◇CHAPTER 1◆

8.7K 328 2
                                    

Narration:

Sa isang Mundo ng mga kakaibang nilalang, may isang kaharian na pinamumunuan ni haring Israb na anak nang diyos ng hangin  at si Reyna Minta na anak nang diyos ng mga tubig, sila ang nanggaling sa mga lahing mapuputi ang kalooban sila ay tinatawag na Cloptanian.

 sa pagdaan ng panahon si Reyna Minta ay nanganak ng isang lalaki na pinangalanan nilang Gabriel na  may katangi tanging kakayahan, sapagkat namana nito ang kakayahan ng kanyang ama at ina,

hanggang sa naging binata ito at lalong lumakas ang kapangyarihan dahilan upang sanayin siya ng kanyang ama sa pakikipaglaban at gamitin sa mabuti ang kanyang kapangyarihan.

Hanggang sa dumating ang panahon na dapat ng malaman ng prinsipe ang pinakakatagong sikreto ng kanilang lahi, ang Kristal ng mga Cloptanian.

Pumunta sila sa pinakadulo ng kaharian ,Pumasok sila sa isang  maliit na silid na medyo kalumaan na at parang hinahayaang hindi malinisan.

"Ama bakit po tayo nandito?" tanong ng binata.

"dahil ito na ang panahon upang Makita mo ang pinakamahalagang bagay sa lahi natin"sagot ng hari.

"ngunit bakit po dito itinago sa lumang silid?" tanong ulit ng binata.

"upang hindi makita ng sino man ang kristal,maliban sa akin,sa iyong ina at ngayon ikaw" sagot ng Hari.

hindi na umimik ang prinsipe at kanya na lamang itong pinanuod.Ang hari naman ay hinawi ang isang malaking kurtina sa kanyang harapan at tumambad dito ang isang simentong pader.

 kanya itong hinawakan at ito'y bumukas, nagulat naman ang prinsipe sa nakita,may isa pa palang silid na itinatago ang kaharian pero itoy sobrang dilim.

Sa loob nito'y  may isang tanging bilog na kulay puting ilaw na nagbibigay liwanag sa madilim na silid.

Pinuntahan nila ito, gumuhit sa mukha ng prinsipe ang pagkamangha nang masilayan ito ng malapitan, ang bilog ay lumulitaw at kumikinang na parang masisilaw ka sa hatid nitong liwanag pinalilibutan ito ng mga maninipis na puting usok.





"ito ang Kristal ng mga makapangyarihang cloptanian,dito inilalagay ang kanilang kapangyarihan kung malapit na silang mamatay, naglalaman ito ng mga kapangyarihan na kahit tayong mga cloptanian na nabubuhay ay hindi pwedeng gamitin,Ang tanging hinahanap nito sa katawan ng isang nilalang ay galit, hindi tayo ang kumokontrol sa kanila kundi sila ang kumokontrol sa atin kaya aking anak kapag namatay kami ng iyong ina paka-iingatan  mo ang Kristal na iyan" mahabang litanya ng Hari sa Prinsipe.

"Opo Ama,...pero paano po kung masira ang Kristal na yan?"tanong ng Prinsipe

"ang bawat  piraso nito ay mapupunta sa ibat ibang lugar  at papasok sa mga katulad mong binata pa at pwede ring sa mga dalaga"sagot nito.

"Bakit po sa amin? Hindi po ba pwede rin sa matatanda?" tanong ng prisipe

" ang bawat piraso ng Kristal na ito ay naglalaman ng mga kakaibang kapangyarihan at kapag itoy pumasok sa katawan  ng isang binata o dalaga pwede pa itong tumagal  na manirahan sa katawan nila  dahil mas  malakas  ang katawan ng isang bata kesa sa katawan  ng  isang matanda"

"eh paano po kung hindi inaasahang mamatay ang isang binata na pinasukan ng piraso ng Kristal?" tanong ng prinsipe.

"Agad rin itong hihiwalay sa katawan niya at lilipat sa ibang katawan, pero habang nabubuhay ang pinasukan nito pwede ring makuha sa kanya ng malapitan sa pamamagitan nang kamay ng isang maykapangyarihan na Cloptanian at pagkatapos non babalik sa normal ang taong pinasukan nito" mahabang sagot ng hari.

Magtatanong pa sana ang prinsipe ng may narinig silang malakas na pagsabog sa labas ng kaharian.

————————————————

A/N: Done sa first  chapter ng Story natoh.

Oh Guys vote and comment naman po kayo...

Thank you!! Love lots!!

-Henry_1998

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Where stories live. Discover now