CHAPTER 5

195 6 0
                                    

Maaga akong gumising. Agad akong naligo at nagbihis. Nagtimpla na din ako ng kape. 

Hindi ko alam kung anong oras ako susunduin ni Alexander. Sobra kasi akong nagulat sa sinabi niya kagabi kaya hindi ko na natanong kung anong oras siya pupunta dito. 
Inaamin ko na kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Papa mamaya kapag makita niya ako. Natatakot ako na mas lumala ang kalagayan niya kapag nakita niya ako. 
Pero hindi. Pupunta pa din ako. Tulad ng sabi ni Ingrid, Papa needs me. 

Muntik ng matapon ang kapeng iniinom ko ng biglang may kumatok. 
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Si Alexander na kaya ito?

"Good morning." Bati niya sa akin pagbukas na pagbukas ko pa lang ng pinto. 

Naka white t-shirt at jeans lang siya pero iba yung dating. Amoy na amoy ko rin ang matapang na amoy ng pabango niya. 
Masculine perfumes are very irritating to the nose. Hindi ko talaga gusto ang amoy nito. 

"Are you okay?" Tanong niya sa akin.
 
"Yes." I smiled. 

"Pasok ka." Dugtong ko pa. 

This is the first time na papasok siya sa condo unit ko. 
Agad siyang umupo sa sofa. 

"Gusto mo ng kape?" Tanong ko.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Damn! Those stares. 

"Yan ba ang susuotin mo papunta sa ospital?" Tanong niya.

Napatingin ako sa suot ko. 
Naka mini skirt ako, sleeveless croptop, at white shoes. Anong mali dito?

"Ah... Oo. Bakit?" Napakunot ang noo ko. 
Umiwas siya ng tingin. 

"Wala." Matipid at mahina niyang sabi. 

Agad naman akong tumungo sa kitchen para iprepare ang kape niya. Ang weird niya ha.
---
Bumalik ako sa sala dala-dala ang kape ni Alexander. Nadatnan ko siyang nakatingin sa phone niya. Agad naman nita itong ibinulsa ng nakita niya ako. 

Inilapag ko yung kape sa maliit na mesa sa harap niya at umupo sa tabi niya. 

"May gagawin ka ba ngayon? Okay lang naman na wag mo akong samahan eh." Sabi ko.
Umiling ito habang umiinom mula sa tasa.

"Nga pala, after natin sa ospital pupunta tayo sa condo ni Ian." Napalaki ang mata ko sa sinabi niya. 

Condo ni Ian? Memories started to flashback. Last kong napunta dun sa condo niya ay noong may nangyari sa amin. 
Nagtataka ako tuloy kung alam ba ni Alexander ang nangyari sa amin. 

"Magluluto daw kasi siya. You must taste his own version of adobong baboy. Ang sarap nun." Dagdag pa niya. 

Sabagay, ang sarap nga ng Carbonara niya eh. Can't wait to taste his Adobo. 

"Sige." Wika ko. 

Tumayo ako para sana pumunta sa aking kwarto ng bigla akong natalisod dahilan para masagi ko ang iniinom na kape ni Alexander.

Ayun natapon tuloy sa damit ko. Puti pa naman. 

"Oh shit!" Wika ko. 

"Sorry." Pinahiran niya yung damit ko gamit ang kanyang panyo. Napatingin ako sa kanya at nagtama ang aming mga mata. 
Tumayo ako. 

"Magbibihis lang ako saglit." Nagmamadali akong umalis. That was awkward!

Agad kong sinara yung pinto. 
Natigil ako sandali. Wtf is happening to you, Kate? 

Pumunta ako sa cabinet ko at pumili ng pwedeng ipalit na damit. 
Pagkalabas ko ay agad na tumayo si Alexander sa pagkakaupo. 
Naka pink shirt at high waist pants na lang ako. Medyo tinamad na kasi akong maghanap at baka matagalan pa kami. 

When She Finally Meets Her MatchWhere stories live. Discover now