SPECIAL CHAPTER

200 11 0
                                    


Alexander's Point of View

Growing up, I felt like seeking for love from my father. Lumaki ako na seperated sina Mommy at Daddy.

When I was 7 years old, tuluyan ng umalis sa puder namin si Daddy. Naiwan ako kasama si Mommy at kuya. Though okay naman ang relasyon namin ni Daddy, still hindi maalis sa akin ang mangulila sa presence niya. Palagi naman kaming naguusap through facetime pero iba pa rin talaga yung nandito siya.

I was 18 when he told me na pagkagraduate ko ng college ay susunod na kami sa kanya. He told me that he wanted to fix our family and try to start again. Inaamin ko, sobra akong nasiyahan. I always look forward for that day.

I really value the importance of family. For me, my family is my home. Yun bang hindi mo kailangang magtago ng totoong nararamdaman mo kapag sila ang kasama mo. They can make things easy for you. As the saying goes, "No man is an island." We all need a helping hand and it can be our family.

Kahit sobrang impossible sa aking mangyari yun kasi nga broken family kami, still hindi yun naging dahilan para itigil ko ang pag-asa na one day babalik lahat sa normal.

After kong mag graduate sa college, akala ko ay makakapunta na agad kami ng States. I was so excited, to be honest, but then hindi natuloy yun for some reasons. Sabi ni Daddy sa susunod na lang daw kami pumunta dun at pauunahin na lang si Kuya para may kasama doon si Daddy. Nalungkot ako but inintindi ko.

Besides sabi naman ni Daddy na susunod kami dun. Okay na rin yun.

Napatingin ako kay Kate na natutulog sa tabi ko. Hinimas ko ang kanyang buhok at inayos na din ang mga ito. Nagkakalat kasi sa mukha niya. Tulog mantika talaga.

Kahit na one year na kaming kasal ni Kate, hindi pa rin ako makapaniwala na I will end up with someone like her. I mean, sobrang unexpected ng pagkikita namin. I experienced love at first sight when I first saw her.

Naalala ko yung gabi na yun. Yung gabing una kong nasilayahan ang kagandahan ng aking asawa na si Kate.

Inaya ako ni Ian noon na magbar. Para magsaya, like the way we use to do. Sabi pa niya naiinis daw kasi siya sa naka one night stand niya kasi bigla na lang umalis at wala man lang sinabi sa kanya. Pero hindi ko lubos akalain na sa gabing iyon, makikilala ko ang isang babae na sa unang tingin pa lang ay agad ng huminto ang lahat sa paligid ko at tanging ang malakas na tibok na lang ng aking puso ang naririnig ko. Agad na niyang nabihag ang aking puso sa unang pagkikita pa lang namin.

Hindi ako naniniwala sa love at sa sinasabi nilang magic ng love na yan pero tangina naiba ang paniniwala ko ng makilala ko si Kate.

The moment my eyes met hers, everything just stops. Sabi pa niya sa akin na ang weird ko daw. Yan ang first impression niya sa akin at kahit ako ay na weirduhan din sa sarili ko.

Kahit nakauwi na ako noong gabing iyon, hindi pa rin maalis sa isip ko si Kate. The feeling that I felt right at that moment is so new to me kaya hindi ko alam ang gagawin ko.

Love is magical. Hindi mo maiisip kung kailan at saan hahayaan ng tadhana na makilala mo yung taong magiging parte ng buhay mo. Your soulmate. Your match. At kapag tinamaan ka na, tinamaan ka talaga.

Lumapit ako ng kaunti kay Kate at pinagmasdan ang maamo niyang mukha habang natutulog.

I never imagined her to have such a big part on my life. Lagi niyang sinasabi na ako ang bumuo uli sa kanya but little did she know na siya ang bumuo sa akin. She is the missing piece that I have been looking for such a long time. She is the missing piece on my puzzle.

Tadhana na rin siguro ang gumawa ng paraan para muli kaming magtagpo sa pangalawang pagkakataon. Sa cake shop na kung saan inasar ko siya tungkol dun sa last slice ng cake.

When She Finally Meets Her MatchWhere stories live. Discover now