CHAPTER 2

230 9 0
                                    

Tahimik lang ako habang nasa kotse ni Jacque. Hindi maalis sa isip ko yung nangyari kanina. Muntik na ako dun. Buti na lang talaga at dumating si Ian. If not because of him baka ano na ang nagawa sa akin ni Dave.
Napahawak ako sa ulo ko. 

"Ikaw ha, sino yung kasama mong lalaki kanina?" Agad akong napatingin kay Jacque. Nakatuon pa rin ang atensyon niya sa daan. 

"Lalaki?" Tanong ko. 
Napangisi siya. 

"Come on, don't deny it. He is cute right?" Biro niya. 

"Si Ian?" Tumawa muna ako bago pinagpatuloy ang sinabi ko.

"Wala. Niligtas niya lang ako mula sa manyak na Dave na yun." Napalaki ang mga mata ni Jacque sa sinabi ko. 
Bigla niyang itinigil ang sasakyan at tumingin sa akin. 

"Bakit anong ginawa ni Dave?" Agad niyang tanong. 

"Wala. He forced me to have sex with him kahit ngayong gabi lang daw." Paliwanag ko. 

"Aba tangina niya ah!" Inis na sabi ni Jacque. 

"Pero okay na. Buti na nga lang at dumating si Ian." Dagdag ko pa. 
Natahimik siya saglit. 

"By the way, sino yung kasama nung Ian? Cute din siya ah. Tsaka nakita kong nakatingin lang siya sayo kanina." Base sa mga titig sa akin ni Jacque, she looks like teasing me. 

Natahimik ako kasi bigla kong naalala yung kasama ni Ian. 
Yeah, he is weird. Hindi man lang niya inalis ang mga titig niya sa akin hanggang sa makaalis na kami. 
I don't know what his problem is pero bakit ganito? Hindi ko rin maiwasang hindi isipin yung mga titig niya. Parang may iba... Yes, he is weird but like Jacque, I also find him cute.
---
Kinaumagahan, maaga akong nagising. Medyo masakit pa ang ulo ko dulot ng hangover. 
Agad akong naligo at nagbihis na. 
Parang bigla akong nagcrave ng cake kaya nagdesisyon akong bumili sa pinakamalapit na cake shop. 

Tamang-tama kasi pagdating ko dun, nagiisang cake na lang ang natira. Nakakapagtaka eh ang aga pa naman. Pero ubos na agad yung cake. Sabagay, napakasarap naman kasi ng cake nila dito. 

"Good morning, maam." Bati sa akin nung Cashier. 

Agad ko ng kinuha ang wallet ko mula sa aking bag. 

"Excuse me, miss. Can I have the last slice of cake, please." Napatingin ako sa lalaking katabi ko. 
Wtf! Akin yun eh. 

"Sure, sir." Sabi nung cashier. Pero pinigilan ko siya. 

"Wait, miss." Bumaling ako dun sa lalaki na nakangisi sa akin.

"Excuse me lang ha pero akin na yung last slice ng cake." Sabi ko sa kanya. 
Nanatili itong nakangiti.

"What?" I asked. He is weird ah. 

"So it's you." Sabi niya. Kumunot ang aking noo. 

Tiningnan ko lang siya at pilit na inalala kung saan ko siya nakita. He looks familiar. 

"Ako yung kasama ni Ian kagabi." Natahimik ako sa sinabi niya. 
Tama, siya yung weird na lalaki. 

"Excuse me, sir. Bibilhin niyo pa rin ba yung cake?" Tanong nung cashier. 

"Yes, please." Sagot niya. 

"Sabi na akin na yun eh." Bigla kong sabi. 

"Ako yung unang naka order kaya akin na yun." Aniya. Ughh. I am very annoyed. Kainis siya.

"Ako yung unang pumila dito. Bigla ka lang sumulpot." Pangangatwiran ko. 

"Kasalanan mo na yun. Hindi mo agad sinabi. Minsan kasi wag kang mabagal baka maunahan ka pa ng iba." Sabi niya bago ulit ako nginitian. 

"Sir, ito na po." Agad na inabot sa kanya nung babae yung cake. 

Bago siya umalis ay muli siyang sumulyap sa akin at ngumiti. Aish! Nakakaasar.
---
Padabog akong bumalik sa condo ko. Pagpasok ko ay agad kong inilapag ang bag ko sa mesa at umupo sa upuan. 
Nakakainis siya! Hindi tuloy ako nakakain ng cake. 
Binabawi ko na yung sinabi kong cute siya. Sobrang nakakainis pala siya. 
Hindi siya yung "gentleman" na ideal ng mga babae. 
Basta nakakainis siya. 
Weird na, nakakainis pa. 

Bigla akong napatayo sa aking pagkakaupo ng biglang may kumatok. 
Nang buksan ko ang pintuan, wala namang tao. 
Napatingin ako sa isang box na nasa sahig. Agad ko itong pinulot. May maliit ding card na nakapatong sa taas nito. 
Binuksan ko yung box. 

Isa itong cake. Isang buong cake. Tsaka chocolate pa. Paborito ko to. Parang bigla akong natakam. 
Pero nagtataka ako, sino kaya ang nagiwan nito dito? 

Pumasok na ako sa loob. Nilapag ko sa mesa yung box ng cake.
Umupo ulit ako at binasa yung nakasulat sa maliit na card. 

"From: Alexander Troy Ferrer." Yan ang tanging nakasulat sa card.

Alexander Troy Ferrer.

Wala naman akong kakilalang may ganung pangalan. Sino kaya yun?

When She Finally Meets Her MatchWhere stories live. Discover now