CHAPTER 9

154 10 1
                                    

"Nga pala, sa mansion na ako tumutuloy ngayon." Tiningnan ko si Alexander na nakaupo sa kama.

Uminit ang aking pisngi ng marealize na nakatingin lang siya sa akin habang nagbibihis ako. Kahiya.
Umiwas ako ng tingin. Hindi ko siya matingnan ng diretso sa mata. Parang nagfla-flashback ang nangyari kanina.

Biglang tumayo sa akin si Alexander at lumapit sa akin.

"So sinunod mo yung advice ko?" Nakangisi ang loko. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya.

"Sabi na nga ba, dati ka pang patay na patay sakin." Dugtong pa niya. Ang kapal.

"Wag ka ngang feeling." Sabi ko. Tumawa ito ng mahina. Hinawakan niya ang baba ko at iniangat ito para magtama ang aming mga mata.

"Ang ganda mo talaga."
Ngumuso ako para pigilan ang sarili ko na wag ngumiti dahil sa sinabi niya.

Ang saya palang maging masaya. Ewan ko ba pero simula ng dumating si Alexander sa buhay ko, naging sunod-sunod na ang aking kasiyahan. I really consider his existence in my life as a blessing.

"Hintayin na lang kita sa labas." Aniya bago lumabas ng kwarto.

Napaupo ako sa kama at napahawak sa aking didib. Ang lakas ng tibok ng aking puso. Ang saya ko. Genuine happiness, indeed.
---

Hawak-hawak ni Alexander ang kamay ko kahit nagmamaneho ito. Medyo hindi ako sanay at everytime na nase-sense niya na hindi ako mapakali ay marahan niyang pinipisil ang aking kamay.

I don't know why but I feel so safe and secured kapag kasama ko siya. He can make things easy for me. Yun bang hindi ko na kailangang magsabi ng nararamdaman ko kasi kusa niyang malalaman. Parang may connection kami sa isa't isa. I really do believe that he is my match. That he is God's gift to me.

Bigla akong napatingin sa phone ko ng bigla itong tumunog.

Nagtext si Ian at nag-aayang mag lunch bukas. Should I say yes? Should I tell Alexander?

"Sino yan?" Tanong niya.

"Si Ian." Sabi ko. Napatingin siya sa akin saglit bago tumingin uli sa daan.

"Nag-aaya siya ng lunch bukas." Dagdag ko pa.

Napakagat labi ako. Papayag kaya siya? Since medyo naging awkward ang mga bagay sa aming tatlo noong huli kaming nagkita.

"Samahan na kita bukas kung pupunta ka." Nagulat ako sa sagot niya. So he is saying yes?

"Payag ka?" Tanong ko.

"Oo." Aniya. Napangiti naman ako.
"Basta kasama ako." Dugtong pa niya.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

Halatang nagulat ito at natawa ako sa reaksyon niya. Hindi kasi siya makaganti kasi nagmamaneho siya.

"Pasalamat ka, I'm driving." I giggled.

Tahimik lang kami uli hanggang sa makarating na kami sa bahay.

Huminga ako ng malalim. Ayoko pang mahiwalay kay Alexander.

"Gusto mong pumasok muna?" Tanong ko.

"Pwede ba?" Sagot niya. Natuwa ako sa sagot niya. It means willing siya.

"Oo naman, sira." Napatawa ako at ganun din siya.

Lumabas na kami pareho sa kotse at magkahawak-kamay na pumasok sa loob ng mansion.

Agad kong nadatnan si Ingrid na nasa sofa. Agad siyang napatingin sa amin ni Alexander bago dumapo ang kanyang tingin sa kamay naming magkahawak. Nakita kong napangiti ito.

When She Finally Meets Her MatchWhere stories live. Discover now