Prologo

72 3 2
                                    

SA HULING pagkakataon na ipinagkaloob sa kanya ng panahon.

Ang muli siyang babalik sa mundo para hanapin at makasama ang lalaking binabalik-balikan niya sa puno ng narra.

Ngunit magiging masaya pa ba sila sa oras na may darating na panibagong hamon sa buhay nila?

Ang mga sakim na tao, na mayroong koneksyon sa nakaraan niyang buhay at sa pagkamatay ng mga magulang niya sa kasalukuyan..

Sa oras na lilitaw sila, kasama nila ang malaking sorpresa na siyang kinakatakutan niya.

Kung papipiliin man siya ng panahon, kung alin sa pag-ibig o pamilya..

Marahil ang pipiliin niya ay ang pag-ibig. Sapagkat ang pamilyang meron siya sa kasalukuyan ay napaniwala sa kasinungalingan ng nakaraan.






















*¤¤¤*¤¤¤*¤¤¤*¤¤¤*¤¤¤*¤¤¤*





NAIINIP na sa kakahintay ang magpinsan na sina Rex at Sasa. Narito sila ngayon sa terminal ng bus para sunduin ang darating nilang pinsan, na kailan man ay hindi pa nila nakikita. Alas otso ng umaga nang makarating sila rito at ngayon ay ala una, hindi pa rin dumarating ang pinsan nila.

Ginising talaga sila ng maaga para magtungo ka agad sa terminal. Wala nang kain-kain bago umalis, pinasibat sila agad ng lola nila. Hindi naman sila nagreklamo dahil takot sila sa lola nila, mas grabe kasi ito magalit kaysa sa nanay nila. Yun na nga, uuwi ang pinsan nila. Ang sabi ni Lola Teresa, dito na raw mag-aaral sa siyudad ang pinsan nilang si Isabela. Sa pangalan lang nila kilala.

Nakaupo sa pulang monoblock chair si Sasa habang busy sa pagi-scroll sa epbi. Samantalang ang binatang si Rex naman ay nakatayo lang at nakahilig ang likod nito sa pader ng katabing karenderya. Pitong bus na ang dumating pero hindi pa rin nila nakikita ang pinsan nila.

"Hoy, kilala mo ba si Isabela?" baling ni Rex sa babaeng pinsan. Nag-angat ito ng tingin sa kanya at nginiwi ang labi nito.

"Nope, pareho natin alam ang pangalan niya. Pero never pa natin siyang nakita. Kaya huwag mo akong tanungin. Tsaka...."

Kumunot ang noo niya."Ano?" tanong niya dito.
Umirap ng todo sa hangin si Sasa at inilibot ang paningin nito sa paligid nila saka nagbaling ng tingin kay Rex.
"Pinagtitinginan tayo ng mga pipols."

Napabuntong-hininga si Rex , napansin niya na iyon kanina pa tsaka medyo sanay na din siya sa ganoon. Itinago na ni Sasa ang smartphone niya sa bag, marami kasing snatcher dito. Napaayos ng tayo si Rex at isinilid ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng suot niyang itim na fitted jeans. Hayst. Sinong tao ang hindi mapapalingon sa gawi nila dahil sa kakaiba nilang itsura. Hindi naman sila maligno o kung ano. Aakalain mong mga naligaw na artista ang dalawang 'to. Pormahan pa lang masasabi mo na mga anak ito ng mayayamang tao.

Puting tshirt na may tatak na logo ng Nirvana ang suot na pang-itaas ni Rex, yun nga black fitted jeans at puting sneakers. Floral na off-shoulder naman ang suot ni Sasa, white denim short at pink na doll shoes.
Nakadagdag din ng atraksyon nila ang kulay ng kanilang mga buhok. Pink ang kulay ng buhok ni Sasa at dark red naman ang kay Rex. Para silang mga anime na napunta sa earthue. Haha.

Napabuga ng hangin si Rex at ipinikit ng mariin ang kanyang mga mata.
"Gutom na ako.." mahina niyang usal.

"Bakit ba kasi tayo pa ang inutusan para sumundo kay Isabela..." maktol pa ni Sasa at napapadyakpadyak pa sa sahig.

"Ni-hindi nga natin alam kung ano ang itsura nun." dagdag pa nito.
Napaisip saglit si Rex habang ang mga daliri niya ay nasa kanyang baba.

"Wala bang picture si Isabela? O kahit pagkakakilanlan lang?" tanong ni Rex kay Sasa. Napalabi ang dalaga sabay iniling ang kaniyang ulo.

Isabela(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon