CHAPTER 1

285 10 0
                                    

"Dahan-dahan naman, Kate. Ako na naman ang mahihirapang ihatid ka mamaya eh." Tiningnan ko muna si Jacque bago nilagok ang isang shot ng alak.

I don't know. Since then, alcohol has been my partner in crime. It has been my "temporary" medicine for pain. Parang nawawala kahit saglit lang yung problema, pressure, at sakit kapag umiinom ako. 

"Edi wag mo kong ihatid." Pilosopo kong sabi. 

Medyo maingay dito. Wala akong naririnig kundi ang tugtog sa dancefloor. Ito ang dahilan kung bakit kailangang medyo sumigaw si Jacque. Kung hindi, hindi kami magkakaintindihan.

"What? Don't tell me..." Tumawa ako sa sinabi niya. 

Napa face palm siya. 

"No, Kate. You will not do it. Saan ka natulog kagabi ha?" Ngumiti ako sa sinabi niya. 

"I slept with a guy. Ewan condo niya ata yun." Sabi ko at isinandal ang likod ko sa upuan. Nilaro-laro ko yung baso. 

"Wtf! Baliw ka na ba ha?" Tanong niya. 

"No. Sila ang baliw sa akin." Biro ko. Ayun binato niya ako ng tissue.
"Kailan ka ba titigil sa pinagagawa mo ha?" Aniya sa akin. 
Hindi na ako sumagot pa. 

"Hey, miss." Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa tapat ng table namin. 
Napangisi ako. 

"Kanina pa kita tinitingnan. Pwede ba kitang maisayaw?" Agad niyang nilahad ang kamay niya sa akin.

Napatingin ako kay Jacque at agad niya akong inirapan. 
Tinanggap ko yung kamay ng lalaki at agad niya akong dinala sa dancefloor.
---
"So, what's your name?" Tanong ko dun sa lalaking kasayaw ko. Medyo siksikan rin ang mga tao dito kaya ang hirap gumalaw.

"Dave." Matipid niyang sabi. 

Tumango ako at sumayaw. Ang ganda ng beat eh parang kusang sumusunod ang katawan ko.

"Palagi ka ba dito?" Aniya.

"Let's just say na palagi ako dito kapag kailangan ko ng space." Napangisi siya sa sinabi ko. 

"Oh, so may pinagdadaanan ka? Care to share?" Tanong niya.

Sus alam ko na ang mga galawan niya. 
"It's nothing." Sabi ko. 

Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa braso. Napatingin ako sa kanya dahil sa mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. 
At bago pa ako makawala sa pagkakahawak niya ay agad na niya akong hinila.
---
"Ano ba. Bitiwan mo ako." Pilit akong nagpupumiglas pero hindi ko magawang makawala sa pagkakahawak niya.

"Dave, aray nasasaktan na ako." Dagdag ko pa pero parang wala lang siyang narinig. 

Hila-hila niya ako hanggang sa makalabas na kami ng bar. 

"What the fuck, let me go!" Sigaw ko. 
Binitawan na niya ako at tumingin sa akin. 

"Wag ka ng pabebe, miss. Just one night." Sabi niya sa akin. Nagtaas ako ng kilay sa kanya. 

"Feelingero ka rin eh no? Hindi kita papatulan, for goodness sake." Tumalikod na ako sa kanya pero muli niya akong hinawakan sa braso. 

"Let me go!" Sigaw ko pa. Hinila niya pa rin ako. Naiiyak na ako. 

"Diba sabi niya bitawan mo siya." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng isang lalaki sa harapan namin. 
Hinarangan niya ang dinadaanan namin. 

"Wag kang makialam dito, pare." Sabi ni Dave sa kanya. 
Tinagilid ng lalaki ang mukha niya tsaka ngumisi. Muli siyang tumingin kay Dave at sinuntok ito. 

Sa lakas ng pagkakasuntok niya ay natumba si Dave. 

"Back off." Matipid na sabi ng lalaki. Tumayo si Dave at tiningnan yung lalaki. Tiningnan din ako ni Dave. Yumuko ako at nagkubli sa likuran ng lalaki.

Narinig ko ang pagmura ni Dave bago umalis. 
Bumaling sa akin yung lalaki. 

"Okay ka lang?" Nag-angat ako ng tingin. Nagtama ang mga mata namin nung lalaki. 

"Y-yes." Umiwas ako ng tingin. 

"Mag-ingat ka sa mga lalaki ngayon. Hindi lahat ay mapagkakatiwalaan. Iilan na lang ang marunong gumalang sa mga babae." Sabi niya sa akin. 

Tumango ako. He is right. Too bad kasi hindi ko naisip yun. Muntik na tuloy akong mapahamak.

"Thank you." Sabi ko sa kanya. 
Ngumiti siya sa akin at he looks so attractive. The hell!

"Hindi mo ba ako naalala?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. 

"Kagabi." Dagdag pa niya. 

Kagabi?

Napalaki ang mga mata ko. Tama! Siya yung naka one night stand ko kagabi. Yung tinulak ko kaya nahulog sa kama. Wtf! Small world. 

"You leave my place earlier ng hindi ko man lang nalalaman ang pangalan mo." Sabi pa niya sa akin. 

Medyo nahiya naman ako. I mean, siya pa talaga ang nagligtas sa akin eh iniwan ko nga lang siya kanina. Without saying anything. 

"I'm Ian. And you are?" Nilahad niya ang kamay niya sa akin. 

Tiningnan ko ito bago sumagot.

"Kate." Nag shake hands kami.

"Bro!" Napatingin kami pareho sa lalaking tumatakbo papunta sa amin. 
Tumigil siya sa tabi ni Ian at tumingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin. 

"Sorry kung natagalan ako. May nangyari kasi." Paliwanag ni Ian. 
Hindi sumagot yung lalaki kasi nakatingin pa rin siya sa akin. 

"Kate!" That broke our contact. 
Agad akong napatingin kay Jacque.

"Where have you been? Bakit bigla kang nawala?" Tanong niya sa akin. 

"Wala. Halika na. Umuwi na tayo." Sabi ko. 

Muli akong tumingin kay Ian.

"Salamat ulit. Mauna na kami." Wika ko sa kanya. Muli kong sinulyapan ang kaibigan ni Ian. Nakatingin pa rin siya sa akin.
Lumakad na ako at sinubukang iwasan ang mga titig niya. 

Weird.

When She Finally Meets Her MatchWhere stories live. Discover now