CHAPTER 4

201 7 0
                                    

Pagkaalis ni Ian, agad na akong nagligpit ng pinagkainan namin. Tinulungan naman ako ni Jacque sa pagliligpit. 

"Ako na maghuhugas." Sabi ko. 
Habang naghuhugas ako, hindi ko maiwasang hindi isipin yung kaibigan ni Ian.

Siya ba talaga si Alexander Troy Ferrer? 
Kung siya, edi sa kanya nanggaling yung cake. Pero bakit naman niya ako bibigyan? Para asarin ako?
Talagang nakakaasar yung lalaking yun eh. 

Napatalon ako sa gulat ng bigla kong nahulog ang basong hinuhgasan ko dahilan para mabasag ito. 
Agad na napatakbo si Jacque sa akin. 

"Okay ka lang?" Tanong niya.
"Oo." Sabi ko habang inaalis yung butil ng baso na nagkalat sa sink.
Bigla namang may kumatok sa pintuan. 

"Pakibuksan naman please, Jacque." Sabi ko. 
Abala pa rin ako sa paglilinis ng aking nabasag. 

"Jacque, sino yung kumatok?" Tanong ko. 

"Ate" Napalingon ako dahil sa narinig ko. 

Nakita ko si Ingrid na nakatayo sa may pintuan. Tiningnan ko si Jacque, she smiled. 
Alam kong siya ang may pakana nito.
 
"Kate, alis na rin ako." Aniya sabay kuha ng bag niya sa sofa. 
Muli niya akong tiningnan bago umalis. 

"Upo ka muna, Ingrid." Sabi ko na siya namang sinunod niya. 

"You want coffee?" Tanong ko. 

"No, I'm good. Hindi naman magtatagal. May hihingin lang akong pabor sayo, Ate." Sabi niya sa akin at mukhang seryoso siya dito. 

Umupo ako sa upuan sa tapat niya. 

Yes, maaring galit ako kay Papa dahil naiinggit ako kay Ingrid. Alam kong hindi pantay ang pagtrato niya sa amin. Mas binibigyan niya ng atensyon si Ingrid at para bang bumabaling lang ang atensyon niya sa akin kapag wala na siyang choice. 
Pero kahit ganun, kahit alam kong mas mahal niya si Ingrid kaysa sa akin, ay hindi ko pa rin magawang magalit kay Ingrid. She is my only sister at inaamin ko, mahal ko siya. 
Besides, wala naman siyang kasalanan kung bakit mas pinipili siya ni Papa kaysa sa akin. 
Papa must have seen something sa kanya na wala sa akin. 
Magkaibang-magkaiba kami ni Ingrid. Kung papipiliin ang mga tao, alam kong mas pipiliin nila si Ingrid. 
Ingrid has everything. 

"Alam mo ba na inatake si Papa pagkatapos niyong mag-usap sa opisina niyo noong isang araw?" Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya.

"We tried to contact you pero hindi namin alam kung paano. You are avoiding us, Ate. Buti na nga lang at na convince namin si Ate Jacque." Dagdag pa niya. 

"K-kamusta si Papa?" Tanong ko. 
"Sabi ng mga doktor buti raw at agad namin siyang naisugod sa opsital kung hindi baka natuluyan na si Papa." Kasabay ng pagkakasabi niya nito ang pagpatak ng kanyang mga luha. 

I tried to look away trying to avoid any contact with her. 
I need to stop my tears from falling. 
Inaamin ko, nagui-guilty ako. Parang... Parang ako ang may kasalanan. 

"Ate, he needs you right now. I know that things between you and Papa isn't that okay pero ate he needs you." Pagmamakaawa sa akin ni Ingrid. 

Maybe this time tama si Jacque. I have to open my heart and subukang isantabi muna ang galit ko kay Papa. He needs me. My father needs me. 
---
Napabagsak ako sa aking kama. Tears started to stream down my face. 
"Papa needs you now, Ate." Naalala ko ang sinabi ni Ingrid kanina. 

I am so guilty right now.
Hindi ko naisip ang magiging consequences ng mga ginawa ko. 
At dahil dun muntik ng mapahamak si Papa. 

Umupo ako sa kama at pinahiran ang aking mga luha.

When She Finally Meets Her MatchWhere stories live. Discover now