  at sumenyas siya na pumasok na ako.

"West Marshaw High..here we go"narinig ko pang sabi niya bago pinaandar ang sasakyan.

-----------------------------------------------------------

Tumitingin  ako sa paligid habang naglalakad kami papasok sa West Marshaw High..Maraming mga estudyante dito na naglalakad ang iba naman ay umuupo lang sa mga halaman sa paligid, aaminin ko mas napakalawak ang paaralang ito kesa sa paaralan nina Shawn.

"So? Ano na ang pakay mo dito?"tanong  ni James habang naglalakad kami.

"Kailangan lang natin ibalik ang I.D ni Jared sa opisina nang paaralang ito"pagsisinungaling ko.

"Sa pagkaka-alala ko  marami pa tayong madadaanan bago tayo makapunta sa sinasabi mong opisina."sabi nito.

"pwede naman sigurong lumakad ng mabilis diba?para makarating agad tayo"sabi ko sa kanya.

Naglakad ako ng mabilis na para bang alam ko kung saan ang daan.

"Sandali lang, huwag masiyadong mabilis"sabi nito na tumatawa pa..

------------------------------------------------------

ADMINISTRATION OFFICE

"Pasensiya na,pero parang hindi na makukuha nang nagmamay-ari ang I.D na to"sabi nang isang lalaki nang maibigay namin sa kanya ang I.D.

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Where stories live. Discover now