PROLOGUE

504 14 0
                                    

Kasabay ng pagdilat ng aking mga mata ang pagkirot ng ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil sobra itong sumasakit.
Napatingin ako sa paligid.
Blue and White themed room, may painting na aesthetic sa pader, white comfy blanket.

Shit! This is not my room.

Tumalikod ako at nagulat ng may nakita akong lalaking natutulog sa aking tabi.
My eyes widened with the realization of--- Hindi kaya...

Napatingin ako sa katawan ko na nababalot ng kumot.
Napa face palm ako.
Tangina, Kate! Ano na naman ang ginawa mo? Shit!
Biglang nagising yung lalaking katabi ko.
He is totally a stranger to me. I don't even know his name at wala akong balak na alamin.

"Good morning, baby." Umupo siya at tiningnan ako. Nanatili akong tulala.
Hinalikan niya ako pero tinulak ko siya dahilan para malaglag siya sa kama.

"Oops!" Tumayo na ako mula sa kama.

"What the fuck!" Sigaw niya habang papasok ako ng banyo. He must be so annoyed dahil sa ginawa ko.

Napatawa na lamang ako pagpasok ko ng banyo.
Excuse me! Hindi porket may nangyari sa amin ng isang gabi ay papatulan ko na siya. I am just drunk at ganun din siya.
It was just a one night stand at hanggang dun lang yun. No strings attached.
Boys are professionals in playing games but I am an expert. At magkaibang magkaiba yung dalawa.
Professionals learn from experts. Easy as that.
---
"Ate, saan ka galing? Kagabi ka pa hinihintay ni Papa." Patuloy ako sa paglalakad pero sinusundan ako ng kapatid ko.

"Saan siya?" Tanong ko.

"Believe me, Ate. You must not see him now he is not in his mood. Palamigin~" Napatigil siya sa pagsasalita ng magsalita din ako.

"Ingrid!" Napataas ng konti ang boses ko.
I closed my eyes and relaxed myself.

"Just tell me where he is." I continued.

"Nasa opisina niya." Agad ko na siyang tinalikuran.

Si Ingrid ang tanging kapatid ko. She is 5 years younger than me.
Half sister ko siya. Anak siya ni Papa kay Tita Zeneth.
Mom died when I was 7. It was a car accident and everybody is blaming me because of that. Lalo na si Papa. Pakiramdam ko ng dahil sa nangyari, mas lalong napalayo ang loob ko sa kanya.

I was once his 'baby girl' pero simula ng nangyari ang car accident, namatay si Mama, at simula ng dumating si Ingrid lahat ng yun nagbago at nawala. Turning tables.
Inaamin ko, inggit na inggit ako kay Ingrid. Sa lahat ng atensyon, love, and care na binibigay sa kanya ni Papa. Para ba akong hangin na lang pag nandito ako sa bahay kaya mas minabuti ko na lang na doon manirahan mag-isa sa condo ko. Living here feels like living in hell. Pakiramdam ko wala akong kakampi.

Binuksan ko ang pintuan at agad kong nakita si Papa na nakaupo sa swivel chair habang umiinom ng wine.
Agad siyang napatingin sa akin habang tuluyan akong pumapasok ng opisina niya.
Tumigil ako sa tapat mismo ng table niya. Tumayo siya at bigla na lang akong sinampal.
Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya sa akin.
Nagbabanta ang mga luha ko pero I always try my best na pigilan ito. Ayokong ipakita sa kanya na mahina ako.

Muli akong tumingin kay Papa at kitang kita sa mga mata niya ang sobrang galit.

"What are you thinking? Bakit hindi ka tumuloy sa business trip sa Batangas? Saan ka natulog kagabi?" Panimulang tanong niya sa akin.

Plastic akong ngumiti. Wow! Now he is acting like he cares? Bullshit.

"You don't need to know." Giit ko.

"Tsaka hindi ako tumuloy sa Batangas kasi alam ko naman na wala na tayong magagawa para maisalba ang kompanya. Let's just face it, we are drowning. Magsasara na tayo soon." Dagdag ko pa.

Napatalon ako sa gulat ng hampasin ni Papa ang mesa dahilan para mahulog ang ibang papeles niya sa sahig.

"That business trip could help us a lot, Kate! At dahil sa katigasan ng ulo mo at dahil hindi ka dumalo, tuluyan na tayong babagsak. Tuluyan ng babagsak ang kompanya na pinaghirapan kong itayo for years." Sabi niya sa akin.

Palagi namang ganito eh. Palagi na lang ang kompanya ang inaalala niya. He didn't even ask me kung gusto ko rin ba tong pinapagawa niya sa akin. Managing business was never been my dream pero dahil pinilit niya ako at dahil umaasa ako na pag sinunod ko siya ay mapapalapit uli ako sa kanya ay ginawa ko. Kahit labag yun sa kalooban ko.

"Oh, edi sana ikaw ang dumalo. Sana ikaw yung pumunta ng Batangas." Sumbat ko sa kanya. Bakit niya kasi ako pinipilit? I don't get it. Wala akong magagawa para i save yung kompanya niyang matagal ng lugi.

"That is so stupid of you, Kate." Bahagya siyang napatawa. Umupo siya sa upuan niya at tumingala sa akin para matingnan ako.

"Sabagay wala ka naman kasing puso pagdating sa negosyo, unlike your sister Ingrid." Napangisi ako sa sinabi niya.
Si Ingrid na naman. Siya na lang palagi.

"I am very disappointed. You are a disappointment." Kunwari lang na manhid ako pero pota ang sakit marinig yung mga katagang yun mula sa ama mo.

Bumagsak na ang mga luha ko.

"I was a disappointment because you never gave me a chance. At tama kayo wala nga akong interes sa negosyo kasi alam niyo naman kung ano talagang gusto ko diba? Pero sinunod ko pa rin yung kagustuhan niyo at umasa ako na maibabalik pa natin yung dati." I wept my tears at pilit na ngumiti.

"Pero ansakit pala mag assume at umasa. Kailan kaya dadating yung araw na hindi ko na maririnig yung salitang disappointed mula sa inyo? Kailan ko kaya maririnig na proud din kayo sa akin tulad ng kung gaano kayo ka proud kay Ingrid? Cause honestly, nakakapagod na." Sabi ko sa kanya bago umalis ng opisina.

Napapagod na ako sa ganitong eksena namin ni Papa.
Kinuha ko ang phone ko mula sa bag at tinext ang bestfriend kong si Jacque.

Inaya ko siyang mag bar. I just wanted to escape this pain.

When She Finally Meets Her MatchWhere stories live. Discover now