◇CHAPTER 4◆

4.9K 174 10
                                    

Narration:

Lingid sa kaalaman ni Dawn hindi sinunod ni Gaston ang kanyang sinabi sa halip ay lumabas ito sa kaharian sakay ang kabayo, Gusto niyang masigurado ang kaligtasan ng Prinsipe, hindi niya kayang mawala ito sa kanya dahil napatunayan niya sa kanyang sarili na mahal niya ito, wala siyang pakialam kung parehas silang lalaki at isang hamak lang siyang Guro at tagabantay ng Prinsipe, ang importante ay mahal niya ito.

******

Sa kaharian naman ng Monotonian nagtataka si Lucif kung bakit nakangiti ngayong araw ang kanyang kapatid na si Lucas, Nakaraang araw ay hindi naman ito ganito, palagi itong malungkot at wala itong ganang makipag usap sa kanya pero ngayon ay kinaausap na siya nito.

Si Lucas naman ay hindi maitago ang kanyang nararamdamang saya dahil masisilayan niya muli ang napakagandang mukha ni Dawn, Madali man sa kanya ang mga pangyayari pero hindi niya maikakaila na may nararamdaman na siyang pagmamahal kay Dawn.

Nagmamadali siyang pumunta sa ilog dahil napagusapan nilang doon sila magkikita.

-Lucas-

Umupo ako sa malaking bato malapit sa ilog at naghintay,hindi pa ako nakakatagal sa pagkakaupo nang makita kong papalapit na siya sa akin.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya para talaga siyang babae kumilos at ang kutis nito napakaputi na nakadagdag pa sa kanyang kagandahan.

"Nakangiti ngayon ang isang prinsipe sa aking harap, ano kaya ang dahilan?"tanong nito habang nakangiti rin sa akin.

"dahil siguro sa isang Prinsipeng napakaganda, ang aking nakikita ngayon"sagot ko,tumayo na ko mula sa pagkakaupo at linapitan siya.

"Gusto mo bang malaman ngayon kung paano naman ako mamasyal?"tanong ko na nakangiti sa kanya, hindi talaga ako magsasawang ngitian siya.

"Oo naman"sagot nito.

"Simple lang naman Dawn"hinawakan ko ang kamay niya"Maglalakad lang tayo na magkahawak kamay" nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha.

"Tayo na!!"sabi ko na nakangiti at nagumpisa na kaming maglakad na magkahawak kamay.

Narration:

Saksi ang Gubat sa kasiyahan ng dalawa habang namamasyal at ang kakaibang nararamdaman ay napatunayang isang tunay na pag-ibig,sila ay nag-ibigan kahit sa tingin nila ay hindi ito tanggap ng kanilang lahi pero hindi nila ito inintindi, sa Halip ay nakunteto na lamang sa isang patagong pagmamahalan.

Lingid sa kanilang kaalaman may dalawang tao ang nagmamasid sa kanilang dalawa, ang isa ay nasasaktan sa nakikita dahil Masaya ang mahal nito sa ibang lalaki habang ito ay tinuturing lamang na isang matalik na kaibigan. Ang isa ay puno ng saya sa nakikita dahil nararamdaman niyang magtatagumpay na sila sa kanilang mga itim na balak.

"Ipagpatuloy niyo lang ang inyong masayang pag-iibigan dahil mapapalitan iyan ng sakit at kapahamakan"sabi pa nito at umalis na sa pinagtataguan.

Walang kaalam-alam ang Magkasintahan na ang kanilang pag-iibigan ay isang daan pala upang malagay sila sa isang masamang pangyayari na makakapagpabago ng buhay nilang lahat.....

-Dawn

Tinitignan ko ngayon ang mga diwatang naglalaro sa ilog habang Naghinhintay sa pagdating ng aking kasintahan. Ang saya nila, parang hindi sila nakakaramdam ng suliranin sa buhay, Sana Ganun din kami ni Lucas sa mga susunod na araw, walang inaalala kundi pagmamahalan naming dalawa.

Nakarinig ako ng mga kaluskus ng mga dahon, Nandito na siya, agad akong tumayo sa pagkakaupo sa malaking bato at tumakbo sa kanya , niyakap ko siya agad, gusto kong maramdaman ang init ng kanyang katawan.

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Where stories live. Discover now