CHAPTER 13

137 8 0
                                    

With his white shirt and faded jeans, agad kong nakita si Alexander na nakatayo sa labas ng kotse niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko lalo na ng magtama ang aming mga mata. Two days din ata kaming hindi nagkita. Puro text and calls lang ang nagagawa namin. I don't know his reasons about all of this--- and that is what I have to find out now.

"I miss you." Aniya. Ngumiti ako. Kahit hindi ko sabihin, alam naman niya siguro na miss ko rin siya.

"Bakit ka nandito? May kailangan ka bang sabihin sa akin?" Panimula ko.

His eyes are weak. His eyes are very mysterious at para bang may gusto itong ipahiwatig sa akin na hindi ko maintindihan.

"Yes." Matipid niyang sabi.

Napakagat labi ako. Bakit parang kinakabahan ako?

"Aalis ako." Wika niya. Napatingin ako sa kanya dahil dito.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Sa States. Dad needs us. Nagkasakit siya. Dapat nga last month pa kami umalis, naudlot lang." Sabi pa niya. So ito ang sikretong tinago niya sa akin?

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Kasi ayokong umalis." Natigilan ako sa sinabi niya. Ayaw niyang umalis? Dahil ba sa akin?

"Ayokong iwan ka. Natatakot akong iwan ka at baka makahanap ka ng iba dito." Dugtong pa niya.

"Bakit ka ba kasi ganyan? Don't overthink. Wala ka bang tiwala sa akin? Tsaka kailangan ka ng Daddy mo and you have to go." Sabi ko.

Ayokong maging rason or maging hadlang para hindi siya umalis. I want him to understand the importance of his family. Alam kong inaalala niya rin ako pero ang kailangan lang namin ay ang pagkatiwalaan ang isa't isa.

"Isa pa, babalik ka naman diba?" Tanong ko pa.

"Hindi pa sure kung gaano ako katagal dun. 2 days pa nga lang tayong hindi nagkikita ay halos mabaliw na ako sa pagkamiss ko sayo." Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Sobra pa rin talaga akong kinikilig sa mga banat niyang ganito na nakalimutan ko na seryosong bagay pala ang pinaguusapan namin ngayon.

Pfft.

"But still your Dad needs you." Ani ko.

"Pero ayokong malayo sayo." Medyo tumaas ang boses niya.

Ginulo niya ang kanyang buhok at lumapit sa akin para mahawakan ang aking mga kamay.

"Iniisip ko pa lang na malalayo ako sayo ay hindi ko na kaya. Ayoko, Kate." Seryoso niyang sabi. I am the one who's stopping him to go. Dapat hindi ganun eh. Gusto ko rin na magkita kami araw-araw, makausap siya sa personal, at mayakap siya anytime pero alam ko na mali ang pigilan ko siyang umalis. Mali na sumang-ayon ako sa kagustuhan niyang huwag umalis.

Hinawakan ko ang mukha niya at pinatingin siya diretso sa aking mga mata.

"Pwede naman tayong mag-usap everyday through video call ah. You have to go because your Dad needs you. Alam kong iniisip mo ako, yung relasyon natin at ganun din ako. Pero Alexander, I want you to trust me. Let's trust each other. Kakayanin natin kahit mahirap. Besides this is just temporary. Makakabalik ka din naman kapag okay na ang lahat." Paliwanag ko.

"Natatakot ako." Aniya.

"Wag kang matakot dahil sabay tayong lalaban. All I want is for you to trust me and fight with me, okay?" Wala na siyang nagawa kundi ang tumango na lang.

Niyakap ko siya. At niyakap niya ako ng mahigpit pabalik.

"I love you." I uttered.

"I love you too so much, baby." Sabi niya at binaon ang kanyang mukha sa aking leeg habang nakayakap pa rin kami sa isa't isa.

Medyo nakahinga din ako ng malalim. Akala ko kasi is malaki yung sikreto na tinatago ni Alexander sa akin. Okay na ako ngayon. Okay na ako na alam ko na ang lahat.

---

"Aalis siya? At pumayag ka?" Agad na sabi sa akin ni Jacque pagka on ko pa lang ng facetime.

"Well, wala naman akong nakikitang dahilan para umayaw ako. Isa pa kailangan siya ng Daddy niya." Sabi ko sabay dapa sa kama.

"Hindi mo ba siya mami-miss?" Aniya.

"You know that I will, Jacque. Pero ayoko maging selfish. Kahit ayaw ni Alexander na umalis at malayo sa akin, ayaw ko naman siya ipagdamot sa pamilya niya. Babalik din ang lahat sa normal. Magtitiis muna kami." Wika ko.

"Whatever." Umirap si Jacque kaya napatawa ako.

"Anyways, so yan pala ang tinatago niya sayo?" Dagdag pa niya.

"Oo. Hindi daw muna niya sinabi sa akin kasi pinagiisipan niya pa noong time na yun kung aalis ba siya." Paliwanag ko.

"Alam mo ang swerte mo diyan kay Alexander." Napangisi ako sa sinabi ni Jacque.

"Saan mo ba siya nahukay? Pakisabi sakin at maghuhukay na ako agad." Sabay kaming tumawa ni Jacque.
"Reto kita kay Ian. Gusto mo?" Sabi ko. Nakita ko ang pag- iba ng mukha ni Jacque.

"Wag na. Mukhang ang suplado nun. Magaling nga magluto, feeling gwapo naman. Hindi niya pa ako nililigawan, turn off na agad ako." Napatawa ako sa sinabi niya. Naisip ko kasing parang bagay sila ni Ian. Ay ship ko na sila ngayon. Sasabihan ko din si Alexander para dalawa na kami sa fansclub nila.

Napatingin ako sa taas ng phone ko ng magnotify ito na tumatawag si Alexander.

"I'll call you again, Jacque. Tumatawag si Alexander eh." Sabi ko.

"Okay. Kausapin mo na yang baby mo." Sabi niya bago inend ang call.
Agad ko namang sinagot ang tawag ni Alexander.

"Sorry nag-uusap kami ni Jacque." Sabi ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya mula sa kabilang linya.

"Na miss lang kita." Naramdaman ko ang paginit ng aking pisngi.

"Sure ka ba talagang payag kang magkakalayo tayo? Baka one hour pa lang ako sa States ay agad kitang ma miss. Uuwi talaga ako agad." Dagdag pa niya.

"Loko!" Tumawa ako at ganun din siya.

"Alam kong patay na patay ka sa akin pero kailangan mong magtiis." Dugtong ko pa.

"Bakit ba kasi sobra kitang mahal, Kate? Ano ba ang ginawa mo sa akin? Ginayuma mo ba ako ha?" Aba loko nga ito! Kung andito lang to sa harap ko siguradong nakurot ko na to.

"For your information Mr. Alexander Troy Ferrer, ikaw ang nang gayuma sa akin. Ikaw nga tong patay na patay sa akin." Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

I know that things between us will be hard kapag umalis na siya pero kailangang kayanin namin. Ang pagmamahal namin sa isa't isa, yun ang magiging pundasyon namin.

"Nga pala, iniinvite ka ni Papa for dinner bukas." Sabi ko. Nakalimutan ko palang sabihin sa kanya kanina.

"Really?" Halatang masaya at nagulat siya sa sinabi ko.

"Yeah. Nagulat nga ako. Ayaw mo ba?" Ani ko.

"Syempre gusto. Gustong gusto." Napangiti ako.

"Gustong gusto kita." Dugtong pa niya. Ito na naman ang mga banat niyang napaka mais.

"Oh, mais kayo diyan." Biro ko.

"Kinilig ka naman." Aniya.

Oo kinilig ako kahit napaka mais nun pero dapat pakipot tayo konti.

"Secret." Tumawa ako.

"Sige na at maliligo pa ako. Kita na lang tayo bukas sa dinner." Sabi ko.

"Wag mong i end ang call sasama ako sa pagligo mo." Sagot niya sabay tawa.

Uminit ang pisngi ko. Loko talaga.

"Manyak ka talaga. Bye na!" Sigaw ko sa kanya at inend na agad ang call.

Ampotang to pinagtri-tripan na naman ako.

When She Finally Meets Her MatchWhere stories live. Discover now