CHAPTER 10

140 8 0
                                    

Kinabukasan, maaga akong sinundo ni Alexander sa bahay. Tahimik lang ako habang nasa kotse niya. Hindi ko nakausap si Papa kagabi. Maaga kasi siyang natulog and I don't wanna disturb him. Baka makasama pa kasi yun sa katawan niya.

Kahit na sinabihan na ako ni Alexander na hindi ko nakailangang kausapin si Papa, hindi ko pa rin iyon magagawa. I mean, alam kong kahit sabihin ni Alexander na okay lang siya ay iniisip pa rin niya yung sinabi ni Papa kagabi. At ako rin, gusto ko magbago ang iniisip o tingin ni Papa kay Alexander. I want him to see how kind Alexander is. That he has a good heart. I want Papa to see the real Alexander. The Alexander that I love.
Natauhan ako ng maramdaman kong hinawakan ni Alexander ang aking kamay. I looked at him at ngumiti siya sa akin.

"Are you okay?" Tanong niya.

"Yes." Matipid kong sagot.

"Hindi ba maganda ang pakiramdam mo? Pwede namang wag na tayo tumuloy kay Ian." Aniya. I know that he is concern.

"I'm fine. May iniisip lang." Tumango naman siya in return. Hindi na siya kumontra o nagsalita pa hanggang sa makarating na kami sa unit ni Ian.

---

Pagpasok namin sa unit ni Ian, agad niya kaming pinaupo sa sofa habang hinahanda niya yung lunch namin.
I took a glimpse at Alexander at nakatingin pala siya sa akin. His eyes are weak and he seems to be concern about me.

I smiled. Sana magets niya na okay lang ako. Okay naman talaga ako.
Tinawag na kami ni Ian.

Naupo ako sa tapat ni Ian habang tumabi naman sa akin si Alexander. Nakita kong napangiti si Ian habang tinitignan kami. Nagtataka ako kung anong iniisip niya.

"May dapat ba akong malaman?" Tanong niya.

Napatingin ako kay Alexander na seryoso lang na nakatingin kay Ian.

"What do you mean?" Wika ni Alexander.

Inilapag ni Ian ang hawak niyang tinidor at mahinang tumawa.

"Come on, bro. Don't deny it. Halatang-halata kayo." Aniya.

"So kayo na ba?" Dugtong pa niya.

Namula ako sa sinabi ni Ian.

"Yes. Kami na." Hinawakan ni Alexander ang kamay ko.

"Akin siya." Dagdag pa niya na mas ikinapula ng aking pisngi. Kailangan talaga may pahabol pa siya?

Napangiti si Ian.

"Finally, nagawa mo na ring aminin sa sarili mo na gusto mo si Kate." Napatingin sa akin si Ian.

"He already like you, Kate mula noong una ka niyang nakita sa bar. Nakakatawa yung mukha niya nun. Hindi niya maalis ang kanyang mga mata sayo. Tinanong agad sa akin ang pangalan mo." Dagdag pa ni Ian.

Natahimik si Alexander. Seems guilty huh?

I remember Alexander's face though. Nakakatawa nga siya and at the same time he is very weird.

"Now, you better agree with me. Torpe nga siya diba?" Sabi sa akin ni Ian sabay tawa.

"Hindi ko lang sinabi na gusto ko siya dahil gusto mo rin siya diba?" Biglang sabi ni Alexander.

"And you believe it? Bro, alam mong wala akong time para sa mga love na yan. Hinahabol lang ako ng mga babae pero ni isa sa kanila dun ay wala akong nagustuhan o sineryoso man lang." Muntik na akong mabilaukan sa sinabi ni Ian. Hirap talagang maging GGSS eh no. Gwapong-gwapo sa sarili.

"Sinabi ko lang na gusto ko si Kate para mainis ka at makawala ka na sa pagkatorpe mo. Right from the start alam ko ng gusto mo siya. Kaya in short, parang tinulungan kita." Wika ni Ian sabay subo ng pagkain.

Hindi naman nagsalita pa si Alexander sa halip ay pinagpatuloy na lang niya ang pagkain.

So, hindi talaga ako gusto ni Ian. Ginawa lang niya yun para mapaamin si Alexander which is effective. Nagselos pa nga si Alexander sa kanya. Pfft.

Pagkatapos ng lunch ay agad na rin kaming nagpaalam kay Ian. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa kanya kaso nagpupumilit na si Alexander na umalis kami. At wala akong choice kundi ang umoo at sumunod na lang sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
1pm pa lang. Masyado pang maaga para umuwi.

"Sa bahay." Matipid niyang sabi.
Bahay nila? Wtf.

"B-bakit?" Seryoso siyang napatingin sa akin.

"I'm going to introduce you to my family." Napalunok ako sa sinabi niya.

"Kainis ka. Hindi mo man lang sinabi sa akin. Hindi ako nakapaghanda." Ani ko.

"You don't have to prepare. They will like you just the way you are. Magugustuhan ka nila kasi ikaw ang gusto ko." Paliwanag niya.

Eh, kahit pa rin. I don't know if what should I say or act. Paano kung hindi nila ako magustuhan? Hays, bahala na.

When She Finally Meets Her MatchOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz