CHAPTER 16

161 8 0
                                    

Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa ng sabihin sa akin ni Ian na nagcrash daw ang eroplano na sinasakyan na sinasakyan ni Alexander.

Naging in denial pa ako noong una. Sabi ko napanaginipan ko pa siya, nakausap ko pa siya, at nangako siya na babalikan pa niya ako. Iniisip ko pa lang ang kalagayan ni Alexander ng mga oras na yun ay parang hindi ko na kinakaya.

Kahit umuulan pa noon ay agad akong umalis ng bahay at agad na pinuntahan si Alexander sa ospital.
Pagdating ko ng ospital, nakita ko dun si Jacque. Then I saw Alexander na naliligo sa sarili niyang dugo. Nakahiga lang siya sa hospital bed habang inaasikaso ng mga doktor.
Pilit ko siyang pinupuntahan pero pinipigilan ako nina Ian at Jacque. I want to stay beside him kasi umaasa ako na gigising na siya kasi andito na ako.

Sobrang hirap tanggapin at isipin ang kalagayan ni Alexander ng mga oras na yun. Agad kong ipinaalam ang nangyari kina Tita na nasa States. And after a month ay bumalik agad siya para alagaan si Alexander.

2 years na ang nakaraan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Alexander. Sabi ng doktor na comatose daw siya dahil sa bleeding at mga sugat na natamo niya sa kanyang ulo. Walang kasiguraduhan kung kailan siya magigising at sa 2 years na nagdaan, wala kaming ibang ginawa kundi ang maghintay lang. Wait and pray.

I miss him so much. I miss his smiles, his voice, his kisses, his hugs, I miss everything about him. Araw -araw ay nasa ospital ako. Minsan dun na din ako natutulog. I want to be there kung sakaling magising na si Alexander. Gusto ko na ako agad ang makita niya sa muling pagdilat niya ng kanyang mga mata.

"Hija, umuwi ka na muna. Dalawang araw ka na dito sa ospital. Wala ka pa masyadong tulog. Ako na muna bahala dito." Sabi sa akin ni Tita Grace, mommy ni Alexander.

Nakaupo ako ngayon sa tabi ni Alexander at pinagmamasdan siya habang nakapikit.

A tear escaped my eye.

2 years had already passed pero masakit pa rin. Medyo naguilty din ako. Ayaw niyang umalis noong time na yun pero ako ang nagpush sa kanya and maybe if nag agree na lang ako sa kagustuhan niya, hindi mangyayari ang mga nangyari. Sana pala pinigilan ko na lang siyang umalis.

Umupo si Tita sa paanan ni Alexander at tumingin sa akin.

"I idolize you for being this strong, Kate." Napatingin ako kay Tita.

"Thank you for staying by my son's side kahit na alam kong sobra ka ng nahihirapan. I would always be grateful to you." Dagdag pa niya.

"To be honest tita, Alexander made me this strong. Simula ng makilala ko siya ang daming nagbago sa buhay ko. He made me realize a lot of things and I would always be thankful to him for that. Noong mga panahon na down na down ako, hindi niya ako jinudge at iniwan kaya now I am returning him the favor." Paliwanag ko.

Alexander made me realize the importance of things. Kahit yung nga maliliit na bagay lang. He let me appreciate things. He changed me a lot and I am forever thankful because I have him in my life.

Our life is a blessing and we should make the most out of it. Indeed, Life is too short. Hindi natin alam kung hanggang kailan lang tayo dito sa mundo. Everything is just temporary, our existence as humans is just temporary.

"Sige po, Tita. Uwi muna ako. Babalik na lang ako mamaya." Ani ko.

Bago ako tuluyang umalis ay muli kong sinulyapan si Alexander.
Babalik ako, please wake up.

---

Napabagsak ako sa kama at napatitig sa kisame. So many things are running on my mind, my body is tired, my eyes are weak pero ni hindi ko magawang matulog para bang gusto ko na agad bumalik sa ospital. What if nagising na si Alexander tapos wala ako dun? What if hanapin niya ako?

Napaupo ako at napahilamos sa aking mukha. Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Papa sa aking silid.

"Kamusta ka?" Umupo siya sa tabi ko at hinagod ang aking buhok.

"Gusto mong samahan kita mamaya sa ospital? I am worried about you anak at baka napapabayaan mo na ang sarili mo." Dagdag pa ni Papa.

"I'm okay po. I just missed Alexander." Mahinang sabi ko.

Tinapik ni Papa ang balikat ko.

"I believe that everything will all fall into place. Basta andito lang ako anak, para sayo." Aniya.

I smiled.

---

Around 4pm ng bumalik ako ng ospital. Bumili muna saglit si Tita Grace ng makakain namin.

Inilalapag ko sa maliit na mesa ang dala kong prutas at fresh milk ito kasi ang kinakain namin kapag wala kaming magawa ni Tita.

Nang makaramdam ako ng pagod ay umupo ako sa tabi ni Alexander.

"Please wake up. I miss you." Sabi ko. Hindi ko alam kung ilang beses ko na ito nasabi at hindi ko alam kung ilang beses na ako umasa na magigising siya pag sinabi ko to pero hindi ako mapapagod na maghintay.

Hinawakan ko ang kamay niya at lumapit ng kaunti sa kanya.

"I miss you so much, baby." Bulong ko and then I froze when I suddenly felt his hand move. Napatingin ako dito. Gumalaw nga ang kanyang hintuturo!

"Alexander." Sabi ko sabay tingin sa kanya. Sa labis na pagkakataranta ko, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Mas lalo ako nataranta ng makita kong dumilat si Alexander.

"Alexander, gising ka na." I uttered as tears started to stream down my face.

When She Finally Meets Her MatchWhere stories live. Discover now