CHAPTER 3

212 8 0
                                    

"Wow! Tamang-tama pala tong pagdalaw ko eh." Bungad ni Jacque ng buksan niya ang ref. 

Nanatili akong nakaupo sa mesa habang tinitignan siyang kumukuha ng isang slice ng cake. 

"Saan galing tong cake, huh?" Tanong niya sa akin. 

"I don't know." Matipid kong sagot. 
Umupo siya sa harapan ko at nagsimula ng kumain. 

"Anong hindi mo alam?" Naguguluhang tanong niya. 

"Basta. Oh, bat ka nga pala napadalaw? Para makikain ng cake?" Pag-iiba ko ng usapan.

Ayoko kasing pag-usapan yung tungkol sa cake. Ni hindi ko nga alam kung sino yung Alexander na yun eh. 
Naiisip ko din na baka nagkamali lang ng pag deliver. 
Hays ewan ko ba. Ayokong isipin pero kusang pumapasok sa aking isipan. 

"Nagtext kasi si Tito sa akin. Tinatanong kung saan ka daw ba ngayon." Balita ni Jacque. 

Mahina akong tumawa. Papa is acting like concerned, huh? Eh parang noong isang araw lang, sinampal niya ako at galit siya sa akin kasi hindi ako pumunta ng Batangas ah. 

"Nagpalit ka ba daw ng number? Hindi ka daw nila macontact." Dagdag pa ni Jacque.

"Hindi ako nagpalit ng number. Talagang iniiwasan ko lang ang text, tawag, chats, o kahit emails nila. Ayaw ko silang makausap. Lalo na si Papa." Paliwanag ko. They didn't care about me at ayoko ng ipagsiksikan pa ang sarili ko sa mga taong ayaw din naman sa akin. 

It is just a waste of time. 

"Naisip ko lang, Kate ah. Bakit hindi mo sila bigyan ng chance? After all pamilya mo pa rin sila." Napatitig ako kay Jacque dahil sa sinabi niya. 

"I can't, Jacque. I won't." Sabi ko. 

Tulad ng sabi ko, ayoko ng ipagsiksikan ang sarili ko sa mga taong may ayaw sa akin. Ayoko maging desperada. Trying to seek for my father's attention? That's just a waste of time. 
Sobra na akong naging desperada noon and look, wala pa ring nangyayari ngayon. 

"Hindi naman sa nagiging bias ako ha pero I think kailangan mo lang buksan ang tenga at isip mo. I know pa rin naman na mahal mo pa din ang Papa mo." Natahimik ako sa sinabi ni Jacque.

Maybe she is right. Maybe I still love Papa. I still love our family. 
Pero parang takot na ako. Ayoko na mag take risk at gawin ang sinasabi ni Jacque. 

Taking risk is just applicable kapag alam mong may chance ang ipinaglalaban mo.
I don't wanna be a soldier who is trying to go on a battle that has no assurance of winning.

Patuloy pa rin sa pagkain sa si Jacque habang ako ay tahimik lang.
Nagulat ako ng bigla na lang may kumatok. 

Agad akong tumayo para tignan kung sino ito. Baka mamaya another box of cake na naman ito ha. 

"Kate!" Nagulat ako ng makita si Ian na nakatayo sa labas ng unit ko. 

"Ian? What are you doing here? Tsaka paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Sunod-sunod kong tanong. I am just shocked--- and curious at the same time.

"Remember? Malapit lang dito yung condo unit ko. Kaya noong nalaman kong dito ka nagst-stay, I decided to drop by. By the way, may dala akong Carbonara. Nagluto kasi ako kanina hindi ko naman maubos kasi nag-iisa lang ako." Iniabot niya sa akin ang tupperware pero bago ko pa iyon makuha ay naunahan na ako ni Jacque. 
Patay gutom talaga. 
Wait, bakit pala siya nandito? Diba kumakain siya ng cake?

"Mukhang masarap ah." Wika ni Jacque. 
Well, lahat naman masarap kay Jacque.

"Halika, pasok ka." I invited him. 
Naupo kami sa sofa habang dumiretso si Jacque sa kusina. Dala-dala pa rin ang tupperware na may laman na Carbonara.

"I am actually glad noong nalaman kong malapit lang pala ang condo mo sa condo ko. At least diba, pwede kitang mapuntahan dito anytime. Kung okay lang sayo." Sabi niya. 
I smiled.

"Of course. Walang problema sa akin yun." Sabi ko. 

Pumunta na sa amin si Jacque dala-dala ang tupperware at mga plato. Inilapag niya ito sa maliit na mesa sa harap ng sofa. 

"I was just a bit curious. Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Tanong ko sa kanya. 

Sa pagkakaalam ko kasi, wala naman akong nabanggit sa kanya. 
"Oh, actually dahil sa kaibigan ko. Yung kasama ko kagabi sa bar." Parang biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi ni Ian.

Naalala ko kasi yung ginawa ng magaling niyang kaibigan sa akin sa cake shop kanina. 

"Paano naman niya nalaman na dito ako tumutuloy?" Tanong ko pa. 

"Nabanggit niya na nagkita daw kayo kanina." Sagot ni Ian. Tumango naman ako. 

Don't tell me sinundan niya ako mula cake shop hanggang dito. 
Stalker ko na din pala siya. 
"Let's eat?" Sabi ko. 

Napatingin ako kay Jacque na nakaupo sa tabi ko. Kumakain na siya. Kanina pa. 
---
Grabe! Ang sarap ng Carbonara ni Ian. Magaling pala siyang magluto. 
Walang natira sa tupperware. Naubos naming tatlo yung dala niyang Carbonara. The best Carbonara that I have ever tasted! 
Feel ko tuloy dumagdag timbang ako. Knowing na carbohydrates ang pasta sabayan niyo pa ng kinain kong cake kanina. Okay, bye diet. 

"Masaya ako at nagustuhan niyo yung luto ko." Wika niya. He is about to leave. 

"It's the best. Pwede ka palang chef eh." Napatawa siya sa sinabi ko. It is not a joke. It's a compliment. 

"Don't worry dadala pa ako ng ibang foods sa susunod na pagpunta ko dito." Aniya. 

"Yun!" Biglang sabi ni Jacque. 

"Sige, I have to go na. See you again soon, Kate." Sabi niya sa akin.
I replied with a smile. 

Bago pa siya tuluyang umalis ay muli ko siyang tinawag. 

"Ian!" Lumingon ito sa akin. 

Kanina ko pa gustong tanungin ito sa kanya kaso medyo nahihiya ako. Pero sobra na talaga akong curious.

"Ano nga ulit name ng kaibigan mo?" Kumunot ang noo niya. Hindi niya nagets yung tanong ko. 

"Yung kasama mo kagabi sa bar." Dagdag ko pa. 

"Ahh. Si Troy." Wika niya. Troy?

"Alexander Troy Ferrer name niya. Bakit?" Tanong niya.

H-huh? Alexander Troy Ferrer?

Damn!

When She Finally Meets Her MatchWhere stories live. Discover now