CHAPTER 14

132 8 0
                                    

Nakaupo ako ngayon sa tapat ni Tita Zeneth at katabi ko naman si Alexander. Tahimik lang kami over dinner. Pasulyap-sulyap ako kay Alexander at everytime na magkakatinginan kami, he would smile back at me. Things are going as planned now. I am hoping that things will stay as it is kahit na aalis si Alexander, sana ay wala pa ring magbago.

"So, sabi ni Ate aalis ka daw?" Biglang sabi ni Ingrid kay Alexander.

"Yes." Ani ni Alexander.

"Kailan?" Tanong ni Tita Jacque.

"Sa susunod na linggo na po ang alis ni Mom. Susunod po ako after a week." Aniya. Napabuntong hininga ako. Alam kong napakabilis ng panahon ngayon. 2 weeks na lang at aalis na siya. Magkakalayo kami sa unang pagkakataon sa isa't isa.

"At kailan ka babalik?" Lahat kami ay napatingin kay Papa.

"Hindi pa po sigurado, Sir. Siguro pag okay na si Daddy." Sagot ni Alexander. Hindi na muli sumagot si Papa sa halip ay ipinagpatuloy na lang niya ang kanyang pagkain.

---

Pagkatapos ng dinner, inaya ni Papa si Alexander sa balcony. Naiwan naman kaming tatlo nina Tita Zeneth at Ingrid sa kusina.

Panay tingin naman ako sa kanila sa balcony at mukhang seryoso ang pinaguusapan nila.

"Mukhang nagkakasundo na yung dalawa ah." Napalingon ako kay Tita Zeneth.

"Medyo nagulat lang si Papa mo noong una mong ipinakilala si Alexander sa amin kaya ganun ang naging approach niya but then I know that your dad saw how much you love Alexander kaya he is giving him a chance." Paliwanag pa ni Tita.

"Nga pala Ate, handa ka na ba sa pag-alis ni Kuya Alexander? I mean, okay lang ba sayo?" Biglang tanong ni Ingrid.

"Mahirap man pero ayoko siyang pigilan." Muli akong tumingin kay Alexander na nasa balcony at nagtama ang mga mata naming dalawa. He smiled.

"I love him and I trust him. I know na matatapos din ito. Babalik din siya." Dagdag ko pa.

---

They say na hindi madali ang magmahal. Kailangan niyong pagdaanan ang mga pinakamahirap na hamon. Maaring manganib ang relasyon niyo dahil sa mga hamon na ito but these challenges will make your love more stronger. Panget naman siguro kung wala talagang hamon na darating sa relasyon niyo diba? Your relationship would be boring. Madali kayong magkakasawaaan which is not healthy for a relationship because love is not just all about kilig or saya lang, pain will really be included.

Nakahiga lang ako ngayon sa aking kama. Nakatingin sa kisame.

Last 2 weeks. Kailangan wala kaming sayangin ni Alexander.

Agad kong kinuha ang phone ko sa side table at dinial ang number ni Alexander. 11 pm na. Sana gising pa siya.

Ilang ring lang ay agad na niyang sinagot ang tawag ko.

"Hey, baby." Aniya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. As always.

"Tulog ka na ba? Baka naistorbo ko ang tulog mo." Sabi ko.

"Nah. Nakahiga lang ako sa kama." Wika nito.

"Bakit ka napatawag? Na miss mo ako no?" Napangiti ako sa sinabi niya. I will miss this.

Yung mga tawag niya na sobra akong kinikilig. I know na kapag pumunta na siya sa States, medyo limited na ang time niya. Dahil sa magkaiba kami ng oras and also may iba siyang responsibilidad. And I have to prepare myself na baka minsan na lang kami makapag-usap.

We really have to adjust.

"Asa ka." Biro ko sabay tawa.

"Sus. So bakit ka nga napatawag?" Wika niya.

"Ano yung sinabi sayo kanina ni Papa?" Tanong ko.

"Ah yun. Wag mo ng isipin yun. Sinabi lang niya sa akin ang mga dapat at wag kong dapat gawin sayo." Paliwanag niya.

"Sabi niya na wag kitang sasaktan kasi prinsesa ka daw niya. Sabi ko, hindi talaga kita sasaktan kasi ikaw ang reyna ko." Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang sarili kong wag ngumiti.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya mula sa kabilang linya.

"I love you so much, Kate." Aniya.

"Mahal na mahal din po kita." Sagot ko naman.

"Ayokong umalis." Hirit niya. Ito na naman tayo.

Pinikit ko ang aking nga mata. Ang hirap nito. Sobrang hirap nito para sa aming dalawa.

"Napag-usapan na natin ito, Alexander." Sabi ko.

"Yeah, I know." Matipid niyang sabi.
Kung pwede lang talagang wag ka ng umalis. Sana dito ka na lang.

"Pero kapag namiss mo ako, tawagan mo ako agad ha. Uuwi ako agad-agad." Napatawa ako sa sinabi niya.

"Pag na miss kita titignan ko lang pictures mo." Sabi ko.

"Tulog na tayo. Pupunta ako diyan bukas. Susulitin ko ang mga natitirang araw ko na kasama kita." Medyo nalungkot ako sa sinabi niya. Hays.

"Good night, baby. I love you." Hindi ko muna pinatay ang call, instead inilapag ko ang aking phone sa aking tabi at ipinikit ang aking mga mata.

Good night, Alexander.

When She Finally Meets Her MatchWhere stories live. Discover now