◇CHAPTER 2◆

2.3K 121 4
                                    


‡•SUPERHUNTERS•‡
The Beginning

-Shawn

Kakatapos lang ng practice sa field kaya pumunta muna ako sa bench at doon nagpahinga,kitang-kita ko pa ang mga taong nagsialisan lalong-lalo na ang mga babaeng kanina pa nakatingin sa akin,napapailing na lang ako at tumayo na para makapagbihis.agad kong tinungo ang shower pagkatapos ko maihubad ang damit ko.habang naliligo bigla na lang bumalik sa isipan ko ang pangyayari noong gabing namatay si Eron.Tila ba hanggang ngayon nakikita ko pa'rin ang nagmamakaawang mata niya habang nalalaglag siya.

Ilang tao pa kaya ang kailangan mamatay at masaktan bago makuha ni Dawn ang lahat ng kristal?,hindi ako makapaniwala na ito ngayon ang iniisip ko.

sino mag-aakala na ang lalaking ito na walang inisip kung hindi ang makipagbasag-ulo at magpakalasing ay kasalukuyang tumutulong sa taong walang ginawa kundi ang sagipin ako at bigyan ako minsan ng init ng ulo.ramdam ko na unti-unting napapalapit ang sarili ko sa mga nangyayari ngayon dahil sa kanya.

Pagkatapos ng nangyari kay Dad,naisip  ko na kailangan nga ni Dawn ang tulong ko..hindi lang si Apple,ang kapatid ni Jestoni,si Dad at Eron ang napahamak--maaring sa mga oras na'to marami na ang nabiktima ng tang*nang kristal na sana ay tuluyan nang mawala sa mundo namin.

Pinatay ko ang shower nang mahimasmasan na'ko sa pagod.nagtapis lang ako ng tuwalya at pinuntahan ang Locker ko,lumabas na ang mga kasama ko at iilan na lang kami ang nandito sa Locker Room.

susuotin ko na sana ang T-shirt nang makita ko sa dulo si Cody,nagtaka ako kung bakit siya nandito.

"Hey..."medyo may kalakasang boses na tawag ko sa kanya,lumingon naman siya sa akin at tipid na ngumiti.

"Glad I found you..."sabi niya nang makalapit sa akin.pasimple kong tinakpan ang katawan nang maramdaman ko na naiilang siya sa nakikita.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.

"I'm here to say.....uhmmm,thank you for saving me,it was really brave at pasensiya na kung napahamak ka dahil sa'kin.."malumanay na sabi niya.nakita ko sa mukha niya ang lungkot na agad ko naman nalaman kung bakit.

"Wala yun,kalimutan mo na..turan ko tapos sinuot ko na ang damit.

"Actually hindi lang yun ang pinunta ko dito..."nilingon ko ulit siya.

"Ano pa..?"

napakagat labi ito at pihit na namulsa.

"Uh..Would you come tomorrow night at my place?for a Dinner para na'rin makabawi ako.."

"Huwag ka ng mag-abala pa,ayos na sa'kin ang pagpapasalamat mo.."

"I know,pero hindi makakaya ng konsensiya ko na basta na lang kalimutan ang ginawa mong pagsagip sa buhay ko..."pamimilit pa niya.

Dahil na'rin sa kakulitan niya--tumango na lang ako para sumang-ayon sa gusto niya.

"Okay,.....Luna is waiting outside so....see you tomorrow night"sabi pa niya bago ako tinalikuran.

Sinuot ko na ang pantalon ko at agad sinabit sa balikat ang bag,lumabas ako sa Mens Locker Room para hanapin si Dawn,naisipan kong puntahan ang Huling klase niya.dumungaw ako at wala akong nakitang tao sa loob.

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Where stories live. Discover now