CHAPTER 15

145 8 0
                                    

Wala kaming sinayang na panahon at oras ni Alexander. Sa natitira naming 2 weeks na magkasama, ginawa namin ang lahat para maging memorable yun dahil alam naming walang kasiguraduhan kung kailan ba namin uli yun magagawa.

Kung minsan ay dadalaw siya sa bahay. Magmo-movie marathon kami hanggang mag gabi. Minsan din ay lumalabas kami. Pumupunta sa park, mall, o kung saan mang trip naming pumunta.

I am happy that things between him and Papa are going well. Sa nakikita ko, Papa is really giving him a chance to prove himself and prove the words that he had promised. Okay na sana eh. Okay na sana ang lahat. Pero kailangan pa rin niyang umalis.

Maaga akong nagising para maligo at magbihis na. Maaga kasi akong susunduin ni Alexander. Ngayon na ang alis niya. Ayoko sanang sumama baka kasi pigilan ko pa siya na huwag na lang umalis, but then I realized na ito na ang huli naming pagkikita kaya dapat na akong sumama.

Nang bumaba na ako sa sala ay agad kong nadatnan doon si Jacque.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Sasamahan kita sa airport. Sasama ako sa paghatid mo kay Alexander." Aniya.

"Hindi naman kailangan tsaka sasama naman si Ian kaya okay na ako." Sagot ko.

"Ay grabe ka, hindi mo na ba ako kailangan ha? Bestfriend mo na ba yung Ian?" Sabi nito. Natawa naman ako.

"Sige na sumama ka na." Ani ko.

Ilang saglit pa bigla ng may bumusina sa labas. I guess sina Alexander na ito.

Agad na akong nagpaalam kina Papa.

Dinampot ko na ang aking bag at nagmadaling lumabas.

Nakita ni Alexander ang paglabas namin kaya lumabas siya ng kotse para pagbuksan ako ng pinto sa front seat.

Nasa likod nakaupo si Ian at katabi niya si Jacque. Walang kibo ang dalawa habang nasa biyahe.

Napatingin ako kay Alexander na nakatuon ang mga mata sa daan. Malapit na. Last minutes with him.
Parang kumirot ang aking dibdib ng marealize na aalis na siya at hindi pa alam kung kailan siya babalik.

Naramdaman ko ang mga kamay ni Alexander sa aking kamay. Napatingin ako sa kanya at nagtama ang aming mga mata.

"Are you okay?" Tanong niya.

Tumango ako. Ayokong ipakita sa kanya na nalulungkot ako kasi kapag nangyari yun magpupumilit na naman yun na huwag na siyang umalis.

Binaling ko na lang ang aking atensyon sa tanawin sa labas. And for a moment, I just wished for time to stop.

---

Nasa labas na kami ng airport ngayon. Inilalabas na ni Ian ang maleta ni Alexander mula sa kotse. Hawak-hawak naman ni Alexander ang aking kamay. Ang higpit ng kanyang pagkakahawak. Hindi ko siya magawang tignan kasi feeling ko maiiyak ako agad. Akala ko okay na ako eh. Akala ko ready na ako pag aalis siya. Pero ang hirap pala.

"Basta bro wag mong kalimutan size 10 ako." Sabi ni Ian sabay tawa.

"Si Daddy ang pupuntahan ko dun, bro hindi ako magbabakasyon." Wika ni Ian.

"Jacque, ikaw ng bahala kay Kate ha. Tawagan mo agad ako kapag nagkaproblema." Wika ni Alexander kay Jacque. Grabe naman to kung makapagbilin.

"Eh pano pag naghanap ng kabet yan? Sasabihin ko agad sayo?" Biro ni Jacque.

"Aba syempre. Subukan lang niyang maghanap ng iba habang wala ako, makakapatay ako." Bigla siyang tumingin sa akin. Pilit akong ngumiti.

"Sige, bro. Basta ingat ka dun." Wika ni Ian.

When She Finally Meets Her MatchWhere stories live. Discover now