◇CHAPTER 3◆

5.2K 247 3
                                    

Continuation..

"Ina!! "sigaw ni prinsipe Gabriel pagkatapos niyang buksan ang pintuan nang silid ng reyna.

"Anak halika dito!! Magtago ka!!"sigaw na may halong pag alala ng reyna habang lumalapit ito sa prinsipe.

"Ina pumunta ako dito para protektahan kayo, hindi po ako magtatago" sabi ng prinsipe.

Nakakrinig sila ng matinding pagsabog sa labas ng silid, dahilan upang mapayuko sila.

"Anak kunin mo ito kung sakaling mapahamak kami gamitin mo iyan, iyan lamang ang makakaligtas sayo" sabi nito na hindi na mapigilang maluha sa mga nangyayari.

"Ano po Ito Ina?"tanong ng prinsipe sa reyna dahil sa bagay na binigay sa kanya, isang hugis bilog na mayroong maliliit na ugat na nakapaikot dito.

"kapag hinagis mo iyan sa lupa, ipapakita nito ang daan papunta sa kabilang mundo, kung saan mas ligtas ka doon"sabi nito na may tumutulo nang luha sa mga mata nito.

"Ina!! Hindi ko kayo iiwan, kung gagamitin ko man ito, dapat kasama ko kayo ni Ama, makikipaglaban ako para ma protektahan kayo." sabi nito na may pagaalala.

Inilagay ng prinsipe ang bagay na binigay ng reyna sa loob ng kanyang damit.

Dali daling pumunta ang Reyna sa pintoan ng terasa upang isarado ito habang nagsasalita.."hindi ka pa magaling sa pakikipag away Anak ko, darating ang panahon na mahahasa ka sa pakikipag away pero hindi....." hindi na nito natapos ang sinasabi ng may tumusok na punyal sa kanyang tiyan..

"Ina!!!" sigaw ng prinsipe habang nakikita ang nangyayari sa reyna.

Tinulak ng isang lalaki ang reyna sa gilid at iniwan ang punyal sa tiyan nito, napatukod ng kamay ang reyna sa lamesang pinaglalagyan ng mga bulaklak.

"pagbabayaran mo ang ginawa mo sa aking ina,Huwag mo kong lalapitan, dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo!!"sabi ng prinsipe.

Tumawa lang ang lalaki na ka edaran niya lang.

"Totoo nga si Ama matapang ka nga pero mahina ka"sabi nito at agad nagpakawala ng bolang apoy sa kanya at inihagis ito sa prinsipe.

Nagpakawala ng hangin ang prinsipe sa kanyang kamay upang gawin itong panangga pero hindi ito sapat kaya natamaan siya, napahiga siya sa sahig dahil sa pagtama nito sa kanyang tiyan.

Lumapit sa kanya ang lalaki at hinila ang buhok niya para magkapantay ang mukha nila.

"wala kang silbing kaaway, Hindi man lang ako napagod"bulong nito sa prinsipe.

napapikit na lang ang prinsipe sa sakit na kanyang iniinda dahil sa pagkapaso ng kanyang tiyan at marahang paghila nito sa kanyang buhok.

"Bitiwan mo ang anak ko!" sigaw ng reyna na iniinda parin ang sakit sa pagkatusok ng kutsilyo dito habang hinahawakan ang lalagyan ng bulaklak na mayroong tubig.

Lumingon naman sa kanya ang lalaki at nagulat ito nang makita ang rumaragasang tubig papunta sa kanyang direksiyon,tumalsik siya sa pader malapit sa pinto ng silid matapos itong matamaan.

Pinilit nitong bumangon at linapitan ang ngayong nakadapang reyna.

"Isa ka pang mahina!"sigaw niya sa reyna at agad binunot ang kutsilyong nakatarak sa tiyan nito. Napasigaw ang reyna sa naramdamang sakit

"ngayon, oras na para paglaruan kayong mag-ina"sabi nito at nagpalabas sa kamay ng Apoy.

"magbabayad ka!!!!!!!"sigaw nang prinsipe na ikinagulat ng lalaki,isang malakas na hangin na nanggaling sa katawan ng Prinsipe ang nagpatalsik sa kanya palabas ng terasa.

Sa hindi inaasahang pangyayari hindi na kontrol ng prinsipe ang malakas na hangin na kanyang pinakawalan dahilan para masira lahat na mga gamit sa silid.

Pinilit ng reyna na makalapit dito pero hindi niya magawa dahil sa lakas ng hangin at sa iniinda nitong sakit.

"Anak!!! Huwag mong hahayaang kainin ka ng Galit!!ito ang papatay sayo!!, pigilan mo anak!!"sigaw ng reyna sa anak nito.

----------------------------------------------

A/N: Okay sige tuloy ko pa ang pagsusulat... hehe

I will keep updating parin...

Vote and Comment naman guys.

-Henry_1998

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Where stories live. Discover now