◇CHAPTER 4◆

2.6K 128 9
                                    


SUPERHUNTERS
‡•The Beginning•‡

-Narration

Seryoso ang mga mata ni Marshal na nakatingin sa Monitor kung saan nakikita niya ang record ng CCTV kagabi sa Underground Room.hindi niya napigilang magtaka sa kinikilos ng lalaki sa CCTV.para bang tinatandaan talaga nito ang bawat nakikitang display na crossbow,para itong interesado hanggang sa lumakad ito sa lamesa sa gilid at tinignan ang putol na pana,ilang sandali lang nagtago ito sa likod nang hagdan nang makita siya nito na bumaba.

"Shawn.."pangalang nabanggit niya habang pinagmamasdan nito ang mukha.

nakalabas ito ng kwarto na hindi man lang niya napansin,gumugulo sa isp niya kung bakit pumasok ito sa Underground room?may balak ba itong gawin sa kanya?yun ba ang dahilan kung bakit pumayag ang lalaki sa paanyaya ng anak?

"Dad?"bigla niyang pinatay ang monitor nang marinig ang boses ni Cody sa labas ng kwarto niya,lumingon siya at nakita nito na dumudungaw ang ulo nito.

"Ano yun?"tanong niya.

"Aalis na po ako,si Luna nandito na"sagot ni Cody sa kanya.

tumango siya"Mag-iingat ka"sabi niya na ikinatango naman ng huli bago nito sinardo ulit ang pinto.

sumandal siya sa upuan nito at huminga ng malalim.ilang minuto lang tumayo ito at pumunta sa underground Room nito.

kinuha niya ang putol na pana sa lamesa at inamoy nito ang dugo na dumadikit dito.

"Ngayon na'tin malalaman kung sino ka talaga.."sabi nito.

-------------------------------------------

-Dawn

"Salamat Tita"sabi ko sa kanya nang bigyan ako nito ng tubig pagkatapos kong kumain.umupo ito sa harap ko at tinignan ako.

"Kamusta kayo ni Shawn?"

"Ayos lang po kami Tita"simpleng sagot ko.

"Bakit parang malungkot ka?may nangyari ba?"tanong nito.

"Wala po"

"Napapansin ko na medyo komportable na sayo si Shawn,nakikita kong naguusap na kayo pero nagtataka lang ako kung bakit na-i-involve kayo sa mga nangyayaring insidente dito,ilang araw na namin pinag-uusapan ni George yun"sabi nito.

umiwas ako ng tingin sa kanya,Isa sa mga taong ayaw ko makaalam ng tunay na pagkatao ko ay si Tita Shanon,malalagay sa alanganin ang plano ko kapag nalaman niya ang totoong katauhan ko.Hindi dahil sa iniisip ko na ilalayo ako ni Tita kay Shawn kundi baka mag-aalala siya sa maaaring mangyari kay Shawn lalo na at isa ako sa mga nilalang na nakikigulo sa mundo nila.mas mabuting si Shawn lang ang makakaalam ng pagkatao ko dahil mas madali sa akin na makaalis pagkatapos ng misyon ko.ayoko siyang madamay sa nangyayari.

"Huwag niyo na po isipin yun,nagkataon lang talaga na nandun kami habang nangyayari ang insidente"pagsisinungaling ko.

"Ganun ba,kamusta naman ang bagong school mo?"tanong niya.

ngumiti ako sa kanya.

"Mabuti naman po,naninibago lang minsan"sagot ko.

"Saan ka ba nag-aaral noon?"

muling bumalik sa akin ang nakaraan,noong tinuturuan pa ako ni Gaston sa loob ng silid.kaming dalawa lang at napakatahimik kung iisipin, hindi kagaya ngayon,iba-ibang boses ang naririnig ko sa bawat sulok ng kwarto.

"Sa bahay lang po ako nag-aaral"sagot ko.

"Ah Home School..ganun din sana ang gagawin ko kay Shawn,mahilig kasing magpaiyak ng kaklase niya,lapitin ng gulo at sakit ng ulo"sabi niya.

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Where stories live. Discover now