◇CHAPTER 4 ◆

5.2K 250 0
                                    

Continuation...

Nagpalitan ng atake gamit ng espada ang Hari at ang kalaban niyang si  Hugo parehas na silang sugatang dalawa  pero ni isa sa kanila hindi paaawat.

Sa kalagitnaan ng kanilang labanan natigilan sila dahil sa matinding ingay na nagmumula sa isa sa mga terasa ng kaharian na pati ang mga ibon sa kakahuyan ay nagsiliparan.

Tinignan nila ito pareho kaya ginamit ng hari ang pagkakataon para umatake sa kalaban na ngayon ay nakatingin pa rin sa direksiyon kung saan nagmula ang ingay, umipon siya ng matinding hangin at mabilis na inilabas ito sa kanyang mga kamay.

"AAAAHHHHH!!!" tumilapon  sa malayo ang kanyang kalaban.

Agad  lumipad ang hari sa direksiyon ng pinagmulan ng malakas na ingay,nakita niya ang sirang terasa at ang pinto nito  pero ang ikinagulat niya ay ang kanyang anak na lumulutang sa loob ng silid,kinabahan ang Hari nang makita ang mga hanging lumalabas sa  mga mata at bunganga ng kanyang anak.

"Anak kontrolin mo ang kapangyarihan mo at huwag kang matakot!!!"sigaw ng reyna, pinuntahan ng hari ang kanyang asawa at inilayo ito.

nakita niya na may sugat ito sa gitnang tiyan at kumakalat sa damit nito ang mga dugo, nag alala ito sa maaring sapitin ng kanyang asawa.

"Asawa ko,Duguan ka, kailangan kitang gamutin" nag aalalang sabi ng Hari.

"huwag mo kong intindihin, ang anak natin ang dapat mong tulungan"sabi nito agad niya naman itong iniwan sa bandang terasa.

Wala nang ibang  paraan ang hari upang matigil ang matinding kapangyarihan na dumadaloy sa katawan ng prinsipe kundi tamaan ito ng kanyang kapangyarihan.

Nagipon siya ng lakas at lumikha ng isang makapal na hangin sa kanyang mga kamay at pinatamaan nito ang prinsipe pero itoy hinigop lang nang makapal na hanging bumabalot dito.

Ginawa niya ito ulit at ganun parin ang nangyayari, hinihigop lang ito.

 Lingid sa kanilang kaalaman pilit nilalabanan ng prinsipe ang galit niya,pilit niyang pinahinahon ang sarili hanggang sa magtagumpay ito at mailabas niya lahat ang kapangyarihan at sa isang iglap lang itoy tumigil, ang makapal na hangin ay nagkalat sa silid na agad ring nawala.

 dahil sa panghihina ng prinsipe ,itoy bumagsak sa sahig at nawalan ng  malay.


"Anak!! Gumising ka!!"sabi ng Hari sa kanyang anak.

Pinilit tumayo ng Reyna at pinuntahan ang mag ama, agad nitong pinakiramdaman ang pulso ng kanyang anak.

"nawalan lang siya nang malay dahil sa lakas ng kapangyarihang kanyang inilabas....ahh" hindi na ituloy ng reyna ang kanyang sasabihin ng makaramdam  siya ng sakit dahil sa sugat sa tiyan nito.

"malala na ang sugat mo aking asawa,kailangan ko na kayong mailayo dito" nagaalalang sabi nito sa kanyang asawa.

"wala na kayong kakayahan makalaban pa, kaya katapusan niyo na!!!"sigaw ng isang halimaw na boses sa likuran nila, agad  itong nilingon ng Hari at Reyna, nakita nila sa terasa  si Hugo at may kasama itong binatang lalaki  na nakangising masama lang sa kanila.

Nagpalabas ng apoy ang dalawa at itoy naging isang apoy na may hugis ulo ng dragon na papunta sa direksiyon nila agad ring nagpakawala ng isang makapal na hangin ang Hari sa dalawa niyang kamay, binuhos niya ang lakas at kapangyarihan  upang mapigilan ang apoy na tatama sa kanila at nagtagumpay nga itong naibalik sa kanila, hindi ito nahagilap ng dalawa hanggang sila ang tinamaan nito na nagpatalsik sa kanila at naging usok pagkatapos bumagsak sa Lupa..

Napadapa ang hari sa matinding pagod at sakit ng katawan dahil sa ginawa nito.

"TATANDAAN MO ITO ISRAB BABALIK KAMI, AT SA PAGBALIK NAMIN ASAHAN MONG MAGTATAGUMPAY KAMI SA PLANO NA SAKUPIN ANG IYONG KAHARIAN AT MAPA SA AKIN ANG KRISTAL, TANDAAN MO YAN!!" isang dumadagundong na boses ni Hugo ang narinig sa buong kaharian kasabay nito ang pagiging usok ng mga itim na kawal at ito'y nawala.

Ang paligid ay lumiwanag na pero ang bakas ng labanan  ay makikita parin dito.

————————————————

A/N: Hi Readers vote naman po kayo oh... para tuloy tuloy yung update ko..hehe

Love Lots po....!!!

Henry_1998

SUPERHUNTERS:The BEGINNING (boyxboy)(Completed)Where stories live. Discover now