CHAPTER 6

177 8 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa condo unit ni Ian. Abala siya ngayon sa pagluluto habang ako naman at si Alexander ay nakaupo sa sofa. 

"So, anong plano mo dun na ka na sa bahay niyo titira?" Tanong bigla sa akin ni Alexander.

Nakwento ko kasi sa kanya noong papunta kami dito ang offer sa akin ni Papa na sa mansion na ako tumira.

"Do you think I should?" Nagaalinlangan pa rin kasi ako. 

"Well, I can see this oppurtunity as a chance para magsimula kayo ulit. Aren't you happy na ang Papa mo na mismo ang gumagawa ng way para maging maayos kayo?" I smiled.

Actually he is right. I should take this oppurtunity to be with my family. Kailangan kong bumawi sa years na wala at nagkulang ako sa kanila. I need to make up for the things that I lost dahil sa pride at katigasan ng ulo ko.

"Alexander, natatakot ako." Tuluyan ko ng nasabi ang tunay na nararamdaman ko.

"Bakit? This is the time, Kate. Ito na yung matagal mong hinhintay. Unti-unti ng nakikita ng Papa mo ang maganda sayo. Yung totoong ikaw." Aniya. 

Why is he like this? Bakit ang bait niya sakin? Bakit pinapagaan niya ang lahat para sa akin? Why? 

"Look." Hinawakan niya ang kamay ko at diretsong tumingin sa akin. 

"I know that you are scared of the things that might happen. Pero what matters is now, Kate. Wag mo na munang isipin ang pwedeng mangyari sa susunod na mga araw o buwan kasi mas importante yung ngayon." Wika niya. 

Hindi na ako sumagot pa. Nagkatinginan lang kaming dalawa.

Why are you like this, Alexander? Bakit kailangan mong palituhin ng ganito ang puso ko? 

"Guys, luto na yung pagkain. Kain na tayo?" Bigla akong napaiwas ng tingin at tumingin kay Ian na nakatayo sa harap namin.

"S-sige." Tumayo na ako at sumunod na kay Ian sa dining area.

Naramdaman ko namang sumunod din sa akin si Alexander.
---

We talked a lot of things over lunch like kung paano nagsimula ang friendship nina Ian at Alexander. 
Pareho sila ng school noong College pero hindi same course. Pero naging close sila dahil pareho silang parte ng Student Council. 

Secretary si Alexander habang Vice-President si Ian. 

Kinuwento din nila na talagang habulin ng mga babae noong College days nila si Ian. 

Well, base naman kasi sa tindig at postura niya. I mean he had the looks and the sense of humor. Isa pa, ang sarap magluto. Tama si Alexander, this is the best adobong baboy ever. Naka tatlong rice nga ako eh. Kapag si Ian na talaga ang nagluto, nakakalimutan kong kailangan kong mag diet. 

"Eh ikaw Alexander, nagka girlfriend ka na ba?" Tanong ko. Tumingin sa akin ng diretso si Alexander.

"Hindi pa." Matipid niyang sagot. 
Hindi pa? Weh?

Siniko ako ni Ian na nakaupo sa tabi ko. 

"Alam mo kasi, Kate yang si Alexander napaka torpe." Wika ni Ian. 

Bumaling ang atensyon niya kay Alexander.

"Naalala mo si Cielo? Gustong gusto mo yun noong College diba? Kaso noong time na magtatapat ka na, tsaka mo nalaman na may boyfriend na pala. Yan ang bagal mo kasi." Biro ni Ian sabay tawa. 

I still can't believe na torpe si Alexander. I mean, why would he be? 
Gwapo naman siya and I am sure na hindi siya ire-reject ng kahit sinong babaeng magugustuhan niya. 

When She Finally Meets Her MatchWhere stories live. Discover now