◇CHAPTER 5◆

2.9K 135 0
                                    


‡•SUPERHUNTERS•‡
The Beginning


-Dawn

lumingon ako sa pinto nang marinig ang malakas na tawanan ng mga kaibigan ni Shawn sa ibaba.natutuwa ako sa pagkapanalo nila pero hindi parin natatanggal ang isip ko sa lalaki na nakaharap ni Shawn kanina,napakalakas niyang sumipa at muntik nang mapahamak si Shawn sa kanya.magaling siya at mabilis gumalaw kaya nakuha ko na agad ang gagawin niya kay Shawn,mabuti na lang mabilis ako nakapunta malapit sa field at napigilan ang bola.

Tumingin ako ulit sa salamin at pinagmasdan ang suot kong damit,hindi ko alam kung anong tawag sa damit na'to na binigay sa akin ni James para suotin ko sa tinatawag niyang 'date' namin mamaya.medyo pambabae ang kulay pero ayos narin gamitin kung lalabas ka.

Lumabas na agad ako sa kwarto at bumaba.

"Dawn..halika kumain ka na.."nilingon ko si Tita  at hindi ko napigilang makaramdam ng hiya dahil lahat sila nakatingin sa akin,halos lahat ng mga kaibigan ni Shawn nasa hapag-kainan pati narin si Tito George na nasa gitna,si Tita sa kanan niya at katabi niya Shawn.titig na titig naman sa akin ang huli kaya nadagdagan ang hiya ko.

"Salamat na lang Tita,kakain naman kami mamaya ni James.."sabi ko tapos lumapit sa kanila.

"Ganun ba,sige mag-iingat ka ha.."

tumango lang ako kay Tita sa sinabi niya at nginitian lang ang mga kasamahan ni Shawn na masaya na ulit na nag-uusap.nagpaalam ulit ako sa kanila bago lumabas ng bahay.

Dalawang beses bumusina si James sa sasakyan niya nang makita ako.hindi pa ako nakakalayo sa bahay nang marinig ko ang pangalan ko.nilingon ko naman kung sino yun at nakita si Shawn.hindi ko naiwasang pagmasdan ang kabuuan nito,ang Gwapo at presko niya ngayon sa suot niya.napakakisig tignan dahil sa medyo humuhulma ang may kalakihan nitong katawan sa suot nitong damit.naamoy ko pa ang mabango niyang pabango nang makalapit siya akin.

"Shawn...may kailangan ka?"tanong ko.

"Uh..gusto ko lang malaman mo na may alam na ko kung sino ang pumapatay.."

"Totoo ba yan?,sino?"tanong ko.

Lumingon kami ng bumusina ang sasakyan.

"Parang Wrong timing pa ngayon na sabihin ko,hinihintay ka niya.."

"Sige,mamaya na lang..uhmm may tanong ako"

"Ano yun?"

"Anong salita ang ginagamit niyo kapag bumabati ka sa isang tao na nanalo?"

Medyo napangiti ito sa sinabi ko"Congratulation at Congrats..?"

"Congrats nga pala sa pagkapanalo mo"agad kong sabi sa kanya.

mahina itong tumawa pero nakayuko"Sige na,umalis ka na..naiinip na ang kaibigan ko sa kakahintay"

"Kayo?Narinig ko may kasiyahan sa school hindi ba kayo pupunta?"

"Mamaya pa..."

tumango lang ako sa sinabi niya pero hindi ko inaasahan ang sunod na lumabas sa bibig niya.

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Where stories live. Discover now