◇CHAPTER 2◆

3.1K 138 2
                                    

‡•SUPERHUNTERS •‡
The Beginning

-Dawn

tumambad sa akin ang puting kisame nang makadilat ako,nilingon ko kaagad ang paligid at nagulat ako nang agad tumayo si James mula sa pagkakahiga as sofa.

"Ayos ka ka lang ?may masakit ba sa sayo?"tanong niya na ikinailing ko.

"Okay lang ako,salamat sa pag-aalala"sabi ko,umupo siya sa gilid ko at tinignan ako ng seryoso.

"Nag-alala ako dahil almost three days ka na hindi gising at mabuti na lang natanggal ang bala sa katawan mo,tell me ano ba talaga nangyari?"tanong nito.

"Aksidente lang yung nangyari sa akin,yun lang..."pagsisinungaling ko"Uhmm..nasaan si Shawn?kamusta siya?"pag-iiwas na tanong ko.

"Pumasok sa school..ewan ko nga kung anong nangyari dun,parang may malalim na iniisip kapag magkasama kami at medyo busy siya lately dahil may ginagawa ito sa school.."sagot ni James.napangiti naman ako nang marinig ang kalagayan ni Shawn..

"Ikaw...bakit hindi ka pumasok?"tanong ko.

"Psh...as if gusto kong pumasok,tinatamad ako--babantayan na lang kita"nakangiti niyang sabi.

"Kailan raw ako makakalabas?"

"Sabi ng Doctor,2 or 3 days after.."tumango lang ako sa sagot niya,nakita ko siyang may kinuha sa plastic na nakalagay sa lamesa.

"Mamili ka, anong masarap ako o ang mansanas?"tanong nito na nagpakunot sa noo ko.tumawa naman siyang nakatingin sa akin.

"Napakainosente mo,Joke lang yun..babalatan na lang kita ng Masanas"sabi nito.pinagmamasadan ko lang siya sa ginagawa niya,hindi ko mapigilang magtaka kung bakit ganito na lang ang pakikitungo niya sa akin,alam kong maraming babae ang nagkakagusto sa kanya sa school,hindi ko naman sila masisi dahil napakakisig niya at maganda ang tindig pero bakit pinagtutuonan niya ang oras sa nilalang na kagaya ko na maraming tinatagong lihim at ilang araw pa lang naman niya nakilala.

"Salamat.."nasabi ko na lang nang ibigay niya ang isang hiwa ng mansanas,natawa pa ako nang pabirong hinalikan yun bago binigay sa akin.

-----------------------------------------------------

-George

"Iiwan ko muna kayo.."sabi ni Shanon nang makapasok si Mark at lumapit sa amin.pagkatapos makalabas ng asawa ko agad akong nagsalita.

"Kamusta ang office? maayos na ba ang lahat?"

"Maayos na ang lahat,nadakip na namin ang suspect.."sagot niya.

"sino?"tanong ko ulit.

"Si Jayson Guevara,nalaman namin na anak siya ni Dave Guevara,isa sa mga napatay niyong leader ng Drug syndicate dito sa Lugar natin,nakakatuwa man isipin pero hindi pulis ang nakasama ko sa pagdakip sa kanya"sabi nito,nilingon ko siya..

"Sino?"tanong ko ulit.

"Si Shawn at ang kasama nitong lalaki na nagngangalang Dawn.."

Napabuntong hininga ako sa narinig,hindi man lang sinabi sa akin ni Shawn ang nangyari "Bakit niya ginawa yun?Bakit hindi mo sila binawalan?"

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon