~*Truth and Acceptance*~

2.8K 122 0
                                    

A/N: Gosh! Salamat sa Nag-flood Votes ng story na to,Sana ganahan pa kayo sa pagbabasa kahit na medyo...you know...maliit lang ang Romance. ^_^v

----------------------------------------------------

Narration

Dinilat niya ang mga mata dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa bawat katawan niya,tinignan niya ang paligid at nagtataka siya kung bakit na sa gitna siya ng daan sa ganitong oras ng Gabi.nagtatanong ang kanyang isip kung paano siya napunta sa ganitong lugar.

Naisipan nitong maglakad para umuwi na,kunot noo niyang hinanap ang sasakyan pero hindi niya makita ito.

"George..."lumingon siya sa harap dahil sa narinig na boses.nagulat siya nang makita ang bata na napapanaginipan niya,masama ang tingin nito sa kanya na para bang pinapatay siya nito sa isipan.

"Sino ka?"tanong nito.

Ngumisi ito sa kanya.

"Ako ang batang nawalan ng Ama dahil sa mga ginawa niyo"sabi nito..

bigla siya napaatras ng biglang nagbago ang lugar na kinatatayuan niya,ang dating Gabi ay naging umaga pero ang daan ay pareho lang.

Nakita niya sa hindi kalayuan ang isang sasakyan ng pulis na tumigil,bumaba ang dalawang pamilyar na tao sa sasakyan.naisipan niyang tumakbo pero tumigil ito kalaunan nang makita ang taong usok na papunta sa dalawang pulis at nagpalit ng anyo,nakaramdam siya ng gulat sa taong iyon.

"Jayson..."ang tanging nasabi niya bago pinatuloy ang pagtakbo"Jayson!! huwag mong gawin yan!"sigaw niya nang makita nito kung paano pinalutang ng lalaki ang baril ng dalawang pulis at pinagpuputok ito sa bawat isa..humandusay sa daan ang dalawa kasabay ng paglaglag ng baril na kinokontrol ng lalaki.

Nagpatuloy siya sa pagtakbo pero sa isang iglap lang nagbago ang kulay ng paligid,ang umaga ay naging gabi na pero ang daan ay pareho parin.lumingon ulit siya nang makita niya ang paparating na sasakyan ng pulis,binalak niyang ikaway ang kamay para makita siya pero gulat ito sa nangyari--nilampasan ng dalawang sasakyan ang katawan niya na para bang isa siyang kaluluwa na hindi mababangga.

tumingin siya sa harap nang may isa pang sasakyan ang paparating pero huminto ito sa gilid,biglang pumasok sa isipan niya ang ganitong pangyayari.

Ito ang gabi na may nangyari sa kanyang masama--sabi ng kanyang isip.nakita niyang bumaba si Alex--ang kaibigan niyang pulis sa sasakyan.ilang sandali lang lumitaw na naman ulit ang taong usok at unti-unti itong lumalapit sa kaibigan niya.

Nakita niyang nagpaputok ng baril si Alex sa taong usok pero hindi ito natumba,tinignan lang siya ng huli at sa isang iglap lang lumipad na parang papel si Alex at malakas na bumagsak sa ibaba.

"Jayson!"tawag niya pero hindi man lang ito lumingon sa kanya sa halip nakita niya ulit ang pagbabago ng paligid hanggang sa maging klaro sa kanya kung nasaan siya,nakatayo parin siya sa daan pero na sa ibang anggulo na siya.

Lumingon siya ulit sa likod niya nang makarinig ng tunog ng sasakyan,nakita niya ang dalawang sasakyan na papunta sa direksiyon niya,bahagya siyang napanganga at nanlaki ang mga mata nang makita na may sumusunod dito.ang taong usok parin na lumilipad.

binalak niyang salubungin ang sasakyan nang makita niya na kumumpas ng kamay sa ere ang taong usok.

"Tumigil kayo!!tumigil kayo!"sigaw niya sa unang sasakyan at sa isang iglap lang pumaikot sa itaas ang sasakyan na parang isang laruan lang yun sa taong usok.walang nagawa si George kundi tignan ang paglampas sa ibabaw niya ng sasakyan bago ito malaglag.

Napatakip siya ng mukha gamit ang braso dahil sa malakas na pagsabog,naaalala niya na ang kaganapang ito para siyang ibinalik sa nakaraan at hindi niya alam kung bakit ginagawa ito sa kanya.

tumingin siya ulit sa harap nang tumahimik ang paligid,napaatras siya nang makita niya si Jayson na nakangisi sa kanya habang nakatutok ang baril.nakita niya rin sa paligid na bumalik na siya sa kasalukuyan.

"Natatandaan mo ba ang sinabi ko noong bata ako?uubusin ko kayong lahat"sabi ng kaharap niya.

"Ikaw ang anak ni Dave?"natanong ni George.

"Oo at nandito ako para gumanti"sagot nito at ang kasunod noon ay ang pagputok ng baril na hawak nito.

Nagtaka siya nang hindi man lang siya natamaan o nadaplisan.humarap ulit siya kay Jayson nang tumawa ito.

"Akala mo ba ikaw ang tatamaan ko?,huwag kang mag-alala... ipaparanas ko lang sayo kung paano mawalan ng Anak!"nakangising sabi ni Jayson sa kanya,tinayuan naman siya ng balahibo sa narinig.

"D-Dad...."agad siyang lumingon sa likod niya.

"SHAWN!!!"sigaw niya at agad pinuntahan ang anak,naagapan niya pang masalo ito bago pa matumba.

Naluluha niyang tinignan ang tama ng baril nito sa dibdib,nalipat ang tingin niya sa nakakaawang mukha ng anak.

"D-Dad....ikaw na ang bahala kay Mom,S-Sorry k-kung naging pasayaw hah...hah..ako s-sayo.."sabi pa ng kanyang anak bago pumikit ang dalawang mata nito.

Impit siyang umiyak habang inuuyog ang patay na katawan ng Anak,tinapik pa niya ng ilang ulit ang pisngi nito pero hindi na ito gumagalaw.nakaramdam siya ng galit at matinding lungkot dahilan para sumigaw siya ng malakas para mapakawalan ang matinding nararamdaman.

"SHAWN!!!!"sigaw niya.

"Shawn!!!"agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga at abot hiningang tumingin sa medyo madilim na paligid.naramdaman niya ang tagaktak na pawis sa katawan niya.

ilang sandali lang bumukas ang ilaw.nakita niyang lumapit si James sa kanya.

"Tita gising na siya.."sabi pa nito,nakita niya ang asawa na bumangon mula sa pagkakatulog sa Sofa.masaya naman itong lumapit sa kanya.

"Salamat naman at gising kana..kamusta ang pakiramdam mo..?"agad niyang niyakap ang asawa dahil sa takot na nararamdaman mula sa isang masamang panaginip..

"Ayos lang...natatakot lang akong mawala kayo.."sabi niya.

"Tatawag lang ako ng Doctor Tita..."narinig niyang sabi ni James,agad siyang bumitaw sa kakayakap sa Asawa at tinawag niya si James na papalabas na sana.

"Ano po yun Tito?"tanong nito sa kanya.

"Si Shawn,na saan?"kinakabahan niyang tanong.

"Uhh... may pinuntahan sila ni Dawn,mukhang importante.."sagot nito sa kanya.

"Tumawag ka ngayon sa Police Department.."seryoso nitong utos sa binata.

------------------------------------------------------

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Where stories live. Discover now